"Tikki"
"Tikki, wake up! We're here" bulong ni Von sakin.
Unti-unti kong binuksan ng mga mata ko. Nasa labas na nang sasakyan si Von. Nilibot ko ang aking mata kung saan na kami.
Binuksan ni Von ang pinto at bumaba ako. Ang ganda. Grabe! Yung bahay pinaghalong luma at modern ang style. Yung garden, grabe ang lawak. Nasa pilipinas pa ba ako? Parang sa pelikula ko lang nakikita yung ganitong set-up ng garden. Ang lakas maka-royal family. At may infinity pool na makikita mo ang Taal Volcano.
My jaw just dropped. The place is so magical. The feeling is that you want to come here and don't want to leave anymore. I wonder what would Von and I will be doing here alone.
"Let's come inside" Von said.
"Ahm. sino nakatira dito?" tanong ko kay Von habang naglalakad na kami papasok ng bahay.
"Wala may caretaker lang kami dito. Mom gave it to me since they decided to live in New Zealand" Sagot ni Von
Binuksan nya ang pinto at di na kelangang bukasan ang ilaw dahil sa open ang bahay sa natural light. Halos salamin ang pader ng bahay. At yung pader naka design na logs o malalaking kahoy na tila sinalansan pataas.
Ang ganda. Ang cozy. Umupo ko sa sofa at tumingala. Ang taas din ng ceiling. Bigla kong naisip may dala ba akong extrang damit? Parang masarap mag swimming.
Nakamasid padin ako sa bahay ng biglang umupo si Von sa tabi ko at biglang humiga sa lap ko.
"Can I sleep here" Sabay takip ng braso nya sa mata nya at humiga
Di ako nakasagot. Bakit ba ang hilig akong gulatin ng lalaking ito. Bigla-biglang yayakap, manghahalik, at ngayon naman hihiga sa hita ko.
"Pwede kang humiga Tikki, papahinga lang ako saglit tas kakain tayo" nakangit sya habang nakatakip padin ang mata nya.
Sino ba namang hindi makakahinga ng maayos. Malamang may gwapong hihiga sa hita mo at hindi mo naman jowa. Buti na lang baby fats lang meron ako.
Sinubukan kong mag relax. Hindi talaga kaya, sinandal ko na lang ang likod ko sa sofa at sinusubukang hindi titigan ang mga labi nya.
Parang hinahatak ako ng mga labi nya. Ano kayang pakiramdam pag hinalikan ko to? Magigising kaya sya. di ako gumagalaw sa takot na baka magising ko sya.
Naalala ko bigla yung mga sinabi nya bago ako nakatulog.
~if you just remember me~
Anong ibig sabihin nun? Dati na ba kami magkakilala? Ngayon ko lang napansin parang hindi sya yung mr. Pink shoes noong first day. Pumayat ba to? medyo chubby cheeks kasi sya noon eh.. Pero infairness ang kinis huh. Parang mas makinis pa mukha nya kesa sakin.
Di ko namalayan na malapit na pala ang mukha ko sa mukha nya. Bigla nyang tinanggal ang kamay nya sa mata sya at lumipat ng pwesto na nakaharap sa tiyan ko.
Bigla akong napa-stomach-in. At napataas ang dalawang kamay ko. My good grades Von, di ka pa ba gigising? Pinapahirapan mo ang aking puso... Este ang pwesto ko.
30mins ata kaming ganito. Biglang tumunog ang tyan ko. Nagulat ako sa lakas. Pati tiyan ko nagagalit na. Kung may ibang tao dito pagkakamalan kaming mag jowa. Nakatingin lang ako sa ceiling.
"I heard it, you're hungry. Why you didn't wake me up?" nakahiga padin sya at mukhang masarap ang tulog ng loko.
Yumuko ako at tinignan ko sya sabay ngiti.
Bumangon na sya at umupo sa tabi ko.
"What do you want to eat? I will cook. I think the fridge and the cupboard is full so there's nothing to worry about."
BINABASA MO ANG
Sorry, Who Are You?
RomanceHi! My name is Tiffany, join me to follow my heart to find my one true love that I accidentally forget about. Do I regret that I remember him again or I will thank the stars that we are destined to be together. (word count 1000 - 1700 per chapter)