Chapter 10: Let's Celebrate

7 1 0
                                    

Today is not an ordinary day. It is a day of celebration, and I will cook my favorite dishes and eat them with my favorite people well, no choice naman sila kasi sila lang ang taong malapit sakin ngayon si Von and my parents.

Today's celebration, I will prepare Spicy Tuna carbonara, American Cheese Burger Pizza, Black Forest cupcake and Choco-Mango smoothies.

Siyempre lahat ng ingredients sagot ni Von. Di naman sya nagreklamo sa mga pinamili ko. Sky is the limit ang budget ng bestfriend ko pero binili ko lang yung kailangan ko.Iba na talaga pag mayaman.

Nasa cashier na kami ng may isang matandang babae na 3 tao pa ang nakasunod mula sakin sa pila. Nagpalit kami nang pwesto kahit na mas madami pa yung pinamili nya kesa sakin at para na ring walang reklamo yung mga nauna sa pila sa kanya.

"Why did you let the old women skip the line?" pagtatakang tanong ni Von.

"Can't you see, she is old. Besides I can wait longer hours than her." I winked and smile at him.

Nagkwentuhan lang kami habang nagaantay ng turn namin. 3 months na kami magkakilala ni Von pero di ko pa sya kilala ng tuluyan. Alam ko lang name ng mama at papa nya pero di ko pa nakikita. Di ko natanong kung may kapatid sya. Kasi most of the time sya ang nag tatanong about me.

Tska lagi naming topic ay si Zen. Nagtatanong sya kung anong pwedeng magustuhan ng babaeng kagaya nya. It hurts a bit knowing that I am not his type though I want to be his....

Well ngayon hindi namin topic si Zen, puro pagkain ang topic namin mostly alam ko lahat lutuin. Ang saya lang na may taong interesado din sa hilig mo.

"It's our turn" hinila ni Von ang cart namin papalapit sa cashier.

"Don't you try to pay for all of this. I know you Tikki. You sly little kulot." May pagbabantang tingin nya sakin pero ngumiti.

Ngumiti lang ako at napailing.

Everytime kasi na nagbabalak syang ilibre ako inuunahan ko sya lagi magbayad.. Well today I let him kahit kaya ko bayaran. Baka magtampo eh.

Walking to the parking lot, The old lady approach us.

"Ineng salamat kanina huh kung hindi ka nakipagpalit baka naihi ako sa pila lagi nangyayari sakin yun kaya once every two months ako nagmimili kasi nakakahiya na sa management." nakangiting sabi ng matanda

"Alam mo iho ang swerte mo sa girlfriend mo. Maganda na mabait pa" sabay haplos sa braso ni Von.

"yes, mam I am indeed Lucky" sagot ni Von.

"Hindi ko naman po sya boyfriend, bestfriend ko po itong matangkad na lalaking ito." Nahihiya kong sagot.

"Ala eh bakit hindi kayo magnobyo? Kay namang bagay kayo." sagot ng matanda.

Namula lang ako sa kumento nya at tinignan si Von na nakangiti din tila tuwang-tuwa sa narinig.

Ibang-iba ang mukha ni Von pag nakasalamin. Teka may nunal pala sya sa right temple nya.. Ngayon ko lang napansin sabagay maliit lang kaya di kapansin-pansin.

"Eto pala ineng tanda ng pasasalamat ko sa iyo." Abot ng matanda sakin.

Halos magkatabi ng parking slot ang sasakyan ni Von sa sasakyan ng matanda.

"Let's go?" Von asked me after he put all our things at the car compartment.

"okay" sabay sakay sa sasakyan nya.

Nakakatuwa ang binigay sa akin ng ale. Tinapay. Feeling ko tuloy ang bata bata ko.

Nakalimutan ko itanong kung anong pangalan ng matanda. Pero matatandaan ko siguro ang mukha nya pag nagkita kami ulit.

Sorry, Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon