Chapter 17

35 5 1
                                    


I gripped my pouch while biting my lips. Hindi ako mapakali simula nung makita ko ang babae sa sulok. Her smile give me goosebumps and creeps. May pakiramdam ako na kilala niya ko. Sinubukan ko siyang hanapin pero sa dami ng tao ay nabigo ako.

Si Boss ay busy sa kanyang kausap kaya hindi ko siya masabihan sa nakita ko. I don't know but I got a bad feeling about that woman. Nakuha ang atensyon ng lahat ng magsalita ang host ng party na ito.

"Good evening everyone. Tonight we celebrate the 100th years of our beloved Ceñueva company. Blah blah blah" masyadong mahaba ang sinabi ng mc kaya hindi na ako nakinig.

Napansin kong seryoso ang mukha ni Boss habang nakatingin sa unahan. Siguro ay tatanungin ko si Boss kung sino ba talaga ang Ceñueva. Hindi ko alam ang mga tao sa mundo ng mayayaman kaya natural sakin na mawalan ng pakealam sa gantong pagdiriwang.

Nang matapos magsalita ang nasa unahan ay nagsimula din makipag usap ang mga tao sa kapwa nila mayayaman. Napangiwi ako ng may ilang matatandang napapatingin sakin. Oh please I'm not into sugar daddy. I rolled my eyes at them.

Napansin din ito ni Boss kaya hinawakan niya ang bewang ko kahit naka upo kami. I felt relieved when he hold me. Natanggal ang aking kaba dahil sa ginawa niya.

Niyaya niya akong tumayo at pumunta sa ibang table upang makipag kilala sa kapwa businessman. I tried to listen to them but I can't seem to understand what they are talking about. Bigla ko na namang naramdaman ang kaba ng may tumawag sa pangalan ni Boss.

"Ashton"

Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Ramdam ko na namutla ang aking mukha sa babaeng nakatayo sa harapan namin.

"It's nice seeing you again Ashton after 2 years. I missed you" sabi niya habang may ngiti sa labi.

Ang kanyang atensyon ay nakatutok kay Ashton. Ang kanyang mukha ay masasabi kong maganda talaga. Mas matangkad siya sakin kahit na mataas na ang aking heels. Ang kanyang katawan ay parang pang modelo. Her gown is hugging her body well.

"Cathleya how are you doing?" tanong ni Ashton.

Napangiti ang babae sa tanong niya. May sinabi ba si Ashton para ngumiti siya? Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman sa babaeng kausap ni Ashton.

Napatingin si Cathleya sa kamay ni Ashton sa bewang ko. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"So Leizly is in your care again?" taas kilay niyang tanong kay Ashton.

Napalunok ako ng banggitin niya ang aking pangalan. Her voice sound angelic but something tells me that it's actually dangerous. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng kanyang tanong kaya mas pinili ko na lang na wag makisali sa kanilang usapan.

"Yes and I'm planning to keep her safe from everything" seryosong saad ni Ashton.

"Oh well let's see. I hope you enjoy the night my dear" nanlaki ang mata ko ng lumapit siya kay Ashton at hinalikan niya ito sa pisngi.

Ramdam ko na sumikip ang aking dibdib sa nakita ko. Agad naman na nag iwas ng tingin si Ashton sa babaeng makapal ang mukha. Pero bago pa man siya umalis ay binalingan niya ko.

"Enjoy the night Leizly. Hope you enjoy the rest of night" ang akala ko ay yun lang ang sasabihin niya ngunit nabigla ako ng bumulong siya ng dumaan siya sa gilid ko.

"Bitch"

A smirk was visible on her red lips. Nangunot ang aking nuo sa huli niyang sinabi. Bago ko pa man siya matanong sa kanyang sinabi ay nawala na siya sa paningin ko. I licked my lower lip as I calm myself.

Petals Of Memories (Dela Cruz Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon