Chapter 16

36 3 2
                                    


I looked at myself in the mirror. I wore a fitted black long gown with a slit on the side. It's not that revealing but it suits me well. Ang aking kulay silver na buhok ay nakatuwid. Bumagay ito sa aking maputing kutis.

My make up is just right, not too bold but not too simple either. My almond eyes is quite a catcher. Minadali ko ang pag aayos dahil alam kong naghihintay na sakin si Boss.

Isinuot ko ang black heels ko. Dahil sa heels na to makakaranas sana ako ng batok galing kay Boss.

Nagpaalam ako kanina kung pwede na nakarubber shoes ako na itim para hindi masakit sa paa and terno pa siya sa gown ko. But Boss throw me a deadly glare, sa mabait akong tao di ko na tinuloy balak ko.

Kinuha ko ang phone ko at mini pouch . Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas.

Hindi ko makita si Ashton kaya ang hula ko ay baka nasa kotse na ito. It's already 7:30 in the evening. Mamaya pa sana ako lalabas ng kwarto pero baka magalit na naman si Boss. Dahan dahan akong maglakad dahil mahirap na madapa. Sayang yung gown and make up ko kung magiging lampa ako ngayon. I turned off the lights before I closed the door.

Nakita ko si Boss na nakasandal sa kanyang kotse. He look so dashing yet dangerous. Nakasuot siya ng black tux with a dark blue necktie. Ang kanyang buhok ay naka ayos. And damn, napalunok ako nung tumama ang paningin niya sakin.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay ramdam mo ang bilis ng tibok ng puso ko. I feel my knees trembling because of his stare.

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay.

"Did you bring the invitation?" tanong ni Ashton sakin.

"Yes Boss. Sa tingin mo madaming dadalo sa celebration na yun?" Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko. How I hate crowded places. Mas gugustuhin ko na lang mag kulong sa kwarto ko at mag movie marathon kesa magpunta sa ganitong okasyon.

"Oo halos lahat ng mata ng tao ay nakatutok sa okasyon na yun. Just stay with me, mahirap na kung mawawala ka dun" sabi niya.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Anong tingin niya sakin bata na maglilikot dun. I saw a ghost of smirk on his lips. Mukhang nasa mood mang inis ang Boss ko ngayon pero di ako papatol dahil sayang ang make up ko.

I just rolled my eyes at him. Pinili ko na lang na tumingin sa labas ng bintana. I sighed when I remember the scene in the office earlier. Hanggang ngayon hindi mawala sa isipan ko ang babae kanina. Mukhang may gusto siya kay Boss base sa inasal niya kanina. Unrequited love lang ang makukuha niya kay Boss.

Hindi na ko magtataka kung makakatanggap ako ng blackmail mula sa mga admirer ni Boss. Napangiwi ako sa naisip ko. Ayaw ko pang mamatay ng virgin. I'm 21 years old but I don't experience the dating stage that people say. Date or kahit pagtanggap ng bulaklak ay hindi ko pa nararanasan. Tapos mamatay na lang ako virgin pa.

"Sun?.. Sun? ....Sun?!"

"Ay virgin ako!" Napatalon ako sa upuan ko ng sigawan ako ni Boss. Wait, anong sinabi ko. Napatingin ako sa kanya at kita ko na nakakunot ang kanyang nuo.

"What? Virgin who?" tanong niya sakin.

Ramdam ko na umakyat lahat ng dugo ko papunta sa aking pisngi. Oh God! I didn't mean what I said. Bakit ba kasi yun yung nasa utak ko ng gulatin niya ko. I mentally facepalm.

"Nothing Boss" umiling pa ko para paniwalaan niya ang sinabi ko. Kasalanan niya din kasi dahil ginulat niya ko.

"You're not a virgin Sun" napanganga ako sinabi niya.

Lalong namula ang aking mukha. What did he just said?!

"What?! I'm a virgin Boss! Wala pang nakaka angkin ng perlas ko!" halos sigawan ko siya sa inis.

Napatawa siya sa sinabi ko. Fuck it! I'm not going to accept what he said. Wala pang nakakagalaw sakin at alam ko yun. I gritted my teeth and throw a deadly glare at him.

"Hmm? How can you say Sun?" tila may pang aasar na tono ang kanyang boses.

Lalong nagdikit ang kilay ko sa tanong niya. Nakakagago ang usapan namin. Bakit ba kasi napunta dito yung topic!

"First of all Boss, I'm a virgin and you can't do anything about it. Second, don't you dare laugh at me or else. And lastly, ba't mo ko pinag dududahan Boss si madam bertud ka ba para malaman ang lahat"

He chuckled at what I said to him. I swear pag hindi siya tumigil sa pagtawa ay itutulak ko siya palabas ng kotse kahit umaandar. I crossed my arms and continue to throw deadly glares at him.

"Okay chill Miss I'm just joking. Anyway ready yourself we're here" sabi niya sakin.

Damn him! Babawi ako sa pang aasar niya sakin. Hindi ko napansin na tumigil na ang kotse niya. Nawala ang inis ko at napalitan ito ng kaba ng mapatingin ako sa labas ng bintana.

May nakalatag na red carpet na tiyak ay yun ang lalakaran namin mamaya. Ang mga reporter ay nagkalat sa buong paligid. Napalunok ako dahil alam kong pag uusapan ang pagsama ko kay Boss.

"Don't leave my side. Mahirap na pag nakahiwalay tayo" tumango ako sa sinabi niya.

Wala akong balak na makipag usap sa kahit kanino na nasa loob. Sinamahan ko lang si Boss at wala ng iba.

Unang lumabas ng kotse si Boss. Automatic na napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. The flash of different cameras are blinding my eyes. Parang ayaw ko ng sumunod sa labas ng kotse. Sa dami ng reporters ay nagmistulang showbiz ang kabilang inaabangan.

Kinatok ni Boss ang bintana hudyat na pinalalabas niya na ko. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas.

Once my face is revealed, the flashes of camera are everywhere. Naramdaman ko ang kamay ni Ashton sa aking bewang. Napatingin ako sa kanya pero seryoso lang ang kanyang mukha.

When we start walking towards the entrance of the hotel, I tried to smile even if I'm nervous. Deretso ang lakad namin hanggang kami ay makapasok.

May nag assist saming staff kung saan kami pupunta. Ramdam ko ang init ng kamay ni Boss sa aking bewang at hindi ko maiwasan na mamula dahil dun.

When we reached the big double doors, the staff asked for the invitation. Ibinigay ko ang invitation bago kami pumasok.

The theme of the party is an elegant one that matches the people inside the event hall. Ang lahat ng tao ay mahahalata mo ng mayaman. A faint music is playing.

Madaming tao ngunit hindi masikip ang lugar. Inikot ko ang mata ko sa buong paligid habang papalapit kami sa aming table. Madaming bumabati at nagbabalak kumausap sa kasama ngunit puro tango lang ang natanggap nila.

Umupo kami ni Boss sa aming table. May kasama kaming tatlong lalaki na pare parehong seryoso Ang mukha. May kausap siya ngayong isang business man. Hindi na ko nakinig dahil puro trabaho ang kanilang pinag uusapan.

Suddenly I feel a stare from someone. Bigla akong kinabahan sa di malamang dahilan. Napatingin ako sa dulong bahagi ng event hall. A woman in a red seducing gown is standing while staring at me. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay nginitian niya ako pero ramdam ko na nagtaasan ang balahibo ko at lalo akong kinabahan sa ngiti niya. Tumalikod siya sakin at nakihalo sa mga tao. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko na siya makita.

I bit my lips because I feel my hands trembled at what I saw. I have a bad feeling about that woman.

I bet this night is gonna be a long one. But I don't know what to do to an unexpected meeting that will bring mysteries and confusion to me. I hope I can survive.

Petals Of Memories (Dela Cruz Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon