Chapter 14

38 5 1
                                    

"I'm your fucking husband Sun" napanganga ako sa sinabi ni Ashton.

Asawa? Kelan pa ko nagka asawa? Kinasal ba ako? Hindi ko agad maproseso ang sinabi niya sakin. Napaatras ako dahil sa sobrang kaguluhan ng aking utak. Tumingin ako sa kanya at nagbabaka sakali na biro lang ang lahat pero walang ibang makikitang espresyon sa kanyang mukha kundi ang pagkaseryoso.

Ang aking dibdib ay sasabog sa sobrang kaba at takot. Hindi ako maaring ikasal ng hindi ko nalalaman. Lalong dumami ang tanong sa utak ko.

"What?! Are you fucking kidding me?! You can't be my husband. Gosh! Ashton hindi pa ko ikinakasal!" sigaw ko sa kanya.

Tumaas ang aking boses dahil na din sa pagkalitong nararamdaman ko. It's impossible to marry someone you just met. Masyadong mabilis ang naging pagkikita namin pero hindi ko maisip na ikinasal ako sa kanya.

Nangunot ang nuo ni Ashton at agad na nag iwas ng tingin sakin.

"See, ni hindi mo paniwalaan ang sinabi ko sayo. Just forget what I said" sabi ni Ashton sakin bago siya mawala sa paningin ko.

Napatingin ako sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Bumalik sakin ang mga alala ng una naming pagkikita. Ang pagtulong niya sakin ay alam kong totoo pero bakit ang hirap intindihin lahat ng nangyayari. Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ito ng konti. Mas mabuti siguro ay hindi na ako nagtanong. Ano ba talagang ipinahihiwatig ng mga panaginip ko at hindi ko malaman kung totoo ba talaga ang sinabi ni Ashton sakin.

Umakyat ako sa taas at pumunta sa harap ng kwarto niya. Nagtatalo ang isip ko kung kakatok ba ko o hindi. Kinagat ko ang kuko dahil sa kaba. Pano kung totoo ang sinabi niya na asawa ko siya? Anong gagawin ko? Pero paano yun nangyari ni hindi ko matandaan na nagkaroon ako karelasyon.

Sa nakalipas dalawang taon, hindi man lang ako nagka interes na magkaroon ng kasintahan. Tutok ako sa trabaho ko and beside I'm living on my own kaya wala akong panahon para sa isang lalaki. I rolled my eyes and sighed before I knock on his door.

Naghintay ako ng ilang minuto para pagbuksan niya ko pero walang nangyari. Sinubukan ko ulit kumatok pero mas malakas na. Pag hindi niya to binuksan sisiguraduhin ko na masisira ang pinto niya.

"Ashton pwede ba tayong mag usap? Gusto ko lang malinawan sa sinabi mo sakin kanina" sabi ko sa labas ng kanyang kwarto.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sakin ang seryosong mukha niya. Napalunok ako sa kaba at para bang nalunok ko din ang dila ko. Umatras yata lahat ng tapang ko kanina.

"What?" maikli pero nakakatakot na tanong niya sakin.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang kaba ko. Isang tanong pa lang niya ay para bang gusto ko ng umatras at pumunta sa kwarto ko. Bago pa man maisipan kong gawin ang nasa utak ko ay nagsalita na ako.

"Ah ano gusto ko lang sanang mag usap tayo tungkol sa sinabi mo sakin kanina" tahimik akong nagpasalamat ng hindi nanginig ang boses ko kahit na kinakabahan ako.

Nangunot ang nuo niya habang nakatingin sakin. He licked his lower lips as if he is annoyed with me.

"Just forget what I said. Madami pa kong gagagawin goodnight" sabi niya bago sinaraduhan ang pinto ng kwarto niya.

Now what was that? Ni hindi man lang ako nakapag tanong ng kahit ano. Nangunot ang nuo ko at sinamaan ko ng tingin ang pintuan ng kwarto niya. Kung pwede lang masira ang pintuan niya ay kanina ko pang ginawa.

Nagmartsa ako papunta sa kwarto ko. I swear hindi ko siya papansinin dahil sa inasal niya sakin. Isinarado ko ng malakas ang pintuan ng kwarto dahil sa iritasyon ko. Siya na nga tong gumulo sa isipan ko, siya pa tong galit. Alam kong dinig sa kabilang kwarto ang ingay ko.

This is so childish of me being angry of a simple action of my Boss but being ignored by him pissed me off big time. Dumeretso na lang ako sa banyo upang makapaglinis ng katawan. Nagbabad ako sa bathtub ng kalahating oras para na din palamigin ang ulo ko. I do my skin care routine before I go to sleep.

"Ring! Ring! Ring" may narinig akong natunog pero mas pinili kong matulog ulit. Naulit ang pagtunog ng ilang beses. Kahit na inaantok pa ko ay umupo ako bago ko kuhanin ang phone ko. It's 5 am and who in the right mind would call me in this hour. Sinagot ko ang tawag kahit na hindi ko nabasa ang pangalan ng caller.

"Hello?" Sabi ko habang nakapikit.

Narinig ko na may tumawa sa kabilang linya. Halos magising ang buong katawan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Still a sleepyhead ey? Morning baby" ang pamilyar na boses na hindi ko narinig ng dalawang taon.

Napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkabigla. Hindi ko inaasahan na tatawag sakin si Mommy. My eyes become teary eyed. Hearing her soft voice will always calms me down.

"Mom? Is that really you" nanginginig kong tanong.

"Ow silly girl! Of course it's me" she softly chuckled at what I said.

Me and my mom is really close. She has a sweet and soft voice that can calm me and my Dad. Ang kanyang mukha ay masasabi mong para siyang isang anghel. My face resemble her soft features. Sabi nila ay kamukhang kamukha ko si Mommy nung dalaga pa ito.

"Leizly" napasinghap ako ng marinig ko ang boses ni Dad.

Nalaglag ang luha ko ng marinig ko ang boses ng aking ama. His voice is still full of authority but kinda soft. My Dad always protective of me. He treats me like a jewel because I'm his only daughter. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay niya at kahit minsan ay hindi siya nagkulang sakin.

"Mom, Dad I miss you so much" pinipigilan kong manginig ang boses ko kahit na nag uunahang malaglag ang mga luha ko.

"Oh shush! Don't cry baby. We also missed you so much. Come and visit us if you have free time this Sunday. Ivan called us to inform na magkikita daw kayo" napangiti ako sa sinabi ni Mom. Ivan will be always be Ivan.

"Okay Mom pupunta ako dyan ng sabado ng gabi. I will spend my weekend in our house. I miss my room big time" napatawa si Mom sa sinabi.

"Okay baby we will see you soon. I'm gonna hang up this call. Take care of yourself okay I love you" kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang saya.

"I love you too Mommy and tell Daddy the same too" sabi ko bago patayin ang tawag.

Napatili ako sa sobrang tuwa. I can't believe after 2 damn years, naka usap ko na ang parents ko. My excitement grow bigger when I think I'm going to visit ny home. What a start of the day.

Dumeretso ako sa banyo upang mag ayos ng sarili. Hindi pa rin maalis sa aking labi ang ngiti. I should thank Ivan for his doings. When I finished fixing myself, I decided to cook our breakfast. Tila nakalimutan ko na lahat ng problema ko ng makausap ko ang aking magulang. Bumaba na ako at dumeretso sa kusina. Nagsimula akong magluto ng almusal namin.

Nabura ang ngiti ko ng pumasok sa kusina si Ashton. Napatingin siya sakin pero inirapan ko lang siya. I continued cooking breakfast while he sit in the high stool on the kitchen counter. Kala niya nakalimutan ko ang ginawa niya sakin kagabi. Well, he got the wrong idea.

Nang matapos kong maluto ang pagkain ay padabog kong iniligay sa harapan niya ito. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako naapektuhan.

"What's your problem?" Tanong ni Ashton sakin.

I rolled my at him and I choose to ignore his question. I'm not childish I'm just pretty.

"Seriously Sun, what's your problem?" Dagdag na tanong niya pa.

Itinaas ko ang kamay ko sa mukha niya habang ako ay nakatayo sa harapan niya. Napatingin siya sa kamay ko.

"Kita mo kamay ko Boss? Yan kausapin mo" pang aasar na sabi ko sa kanya.

Napangiwi siya sa ginawa ko. Sinasabi ko sayo Boss, buong araw kitang papainitin ang ulo. Humanda ka di matatapos ang araw na to ng hindi ka napipikon sakin.

This will be my farewell to you Boss.

Petals Of Memories (Dela Cruz Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon