Chapter 8

2.1K 72 3
                                    

IBINABA lang si Dianne ni Nico nang makapasok sila sa loob ng malaking bahay nito sa California. Simula pa nang makapasok ang sasakyan sa villa na ito ng binata, hindi na nawala ang pagkamangha sa kanyang mukha.
Bakit naman hindi? Ang villa na pag-aari ni Nico ay malapit lang sa napakalawak na dagat. Dianne knew Nico loved the sea. Simula pa noong mga bata sila, sumasama siya dito tuwing nagpupunta sa mga dagat sa Cebu.
The house was majestically overlooking the blue ocean. It has views upon views. Kalmado lang ang dagat ng mga oras na iyon, masarap din ang simoy ng hangin.
Hinayaan lang naman siya ni Nico na maglakad-lakad para pagmasdan ang napakagandang bahay. Kahit nakakaramdam ng sakit sa kanang paa, pinilit ni Dianne na huwag indahin iyon.
Fresh at simple lang ang decor ng bahay. Napaka-artistic din ng lighting. Pero hindi lang ang ocean view ang hinangaan ni Dianne. There was also a stylish court yards, a very beautiful garden and impressive swimming pool and pool house. Sigurado siyang hindi basta-basta ang halaga ng bahay na ito, hindi, ng villa na ito.
Napanganga si Dianne nang mapatapat sa isang glass encased staircase patungo sa ikalawang palapag ng bahay. “Gaano kalaki ang lupa mo dito, Nico?” Hindi na niya napigilang itanong.
“Almost three thousand acres ang pag-aari ko sa lupa dito,” sagot ni Nico. “Kapag maayos na ang paa mo, ipapasyal kita sa dalampasigan. Mayroon ding vineyards dito at iba’t ibang puno, like chestnut and oak trees.”
Hindi makapaniwalang napatingin si Dianne sa binata. “Ikaw lang mag-isa dito?”
“Hindi. May mga caretakers ang villa na 'to. Dito ko na rin sila pinagtayo ng bahay para sa kanilang pamilya.”
Tumango-tango si Nico. At least, may natutulungan din naman pala ang malaking property na ito ng binata. “Para ka na ring si Kuya Jeremy,” naiiling na sabi ni Dianne.
“Napakalaki ng naitulong niya sa akin,” ani Nico. “At ang tanging maisusukli ko lang doon ay maipakitang successful na ako, na hindi ko sinayang ang mga tulong niya.”
“And you did it,” nakangiting sabi niya. “I’m so proud of you.”
Nakatitig lang sa kanya si Nico, hindi nagsalita. Ipinagpatuloy ni Dianne ang paglalakad-lakad sa bahay. Nagtungo siya sa malawak na kitchen area. Masculine ang dating ng kitchen layout. It would be nice to give some feminine touch on it.
“Nagpapadala ka pa rin ba ng pera sa kuya mo?” tanong ni Nico mula sa likod.
Nilingon niya ito, hindi inaasahan ang tanong. Mayroon siyang nakatatandang kapatid na lalaki – si Kuya Jomar. Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral at umaasa na lang sa kanyang mga magulang kahit kaya namang magtrabaho. May sarili na rin itong pamilya subalit nakatira pa rin sa apartment ng mga magulang nila sa Quezon City.
Her brother was a gambling addict as well. Iyon ang isa sa mga bagay na hinihiling nilang matanggal dito. “Oo,” sagot ni Dianne sa tanong ng binata. “Noong huli ko siyang makausap, sinabi niyang may plano siyang magsimula ng isang negosyo. Mukha namang seryoso na siya doon. Palagi na rin kasi silang nag-aaway ng asawa niya.”
Sumandal si Nico sa marble table na naroroon. “Sigurado ba 'yan? Baka sayangin na naman niya ang perang pinapadala mo sa wala.”
“Hindi ko rin alam,” sagot niya. “Pero sana matuto na siya at magbagong-buhay. Bakit mo nga pala natanong? Pipilitin mo na naman ba akong umuwi sa Pilipinas?”
Ngumiti ang binata. Inabot nito ang isa niyang kamay, hinila siya palapit dito. “Gusto kang makita ng mga magulang mo, Dianne. Pero hindi kita pipilitin sa hindi mo gusto. I just want you to know that they’re very worried for you. Tumawag ka madalas sa kanila, okay?”
Tumango si Dianne.
Sumulyap si Nico sa paa niya. “Masakit pa rin ba ang paa mo?”
“Medyo.”
“Hintayin mo ako dito, kukuha lang ako ng bandage sa banyo.”
Pinigilan niya sa pag-alis ang binata. “Sasama na ako.”
“Bubuhatin na kita,” ani Nico. Hindi na siya nito pinasagot at walang paalam na pinangko.
Nanlaki ang mga mata ni Dianne. Hindi rin maintindihan ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg ng binata, iniiwasang mapatingin sa mukha nito.
“This is my room here,” narinig niyang sabi ni Nico.
Hindi namalayan ni Dianne na nakapasok na pala sila sa isang kuwarto. The room was very manly. It looked luxurious with silver accents, giving a delicate yet cool look. Napakalinis din niyon. Maingat siyang inilapag ni Nico sa ibabaw ng malambot na king-sized bed bago ito nagtungo sa loob ng banyo.
Pagkalabas ng lalaki ay may dala ng first aid box. Naupo sa carpeted na sahig si Nico bago hinawakan ang kanan niyang paa. Tinanggal nito ang boots na suot niya.
“Medyo maga nga ng kaunti,” mahinang wika ng binata. Marahan nitong hinaplos ang paa niya.
Napapiksi si Dianne, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa tila kuryenteng dumaloy sa katawan dahil sa haplos ng binata.
“Huwag kang mag-alala, gagaling din 'to,” nakangiting wika ni Nico.
Nakamasid lang si Dianne sa mukha ng binata habang nilalagyan nito ng ointment ang parte ng kanang paa na maga. Maingat ding nilagyan ni Nico ng bandage ang parteng iyon.
Nang tumingala sa kanya ang lalaki, mabilis namang iniiwas ni Dianne ang tingin. Bakit ba siya nakakaramdam ng pagkailang ngayon kay Nico?
“Gusto mo bang manood ng sunset sa labas?” tanong ng binata.
Sinulyapan niya ito bago tumango. Tumayo si Nico at akmang bubuhatin uli siya nang iharang na ni Dianne ang mga kamay.
“I... I think I can walk now,” aniya, medyo nautal. “Alalayan mo na lang ako.”
Nagkibit-balikat si Nico at inalalayan siya hanggang sa makarating sila sa verandah ng bahay.
Bumalot ang katahimikan sa pagitan nila, tanging ang huni ng mga ibon at alon ng dagat ang maririnig. Dianne sighed and watched the magical sunset in front of them. This place was exquisite.
“Are you okay now, Dianne?” pagbasag ni Nico sa katahimikan.
Ipinanatili ni Dianne ang tingin sa harapan. Unti-unti nang dumidilim ang paligid. “I am,” sagot niya. “I’ll be stronger now, Nico, I promise. Hindi ko na hahayaang makulong uli ako sa kalungkutan. Hindi na rin ako agad-agad magdedesisyon na ibigay ang puso ko sa isang lalaki. I don’t want to get hurt again.”
“You’re scared now,” mahinang wika ni Nico na halos hindi na niya marinig.
“Ganoon naman talaga, 'di ba?” natatawang wika ni Dianne, pero sa loob ng puso ay kaseryusohan. “Kapag nasaktan ka na minsan, nakakatakot nang ma-attach muli. Mayroon nang takot sa puso ko na lahat ng taong magnanais na makuha ang pagmamahal ko ay sasaktan lang uli ako. I don’t want my heart to be broken again.”
Hindi niya narinig ang pagtugon ni Nico.
“My marriage life with Arnold ended bad,” pagpapatuloy niya. “I don’t wanna fall in love again.”
Bumuntong-hininga si Nico. Nang tingnan niya ito ay nakitang nakangiti na. “Maghahanda na ako ng dinner natin, magpahinga ka na muna.”
“Tutulungan na kita,” pahabol pa ni Dianne.
“Hindi na,” sagot nito. “Tatawagan ko na lang ang caretaker para tumulong.”
Natigilan si Dianne pero hindi na nakasunod sa binata nang lumakad ito palayo. She could sense coldness in Nico at that time. At hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam ng mumunting kirot sa puso dahil doon.
INAYOS ni Dianne ang suot na blouse habang nakaupo sa couch. Katatapos niya lang magluto ng lunch at hinihintay dumating si Nico. Inimbitahan niya ang binata na dito kumain sa bahay ngayong araw. Ilang araw niya rin kasi itong hindi nakita mula nang bumalik sila galing California.
Tiningnan niya ang hawak na cell phone. Wala pa ring message mula kay Nico. Natanggap kaya nito ang mensahe niya?
Mabilis na napatayo si Dianne nang marinig ang tunog ng doorbell. Lumabas siya para pagbuksan ang bisita, malawak pang napangiti nang makita si Nico. Nakasuot ang binata ng brown jacket, may brown body bag din na nakasabit sa katawan.
“Akala ko hindi mo natanggap ang message ko,” wika ni Dianne pagkapasok nila sa loob ng bahay. “Nagluto ako ng lunch.”
“Plano ko talagang dumaan dito bago ang flight ko,” ani Nico.
Kumunot ang noo ni Dianne. “Flight?”
Tumango ito. “Babalik na ako sa Pilipinas mamaya. Marami pa kasi akong kailangang asikasuhin sa trabaho doon.”
Hindi naitago ni Dianne ang pagkagulat. Aalis na si Nico? Bakit biglaan naman 'ata? Akala niya ba gusto pa nitong magpunta sa ibang lugar kasama siya?
Lahat ng mga tanong na iyon ay ipinanatili na lamang niya sa isipan. Habang kumakain sila ng tanghalian, hindi gaanong nagsalita si Dianne. Sumasagot lang siya sa ilang mga tanong ni Nico.
Wala siyang magagawa kung nagdesisyon ang binata na umuwi na sa Pilipinas. Sino siya para pigilan ito? May sarili itong trabaho. May sariling buhay. Hindi naman puwedeng palagi na lang uubusin ang oras sa kanya.
“Dianne...” pukaw sa kanya ni Nico. “Ayos ka lang ba?”
Tumingin siya sa binata at pinilit ang sariling ngumiti. “I’m fine.”
Pagkatapos nilang kumain, sinabi ni Nico na kailangan na rin nitong umalis. Inihatid ito ni Dianne hanggang sa labas ng gate.
“Mag-iingat ka dito, okay?” wika ni Nico, hinaplos ang kanyang buhok. “Huwag ka nang magkukulong lagi dito sa bahay. Go and have fun sometimes. Enjoy your life.”
Iniyuko ni Dianne ang ulo. Wala siya gaanong kaibigan dito at ngayon na aalis na uli si Nico, hindi niya alam kung paano gagawin ang mga payo nito.
“Susubukan kong bumisita uli dito,” dugtong ni Nico. Lumapit ito sa kanya para dampian ng halik ang kanyang noo. “Take good care of yourself, Dianne.”
Nag-angat si Dianne ng tingin nang lumayo na ang lalaki, lumapit sa sasakyan nito. Ngumiti si Nico at kumaway pa bilang pamamaalam. Pinigilan niya ang pangingilid ng mga luha.
Gusto niyang tumakbo palapit sa binata nang tumalikod na ito. Gustong hilingin na huwag itong umalis, huwag siyang iwan. Pero hindi puwede. Nico was her very good friend but he would never stay with her all the time.
Kailangan niyang ayusin ang sariling buhay ng mag-isa, kailangang mag-desisyon kung ano ba talaga ang gusto. Humugot si Dianne ng malalim na hininga at hinayaan na lang na umalis ang binata.
Nang muling mapag-isa sa loob ng malaking bahay, biglang nanumbalik ang kalungkutan sa kanyang puso. Sandaling iginala ni Dianne ang paningin sa bahay. Hindi niya na gustong mag-isa. Hindi na gustong magtago.
This place was her and Arnold’s house. Nasa bahay na ito ang lahat ng masasakit na alaala ng kanilang pagsasama kahit na maikli lamang iyon. Hindi tamang manatili siya dito habang-buhay. She didn’t want to be a prisoner of the past. She needed to be stronger. She had to live.
“SO NAKAPAG-DESISYON ka na talaga?” narinig ni Dianne na tanong ng kaibigang si Noemi. Nasa loob sila ng restaurant niya ng araw na iyon.
Tumango si Dianne. “Ilang araw ko rin itong pinag-isipan. Oras na siguro para pakawalan ko ang lahat at magsimula uli.”
Inabot ni Noemi ang isa niyang kamay na nasa mesa. “Masaya ako na nakapagdesisyon ka nang magsimula uli. Pero ibig sabihin nito, hindi na uli kita makikita.” Tumawa ito ng mahina.
Tinapik-tapik niya ang kamay ng kaibigan. “Puwede ka namang tumawag sa akin.” Kaninang umaga ay nakapagpa-book na siya ng ticket pabalik sa Pilipinas. Iyon ang desisyon niya – umalis na sa bansang ito at kalimutan ang lahat tungkol kay Arnold.
“And this restaurant?” tanong pa ni Noemi.
Bumuntong-hininga si Dianne. “I sold this place already. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa bansang ito. Gagamitin ko na lang ang pera para magsimula ng panibagong negosyo sa Pilipinas.”
“So you’re really staying there for good,” ani kaibigan. “Mas ayos naman 'yon dahil nandoon ang pamilya mo, mas marami kang kaibigan doon. You will heal and forget better there.”
“Ibabalik ko na lang ang dati kong buhay noong hindi pa ako nagpapakasal kay Arnold.”
“Tama.” Ngumiti si Noemi. “It’s not good to always dwell on the past. May karapatan ka ring maging masaya uli.”
Masaya. Hindi alam ni Dianne kung makakahanap pa siya ng panibagong kasiyahan pero susubukan niya. Ang mahalaga ngayon ay iwan na ang nakaraan at magbagong-buhay. Hindi niya na gustong patuloy na maging malungkot.
And she missed her family too. So much. Uubusin niya na lang ang lahat ng oras sa pamilya at sa sarili.
“Basta maging mapanuri ka na sa susunod na lalaking pipiliin mong pagbigyan ng pagmamahal, ha?” paalala pa ni Noemi. “Siguradong marami ang lalapit sa'yo uli. You’re beautiful and single again. Pero tandaan mong mga vultures lamang ang attracted sa sugatang hayop. Huwag kang agad-agad na maniniwala sa sinasabi ng mga lalaking 'yan. Naloko ka na noon kaya mag-ingat ka na.”
Ngumiti si Dianne. “Wala na rin naman akong planong magmahal uli.”
“Oh no, hindi naman maganda 'yan, Dianne,” naiiling na sabi ni Noemi. “Sa ngayon, okay pa. Pero balang-araw, kakailanganin mo rin ng lalaking magmamahal at mag-aalaga sa'yo. Hindi ko sinabing huwag kang magmahal uli, sinabi ko lang na mag-ingat ka sa pagpili ng lalaking mamahalin.”
Nagkibit-balikat na lang si Dianne. Entering a new relationship was not her priority. Hindi niya na gustong masaktan na naman. Mas mabuti pa ang pagtuunan ng pansin ang sariling buhay, tuparin ang lahat ng pangarap. At magagawa niya lang iyon kung hindi uunahin ang maghanap ng panibagong pag-ibig.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon