HINDI mapigilan ni Dianne ang pagkasabik habang nakamasid sa bintana ng taxi na sinasakyan. Matagal-tagal na rin mula nang makatungtong siya dito sa Pilipinas. And she didn’t realize how much she missed her own country until now.
Napatingin siya sa driver nang sabihin nitong nakarating na sila sa lugar na sinabi niya. Humugot muna ng malalim na hininga si Dianne, bumaba ng sasakyan matapos maibigay ang bayad.
Lumakad siya papasok sa loob ng firm na pag-aari ni Nico. Doon niya napagdesisyunang pumunta dahil kinakabahang magpakita sa pamilya mag-isa. Gusto ni Dianne na matawa sa sarili. Nico was always her savior since then. Palaging dito siya lumalapit tuwing may kailangan, dito nagpapasama tuwing may hindi magawa mag-isa.
Hila-hila ang maleta, tumapat siya sa isang desk na malapit sa opisina ni Nico. Magalang niyang binati ang babaeng naroroon – ang sekretarya ni Nico na sa pagkakatanda niya at Sara ang pangalan.
“Nandito ba si Nico? Puwede ko ba siyang makita?” nag-aalangang tanong ni Dianne.
“May appointment po ba kayo?” tanong ng sekretarya.
“W-wala. Pero kaibigan niya ako. Busy ba siya?”
Kumunot ang noo ni Sara, tila inaalam kung kilala ba siya. “Miss Dianne?” tanong nito.
Ngumiti siya. “Akala ko hindi mo na ako maaalala. Medyo matagal din akong nawala.”
Napangiti na rin ang sekretarya. “Oo nga po.” Sinulyapan ni Sarah ang mga papel na nasa mesa. “Wala pa naman pong meeting si Sir Nico ngayon. Baka puwede niyo pa siyang makausap.”
Nagpasalamat si Dianne sa babae at sumunod dito hanggang sa makalapit sa pinto ng opisina ni Nico. Kumatok si Sara bago binuksan ang pinto.
“Sir, may gusto pong kumausap sa inyo.”
Pumasok sa loob ng opisina si Dianne at nakita ang pag-angat ng tingin ni Nico. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ng binata pagkakita sa kanya.
Napatayo ito. “D-Dianne?” Lumapit sa kanya si Nico, tila hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan na siya. “A-ano'ng... ginagawa mo dito? Kailan ka pa bumalik?”
Nagpaalam na sa kanila ang sekretarya. Binitawan ni Dianne ang hawak na maleta bago niyakap ng mahigpit si Nico.
Tumingala siya dito, hindi pa rin nawawala ang pagkamangha sa mukha ng binata. “I’m back for good,” wika ni Dianne.
Lumamlam na ang mga mata ni Nico habang nakatingin sa kanya. “Ngayon ka lang dumating?”
Tumango siya. “N-nag-aalangan kasi akong dumeretso sa bahay. H-hindi ko alam kung paano sila haharapin.”
Kumunot ang noo ni Nico. “Bakit naman? Pamilya mo sila, Dianne. Siguradong matutuwa sila kapag nalamang bumalik ka na.”
Lumabi si Dianne. “S-samahan mo ako,” hiling niya. “Maghihintay ako dito hanggang sa matapos ang mga meetings mo.”
Bumuntong-hininga si Nico. “Fine. Isang meeting na lang naman ang mayroon ako. After that, maaga na akong aalis para masamahan ka.”
Nagpasalamat siya sa binata at hinayaan na itong bumalik sa working desk para asikasuhin ang trabaho. Nagtungo si Dianne sa maliit na couch para doon maghintay.
Pinagmasdan niya lang si Nico habang nagtatrabaho. Paminsan-minsan ay sumusulyap din sa kanya ang binata. He looked so handsome in a business suit. Nakasuot din ito ng reading glasses.
Mahigit isang oras din ang hinintay ni Dianne hanggang sa matapos ang meeting ni Nico. Ang binata na ang nagdala ng maleta niya hanggang makalabas sila ng firm.
Dinala siya nito sa kinapaparadahan ng sasakyan – a white two-seater Ford GT90 Concept. “Salamat sa pagsama sa akin, Nico,” wika niya habang nasa biyahe. Sa Quezon City lang naman ang apartment na tinutuluyan ng pamilya niya. Agad din silang makakarating doon kung hindi maiipit sa traffic.
“Doon mo ba balak tumira muna? O magrerenta ka uli ng apartment?” tanong ni Nico.
Ilang sandaling nag-isip si Dianne. “Hindi ko alam. Medyo masikip na kasi sa apartment ng mga magulang ko dahil doon din nakikitira ang pamilya ni Kuya Jomar. Baka sa hotel na muna ako tumuloy ngayong gabi. Bukas ako maghahanap ng apartment na puwedeng rentahan.”
“How about your work?”
“Gusto kong magsimula uli ng bagong restaurant dahil isinara ko na ang nasa New York. Pero pagpaplanuhan ko muna.” Ngumiti si Dianne, pinasigla ang tinig. “Mag-aapply muna siguro uli akong chef sa Luther Restaurant. Pero gusto ko munang mag-relax kahit ilang araw lang.”
Tumango-tango si Nico. “Plano ko ring mag-relax ng ilang araw sa busyness ng trabaho. Gusto mo bang sumama sa akin?”
“Saan tayo pupunta?” excited na tanong niya.
“Hindi mo pa nakikita ang farm ko sa Cebu, 'di ba? Bibisitahin ko 'yon this weekend.”
Kumislap ang mga mata ni Dianne. Naririnig niya lang noon ang tungkol sa farm na pag-aari ni Nico sa Cebu, hindi kalayuan sa Hacienda Fabella. Pero dahil naging abala siya sa trabaho noon, at kay Arnold kaya hindi nakakasama kay Nico tuwing bumabalik sa Cebu.
It had been a long time since she went to that place. Gusto niya ring balikan ang pinagmulang lugar. Tumango si Dianne. “Sige, sasabihin ko rin kina Inay para hindi sila mag-alala. Wala namang magiging problema sa kanila basta ikaw ang kasama ko.”
Sumulyap sa kanya si Nico. Inabot ng isa nitong kamay ang kamay niyang nasa kandungan, marahang pinisil. “Masaya ako na nagdesisyon ka nang bumalik dito, Dianne,” anito.
Tiningnan niya ang binata at nginitian ito. “Thank you for helping me realize what I want, Nico.” She entwined her fingers to his and Dianne felt so safe. Ito ang gusto niya – ang manatili sa sariling bansa at makasama ang mga taong mahahalaga sa kanya. Arnold was gone. Her dream for a happy marriage and love life was long gone. Dapat niya nang tanggapin iyon para mawala na rin ng tuluyan ang lahat ng sakit sa kanyang puso.
IKINAWIT ni Dianne ang mga kamay sa braso ni Nico habang namamasyal sila sa Cebu nang araw na iyon. It had been almost a week since she came back here in the Philippines. At sa buong linggong iyon ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Sobrang init ng muling pagtanggap ng pamilya niya sa kanya. Dahil doon, tila nabawasan na ang lungkot sa puso ni Dianne. Tama lang talaga ang desisyon niyang bumalik dito sa sariling bansa.
Iniisip ni Dianne na dumaan minsan sa bahay ng mga magulang ni Arnold para kumustahin ang mga ito. Hindi niya alam kung welcome pa ba siya sa lugar ng mga ito pero kailangang subukan.
“Bata pa tayo mula nang huling mabisita ko itong Magellan’s Cross,” ani Dianne habang pinagmamasdan ang paligid. “Nothing had changed, medyo dumami lang ang mga establishments na malapit dito. Kailan nga 'to natatag, Nico?” Mahilig sa history noon ang binata kaya siguradong alam nito.
“April 21, 1521,” sagot ni Nico. “Ito ang isa sa mga paboritong lugar ko dito sa Cebu.” Itinuro nito ang isang puwesto. “Tumayo ka doon, kukunan kita ng picture.”
Pinamulahan ng mukha si Dianne pero sumunod din naman. Tumayo siya at ngumiti si DSLR camera na dala ng binata. Kanina pa siya nito kinukunan ng larawan.
Lumapit siya kay Nico na tinitingnan ang kinuhang picture. He was wearing a brown button-down shirt and Levi’s pants. Napakasimple lamang. Hindi mahahalatang isa ng milyonaryo, correct that, bilyonaryo pala.
“Tama na nga 'yan,” wika niya. “Ano bang gagawin mo sa mga pictures na 'yan?”
Ngumiti lang si Nico, hindi sumagot.
Muling ikinawit ni Dianne ang mga kamay sa braso ng binata. “Hindi pa ba tayo pupunta sa farm mo?”
“Kanina mo pa ako kinukulit diyan, ah?” natatawang wika ni Nico. “Masyado ka naman 'atang excited na makita ang farm ko.”
“I’ve missed the farm,” nakangiting tugon niya. “Namiss ko ang buhay noong nasa Hacienda Fabella pa lang tayo. Walang ingay ng mga sasakyan sa cities. Walang ingay ng mga tao. Everything seems peaceful.”
Iniakbay ni Nico ang isang kamay sa balikat niya. “Sige. Pupunta na tayo doon ngayon. Tinawagan ko na rin naman kanina ang mga caretakers ng farm at sinabing bibisita ako ngayon. Siguradong nakahanda na ang kakainin natin.”
Higit na nadagdagan ang pagkasabik ni Dianne. Sumunod lang siya sa binata hanggang sa makarating sila sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Hindi naman ganoon katagal ang naging biyahe nila.
Hindi inaalis ni Dianne ang tingin sa bintana ng sasakyan nang makapasok sila sa loob ng napakalawak na farm ni Nico. This charming place was indeed ideal for a relaxing getaway. Punong-puno ang paligid ng iba’t ibang mga puno, pananim at mga hayop.
She could also see a huge grassland with different kinds of horses. Ganitong-ganito rin kaganda ang Hacienda Fabella na pag-aari ni Jeremy Fabella. May nakikita rin siyang mga trabahador na abala sa kanya-kanyang trabaho.
Pakiramdam ni Dianne ay bumalik siya sa pagkabata dahil sa mga nakikita. Bumaba sila sa tapat ng isang two-storey house. Malaki din iyon pero hindi kasing laki ng mansiyon ng mga Fabella na madalas nilang puntahan noon.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay, agad na sumalubong sa kanila ang isang babaeng nasa forties na marahil nito. Puno ng kasiyahan ang mukha ng ginang habang nakatingin sa kanila ni Nico.
“Nico, hijo,” bati ng ginang. “Mabuti naman at napabisita ka dito.” Dumako ang tingin nito sa kanya. “Sino itong magandang babaeng kasama mo? Siya ba ang girlfriend mo, hijo? Ngayon ka lang nagdala ng babae dito.”
Hindi naitago ni Dianne ang gulat sa sinabi ng babae. Iniyuko niya ang ulo para itago ang pamumula ng mukha. Girlfriend? Pilit niyang pinapatigil ang mabilis na pagtibok ng puso dahil lamang doon. What the hell was happening to her? Napagkamalan lamang sila kaya hindi dapat siya nakakaramdam ng pagkailang o kung anumang emosyon ito.
Narinig niya ang pagtawa ni Nico. “Kaibigan ko lang siya, Manang Marie. Siya nga pala si Dianne Domingo. Dianne, siya si Manang Marie, ang caretaker ng farm na ito. Dito na rin sila nakatira ng pamilya niya.”
Lumapit sa kanya si Manang Marie at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Masaya akong makilala ka, ineng. Kahit kaibigan ka lang nitong si Nico, masaya pa rin ako na may isinama siya sa pagbisita dito. Nag-aalala ako na baka palaging mag-isa ang batang ito.”
“M-masaya rin po akong makilala kayo,” mahinang wika ni Dianne.
“Nakapagpahanda na ako ng tanghalian para sa inyo. Gusto niyo bang kumain na?” tanong ni Manang Marie.
Tiningnan siya ni Nico. “Gusto mo na bang kumain? O gusto mo munang mag-shower?”
Pinili ni Dianne ang huli.
“Come, ipapakita ko sa'yo ang magiging kuwarto mo dito,” ani Nico.
Sumunod lang siya, pinagmamasdan ang buong paligid habang naglalakad. The rooms and common areas were designed with a homey country feel. The house was full of traditional checkered fabric rattan seating and white washed wood work. The rest of the scheme was made of soft wood tones.
“Hihintayin kita sa dining area,” wika ni Nico matapos ipakita sa kanya ang magiging kuwarto niya pansamantala doon.
Tumango lang naman si Dianne. Sandali niyang pinagmasdan ang buong kuwarto. It was huge and was made of wood. Inilapag niya sa ibabaw ng kama ang maliit na backpack na dala.
Nagpahinga muna siya ng saglit bago nag-shower. Habang nasa shower, hindi napigilan ni Dianne ang panunumbalik sa isipan ng maling akala ni Manang Marie sa kanya.
Napalabi siya. Masyado nga siyang malapit kay Nico kaya minsan ay napapagkamalan silang magkarelasyon. Pero hindi maunawaan ni Dianne kung bakit ganito na ang nagiging reaksiyon ngayon sa mga maling akalang iyon.
Marahas niyang ini-iling ang ulo. She should not think about that. Hindi siya girlfriend ni Nico. Malinaw na sinabi ng binata na magkaibigan lang sila. Baka may girlfriend rin ito ngayon.
Ini-off ni Dianne ang shower. Kung may girlfriend si Nico ngayon, hindi kaya ito magselos kapag nalaman na nagpapalipas ng weekend ang binata kasama siya? At sino kaya ang girlfriend ni Nico ngayon? That woman was very lucky. Siya nga na kaibigan lamang ng binata ay napapagukulan nito ng oras, paano pa kaya ang mahalagang babae sa buhay nito?
Bigla ay nakaramdam ng envy si Dianne. Bumalik sa kanyang alaala ang naging relasyon nila ni Arnold. Her late husband was always busy since then. Binibigyan naman siya nito ng oras paminsan-minsan pero parang napakalayo pa rin nito.
Alam niya na ngayon kung bakit. Hindi naman kasi talaga siya ang gusto ni Arnold. Hindi babae ang gusto nito. Iyon din ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi siya hinalikan ng lalaki sa mga labi. Baka nandidiri ito sa kanya. Nag-ilusyon lang si Dianne na nirerespeto siya ni Arnold.
Inabot ni Dianne ang tuwalya at tinuyo na lamang ang sarili. Dapat niya nang tigilan ang pag-iisip sa lalaking iyon. Arnold had only given her false hope and too much suffering. That was enough.
Pagkatapos magbihis, agad na ring bumaba si Dianne sa dining area. Nadatnan niya doon si Nico na may kargang isang maliit na batang lalaki. Nagtatawanan pa ang mga ito habang may hawak na maliliit na sasakyan ang bata.
Dianne was mesmerized for a short while. Nakatitig lamang siya sa masayang mukha ni Nico. His eyes were smiling as well. God, he was handsome. Matagal niya nang napapansin iyon pero ngayon lang nagugustuhan ang pagtitig sa kaguwapuhang iyon.
Her heart went to her throat when Nico looked at her, too. Mabilis na iniiwas ni Dianne ang tingin, dali-dali pang umupo sa isa sa mga dining chairs na naroroon. Damn, bakit ba siya umaakto ng ganito dahil sa lalaking iyon? Bakit sobrang aware na siya sa lahat-lahat ng tungkol kay Nico Santiago?
“Ito nga pala ang apo ni Manang Marie, si Jacob,” narinig niyang wika ni Nico.
Tiningnan ni Dianne ang binata. Ibinaba ni Nico ang batang hawak para hayaang lumapit sa kanya.
“Hello, Jacob,” nakangiting bati ni Dianne sa bata.
“Hello,” bati ni Jacob bago kumaway. Pagkatapos ay nagtatakbo na rin ito palayo.
Napangiti siya. Ibinalik niya ang tingin kay Nico nang maupo ito sa katabi niyang silya.
“Siguro may anak na rin kayo ni Arnold kung hindi ka niya iniwan kaagad,” sabi nito.
Natigilan si Dianne. Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilan ang magpakita ng kahit anong emosyon. Kung alam lang ni Nico na hanggang ngayon ay birhen pa rin siya. A virgin widow, to be exact. Pero hindi na niya kailangang ipaalam. That fact would remain a secret forever.
Ngumiti siya. “Gutom na ako, Nico. Kumain na tayo,” sabi na lang niya.
Mukhang napansin naman ni Nico na hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol kay Arnold kaya tumango ito at tinawag na lamang si Manang Marie.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago
Romance*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala...