Chapter 10

2.4K 84 4
                                    

NAGHIHIKAB pang bumaba si Dianne sa hagdan ng bahay ni Nico nang umagang iyon. Medyo napatagal ang tulog niya dahil na rin sa matinding pagod. Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya.
Napatigil siya sa paglalakad nang masalubong si Manang Marie. “Oh, ineng, gising ka na pala,” bati ng ginang. “Gusto mo na bang mag-agahan?”
Sandaling iginala ni Dianne ang tingin sa paligid. “Gising na rin po ba si Nico?”
“Kanina pa,” sagot nito. “Maagang magising talaga ang batang iyon. Nasa farm siya kung gusto mong puntahan. Pero mag-umagahan ka muna.”
Ngumiti siya at sumunod naman sa babae. Pagkatapos mag-agahan, naglakad-lakad na si Dianne sa farm na pag-aari ni Nico. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang binata at nakita itong naglalakad pasalubong sa kanya.
Pero mukhang hindi siya napansin ng binata dahil nakatingin ito sa mga punong nasa gilid ng daan. “Nico!” masiglang tawag ni Dianne, kumaway pa nang tumingin sa kanya ang lalaki. Binilisan niya ang paglalakad para makalapit sa kinatatayuan nito.
“Mukhang napasarap ang tulog mo, ah?” nakangiting tanong ni Nico. “Kumain ka na ba ng breakfast?”
Tumango siya. “Ang sarap magluto ni Manang Marie, mukhang mananaba ako dito.” Sinabayan niya pa iyon ng tawa.
Napailing si Nico. “Hindi naman.” Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya.
Bigla na namang nakaramdam ng pag-iinit si Dianne. Nakasuot pa siya ng pajamas, naghilamos lamang ng mukha at nagsepilyo. Siguradong medyo magulo pa rin ang mahaba niyang buhok. Samantalang si Nico ay bagong ligo na. Nakasuot ito ng puting sando na pinatungan ng puting polo, light brown pants na nakatupi hanggang binti, at simpleng tsinelas. Nakasabit din sa leeg nito ang DSLR camera.
“A-ano'ng ginagawa mo dito?” tanong niya, pilit itinatago ang pagkailang.
Itinaas ni Nico ang hawak-hawak na maliit na sako. “Papakainin ko ang mga alagang hayop. Gusto mo bang tumulong?”
Mabilis na tumango si Dianne. Sumunod siya sa binata patungo sa kulungan ng iba’t ibang farm animals na naroroon. She was amazed while watching the animals eat. Tinuruan din siya ni Nico kung paano magpakain sa mga hayop na iyon.
Tiningnan niya si Nico na abala na naman sa pagkuha ng larawan – ng mga hayop naman. “Gumagawa ka ba ng albums nila?” natatawang tanong ni Dianne.
“Mmm,” tumango si Nico. “Sa isang linggo, ibebenta na ang ilan sa kanila sa bayan. Gusto kong kuhanan ng picture ang bawat hayop na inaalagaan sa farm na ito.”
Hindi na napigilan ni Dianne ang mapatawa ng malakas. May pagka-weird din pala ang lalaking ito. Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang pagpapakain sa mga hayop.
Huli nilang pinuntahan ang horses’ stable. Namangha si Dianne dahil sa dami ng mga kabayong naroroon, iba-iba pa ang breed. Sa pagkakatanda niya, dating nag-aalaga lamang ng mga kabayo sa Hacienda Fabella si Nico.
She knew how he loved horses. Kaya siguro hanggang ngayon ay hilig pa rin nito ang pag-aalaga ng mga hayop na iyon.
“Sino ang paborito mo sa kanila?” naisipan niyang itanong sa binata.
Maluwang na ngumiti si Nico, nilapitan ang isang kabayo na kulay itim. “Siya.” Hinaplos-haplos nito ang ulo ng kabayo. “Siya si Light, isang thoroughbred horse. Siya ang ginagamit ko tuwing sumasali ako sa mga racing dito.”
Tumango-tango si Dianne, pinagmasdan lang ang kabayo. Hindi siya makalapit dahil sa takot. Marami siyang nakikitang kabayo noon pero ni minsan ay hindi sinubukang sumakay. Natatakot siya na mahulog at masaktan.
“Gusto mo bang subukang mag-horseback riding?” tanong ni Nico mayamaya.
Napatingin siya dito. “S-siguradong mas mahirap 'yan kaysa sa pagbibisikleta,” aniya. “H-hindi ko makokontrol ang kabayo ng ganoon kadali.”
Ngumiti si Nico. “Hindi naman sila aggressive na hayop. Uncontrollable lang sila minsan kapag nakaka-sense ng danger or kapag may ginawa kang hindi nila nagustuhan. But they’re very nice.”
Lumabi si Dianne. Nasubukan niya na ang magbisikleta noon at kahit nahulog ay natuto naman siya. There was nothing wrong on trying this one. Sigurado namang hindi siya pababayaan ni Nico. At kung sakaling mahulog siya at masaktan, aalagaan siya ng binata.
“T-tuturuan mo ba ako?” nag-aalangang tanong ni Dianne.
Lumawak ang ngiti sa mga labi ng binata. “Oo naman. Just trust me, okay? And trust my babies.”
Tumango siya, sumulyap sa kabayong si Light. “Pero... 'w-wag muna ang racing horse na 'to. H-hindi ko alam kung kakayanin ko ang bilis niya.”
Inabot ni Nico ang isa niyang kamay. “Huwag kang mag-alala, may alam akong kabayo na magugustuhan mo. She’s very beautiful.”
Nagpatangay si Dianne sa binata nang hilahin siya nito patungo sa isang kuwadra kung saan naroroon ang isa pang kabayo. The horse was brown and white in color and it was indeed beautiful.
“She’s Amane,” wika ni Nico habang inilalabas sa kuwadra ang naturang kabayo. “Isa siyang Palomino horse. Come on,” inilahad nito ang isang kamay. “She’s gentle.”
Humugot muna ng malalim na hininga si Dianne bago inabot ang kamay ng binata. Tinulungan siya nitong makasakay sa kabayo.
Nakaramdam siya ng kaba nang bahagyang gumalaw ang kabayo. Katulad ng ginawa noong nag-aaral mag-bisikleta, inalis ni Dianne ang lahat ng negative thoughts at nag-focus sa pagbabalanse ng katawan. Hinawakan niya ang tali ng kabayo.
“Handa ka na?” tanong pa ni Nico, nakahawak lang ito sa gilid ng saddle.
Tumango si Dianne, hindi makapagsalita sa kaba. Napapikit siya nang tapikin ni Nico ang katawan ng kabayo at nagsimula itong maglakad.
Medyo nawalan ng balanse si Dianne kaya napadapa sa kabayo, niyakap ang leeg nito. “N-Nico... b-baka... baka mahulog ako,” nanginginig na wika niya. Medyo mataas ang kabayo kaysa sa bisikleta, siguradong mas masasaktan siya kapag nahulog.
Narinig niya lang ang pagtawa ni Nico. “Hindi. Just focus, Dianne. Mas mahuhulog ka diyan sa ginagawa mo.”
Gusto nang maiyak ni Dianne. Bakit ba kasi pumapayag siya sa lahat ng gustong gawin ni Nico? But she wanted to learn something, right? She wanted to enjoy life. Kaya dapat lang na alisin niya ang takot at sumubok.
Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago binuksan ang mga mata at muling umayos ng upo. Itinuon lang ni Dianne ang isip at atensyon sa pagbabalanse ng katawan hanggang sa unti-unti ay balewala na lamang iyon. Naeenjoy niya na ang ginagawa.
Tumingin siya kay Nico na sumasabay lang ng lakad sa kabayo. Nakangiti itong nakatingin sa kanya, may pagmamalaki sa mga mata. At hindi maipaliwanag ni Dianne ang kasiyahang bumalot sa puso ng mga sandaling iyon.
Ibinalik niya ang tingin sa unahan. Ilang minuto pa sigurong naglakad ang kabayo habang ninanamnam ni Dianne ang napakagandang view ng mga nadaraanan. Hanggang sa maisip niya na baka napapagod na sa paglalakad si Nico.
“Let’s stop here,” aniya. Tinapik ni Nico ang kabayo para tumigil. Naroroon sila ngayon sa madamong parte ng farm, sa isang gilid ay nakapalibot ang mga puno ng mangga.
Inilahad muli ng binata ang isang kamay para tulungan siya sa pagbaba. Pero nagkamali ng pagkilos si Dianne kaya nawalan ng balanse at nahulog. Mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Nico, dahilan para mapabagsak ito sa damuhan. Siya ang nasa ibabaw.
Impit na napaungol si Dianne. Iminulat niya ang mga mata para masalubong ang mukha ni Nico na nasa ilalim. Nakangiwi ang lalaki, mukhang nasaktan.
“N-Nico... a-ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya.
Nagmulat ng mga mata ang binata, sinalubong ang tingin niya. Ngumiti ito. “I’m fine,” anito.
Akmang magsasalita pa si Dianne nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakadapa pa rin siya sa ibabaw ng binata na nakahiga sa damuhan. Nakayakap ang isang braso ni Nico sa kanyang baywang. Their bodies were pressed so tightly she could feel his hardness.
Napalunok siya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang direktang magtama ang kanilang mga mata. Nico’s eyes had turned even darker. Bumaba ang tingin ni Dianne sa mga labi ng binata.
Mabilis siyang lumayo dito bago pa mauwi sa kung saan ang pagkakadikit nila. Naupo siya sa damuhan, lihim na pinapagalitan ang sariling puso na walang tigil pa rin ang malakas na kabog. Nababaliw na ba siya?! Kaibigan niya si Nico. Matagal nang nagkakalapit ang mga katawan nila pero bakit iba na ang nagiging reaksiyon niya ngayon?
Umayos din ng upo si Nico, tumikhim. “Hindi ka ba nasaktan?” tanong nito, medyo magaspang ang tinig.
Dianne shook her head. “I-ikaw? S-sigurado bang... h-hindi ka nasaktan?” Damn it, bakit ba siya nauutal?
“Ayos lang ako, ilang beses na akong nahulog sa kabayo noon.” Napakamot sa ulo si Nico habang tumatawa.
Oh, he looked so cute. Ipinilig ni Dianne ang ulo. She should stop being aware of every little things he was doing.
“Masaya ako dahil sumama ka dito, Dianne,” narinig niyang wika ni Nico makalipas ang ilang sandali. “Para makita ang farm na 'to.”
Tinitigan ni Dianne ang binata, nakatingin na ito ngayon sa malawak na grassland. He looked so refreshing. “You really loved the nature, right?”
“Naniniwala ako na gustong magpapansin ng kalikasan,” ani Nico. “Masyado lang talagang busy ang mga tao kaya hindi na nakikita ang kagandahan niyon.”
At isa na siya doon. Masyado siyang naging abala sa napakaraming bagay kaya hindi na napagtuunan ng pansin ang kagandahan ng paligid. “Thank you for inviting me here,” bulong niya.
Tumingin sa kanya si Nico, ngumiti. “Bumalik na tayo,” anito bago tumayo. “Paliliguan ko pa ang mga kabayong ito.”
Ngumiti rin si Dianne at tumayo. “Puwede ba akong tumulong?”
“Oo naman.” Lumapit si Nico sa kabayong si Amane at tila balewalang sumakay doon. Inilahad nito ang isang kamay. “Come.”
Napuno ng pagkasabik ang puso niya. Inabot ni Dianne ang kamay ng binata, hinayaan itong maisakay siya sa kabayo. Humawak siya sa renda na hawak din ni Nico.
Ilang sandali lang ay nagsimula nang tumakbo ang kabayo. Napasinghap si Dianne. This feeling was exhilarating. Isinandal niya ang likod sa katawan ni Nico. Naramdaman pa niya ang mga labi ng binata na nakalapat sa buhok.
Kinagat ni Dianne ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iinit ng katawan. The wind was cold but why was she feeling this hot? Ipinikit niya ang mga mata, pilit kinakalma ang nagwawalang kalooban.
Nagmulat lang siya ng mga mata nang maramdaman ang pagtigil ng kabayo. Nasa tapat na sila ngayon ng stable.
“Ayos ka lang ba?” narinig niyang bulong ni Nico sa kaliwang tainga.
A chill ran down Dianne’s spine. Mabilis niyang nailayo ang sarili sa pagkakasandal sa katawan ni Nico. “A-ayos lang, k-kinabahan lang ako,” pagsisinungaling niya.
Mahinang tumawa ang binata bago bumaba sa kabayo. Hinayaan lang naman ni Dianne na hawakan nito ang magkabilang baywang niya para maibaba rin.
Hindi siya nagsalita hanggang sa makarating sila sa loob ng stable. Pinanood lang ni Dianne si Nico habang nagsisimula itong paliguan ang kabayong si Amane gamit ang water hose.
Mukhang sanay na sanay na talaga ang binata sa ganoong gawin, hindi rin naman lumalayo ang kabayo katulad ng ibang mga hayop. Lihim siyang napangiti. Those animals were trusting Nico so much. Doon pa lang ay makikita nang mabuting tao ang lalaki.
Alam naman iyon ni Dianne. Nico was indeed a good person. Napakabuti nitong kaibigan. Simula pa noon ay sobra-sobra na ang mga naitulong nito sa kanya. Ang lalaki ang naging takbuhan niya tuwing may problema, tuwing nasasaktan ay ito ang nagko-comfort sa kanya. Words were not enough to describe how thankful she was for having this man as her friend.
Napatingin siya kay Nico nang tawagin nito. Subalit hindi naintindihan ni Dianne ang sinasabi ng lalaki nang mapadako ang tingin sa damit nitong basang-basa na ng tubig. Nababakat na sa puting sando nito ang magandang katawan ng binata.
She gulped at the sight of his hard abdominal muscles. Alam niya na alaga sa ehersisyo ang katawan ni Nico, pero ngayon niya lang na-realize kung gaano kaganda ang built ng katawan nito. Mabilis na iniiwas ni Dianne ang tingin doon bago pa kung saan dalhin ng isipan.
Itinuon niya ang mga mata sa guwapong mukha ni Nico. Ngumiti ito at kumindat pa sa kanya. And Dianne’s heart had gone totally crazy. Bakit niya ito nararamdaman? Bakit gusto niyang lapitan ang binata at yakapin ito ng mahigpit?
Mali ito. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito para sa kaibigan. She and Nico were friends. Katulad din nila ni Arnold noon. Hindi niya na gustong lumampas doon ang relasyon nila at masira lamang.
Ipinangako ni Dianne sa sarili na hindi na uli ipagkakaloob ang puso sa kahit kaninong lalaki. Ayaw niya nang madisappoint. Ayaw niya nang masaktan. Hinihiling niya na matupad ang ipinangakong iyon.
“SIGURADO bang ayos na sa'yo ang apartment na 'to?” tanong ni Nico kay Dianne. Nakatayo sila sa labas ng isang apartment sa San Juan City na rerentahan niya.
Tiningnan niya ang apartment. Hindi ganoon kalaki iyon, sapat lang talaga para sa isa o dalawang tao. Pero malapit lang ang apartment sa condomimium place ni Nico. “Oo naman,” sagot ni Dianne. “Hindi naman ganoon kalayo dito ang Makati.” Plano niyang magtrabaho muna ng ilang buwan sa Luther Restaurant bago magbukas ng sariling restaurant.
“Gusto mo bang daanan kita dito tuwing umaga para maihatid kita sa Luther Restaurant bago ako magpunta sa trabaho?” alok pa ni Nico. “Para hindi ka na mahirapang bumiyahe.”
Ngumiti si Dianne at ini-iling ang ulo. “Huwag na. Ayoko nang abalahin ka pa araw-araw. Marunong naman akong bumiyahe mag-isa. Ganito rin ang ginagawa ko noong bago ako magpunta sa Amerika.”
Ilang sandaling nag-alangan si Nico pero wala namang nagawa kundi tumango. “Sige, mag-iingat ka. Tawagan mo ako kung may problema.”
Tumango siya at nagpasalamat sa binata. Inihatid niya ito hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan bago muling pumasok sa loob ng apartment. May ilang boxes ang nakakalat pa sa sahig – mga gamit nila sa New York na ipinadala niya dito sa Pilipinas.
Magpapahinga muna siya bago ayusin ang mga iyon. Ilan doon ay mga gamit ni Arnold, mga papeles na marahil ay tungkol sa trabaho nito. Itatabi niya na lang muna ang mga iyon. Titingnan niya sa ibang araw para alamin kung ibibigay sa pamilya nito.
Iginala ni Dianne ang tingin sa buong apartment. Wala pang kalaman-laman iyon. Sa sahig na siguro muna siya matutulog ngayong gabi. Bukas pa siya magsisimulang mamili ng mga gamit.
Akmang uupo na siya sa sahig nang makarinig ng katok sa pinto. Kumunot ang noo ni Dianne. Sino naman kaya iyon?
Lumapit siya sa pinto. Nagulat pa si Dianne nang makita si Nico. Hindi pa pala ito nakakaalis. “Nico, may... nakalimutan ka ba?”
Umiling si Nico. “Naisip ko lang na wala kang tutulugan ngayong gabi dahil hindi ka pa naman nakakapamili ng mga gamit sa bahay.”
Ngumiti siya. This man was indeed very caring. Halos lahat ng bagay ay napapansin nito, kahit maliit lamang iyon. “Ayos lang sa akin ang matulog sa sahig,” aniya. “Hindi ka na dapat—”
“Hindi naman kita iimbitahang matulog sa condo ko,” putol ni Nico. “Pero may alam akong lugar kung saan puwede kang matulog ngayong gabi habang hindi ka pa nakakabili ng kama. Sa private suite ko sa Society Hotel.”
Natigilan si Dianne. Alam niyang may mga pag-aaring private suites ang mga Breakers na kinabibilangan ni Nico. Ilang beses na rin siyang nakatungtong sa Society Hotel pero ni minsan ay hindi pa nakakapasok sa isa sa mga suites doon.
“A-ayos lang ba na... magpalipas ako doon ng gabi?” nag-aalangang tanong niya. It was a private place for these Breakers.
Tumango si Nico. “Hindi ko naman nagagamit iyon. You can stay there anytime you want.”
“Kung sinabi mo, hindi na dapat ako nag-rent ng apartment,” biro ni Dianne.
Tumawa naman ang binata. “Alam kong hindi mo tatanggapin na ilibre kita ng tutuluyan.”
Kilalang-kilala talaga siya ni Nico. Dahil hindi niya rin naman gustong matulog sa malamig at medyo maruming sahig ay pumayag na si Dianne. Kinuha niya lang ang handbag sa loob ng apartment bago sumunod kay Nico patungo sa sasakyan nito.
Sa Makati lang din naman naka-locate ang Society Hotel kaya madali lang ang naging biyahe nila. Medyo malalim na rin ang gabi kaya wala na gaanong traffic.
Nakasunod lang si Dianne kay Nico hanggang sa makapasok sila sa loob ng malaki at napakagandang hotel. May mga guests pa rin ang nasa lobby.
Napatigil sa paghakbang si Nico nang makasalubong ang isang lalaki. Agad na nakilala ni Dianne si Kenny Fabella. Isa itong Hollywood director, isa sa mga Breakers at pinsan din ni Jeremy Fabella. Minsan nga lang itong napapabisita sa Hacienda Fabella noong naroroon pa sila.
“Kenny,” bati ni Nico. “Hindi ko alam na nandito ka pala sa Pilipinas.”
“May inasikaso lang ako,” sagot ni Kenny, sandaling sumulyap sa kanya. Tinanguan lang siya ng lalaki bilang pagbati.
Tango lang din ang iginanti ni Dianne. Kenny Fabella was very different from the other Fabella’s. Hindi niya gaanong nakakausap ang lalaki dahil may pagka-snob ito. At paminsan-minsan lang naman itong umuuwi sa Pilipinas.
“I can see you’re being busy again, dude,” ani Kenny kay Nico. Lumapit ito kay Nico para tapikin sa balikat. “Good luck,” pagkasabi niyon ay lumakad na ito palayo.
“He’s my best buddy here,” sabi ni Nico.
Hindi pa rin makapaniwala si Dianne na ka-close nito si Kenny Fabella, at hindi lang 'yon, kapantay na rin sa estado ng buhay. Nico had gone a very long way.
Inabot ni Nico ang isa niyang kamay. “Let’s go? Siguradong pagod ka na.”
Tumango siya at hinayaang hilahin ng binata patungo sa elevator ng hotel. Hindi pa rin inaalis ni Nico ang pagkakahawak sa kanyang kamay kahit nasa loob na sila ng elevator. Sandaling pinagmasdan ni Dianne ang mga kamay nila. Her heart liked this.
Napatigil siya sa pag-iisip nang bumukas ang elevator sa third floor at pumasok ang isang babae at lalaki. Agad na nakilala ni Dianne ang mga ito – sina Ciarrah de Angelo at Judd Samaniego, mga naging kaibigan niya na rin.
Mabilis na inalis ni Dianne ang kamay sa pagkakahawak ni Nico. Pero mukhang nakita iyon ni Ciarrah dahil may naglalarong ngiti na sa mga labi ng babae.
“Dianne,” bati ni Ciarrah sa kanya. “It’s nice to see you again.”
“It’s nice to see you again, too, Ciarrah.” Sumulyap siya kay Judd. “Magkasama kayo?”
Ipinaikot ni Ciarrah ang mga mata. “Hindi. Nakita ko lang siya kanina. Kinukulit na naman akong makipag-date sa kanya kahit matagal niya nang alam na hinding-hindi ko siya papatulan.”
Sumandal si Judd Samaniego sa dingding ng elevator, nakangisi lang. “Alam ko naman na gusto mo ring makipag-date sa akin, Ciarrah. Kaya pagbibigyan na kita.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo,” naiinis na wika ni Ciarrah. “Desperado ka na talaga dahil wala na sigurong pumapatol sa babaerong katulad mo.”
Sinuklay ni Judd ng isang kamay ang buhok nito. “That’s impossible, sweetie. Hinding-hindi mawawala ang kamandag ng kaguwapuhan kong ito.”
Nagkunwang nasusuka si Ciarrah. Si Dianne naman ay pigil-pigil ang sarili na mapatawa ng malakas sa kayabangan ng lalaki. Judd Samaniego was always like that. Hindi na 'ata mababago ang ugaling iyon ng lalaki.
Lumabas si Judd sa sixth floor, kinawayan pa si Ciarrah na ginantihan lang ng babae ng irap. “That man should go to a psychiatrist,” naiinis na wika ng babae.
Tumawa si Nico. “Hindi mo ba talaga siya type, Ciarrah?” pang-aasar pa nito.
Tiningnan ni Ciarrah ng masama si Nico. “Isa ka pa. Pare-pareho lang talaga kayong magkakaibigan.” Napabuga ito ng hininga. “Judd is a friend. Hanggang doon lang 'yon. Hindi ko gustong magpabola sa isang babaero.”
Pinagmasdan ni Dianne si Ciarrah. Maganda ito, may sinasabi rin naman sa buhay. Siguradong maraming lalaki ang umaaligid dito. Pero mukhang pihikan sa karelasyon ang dalaga.
“I heard about what happened to you, Dianne,” dugtong ni Ciarrah, may bahid na ng simpatya ang tinig. “Pero masaya ako na bumalik ka dito sa Pilipinas para ituloy ang buhay mo. Things in life are just too sudden. But I’m sure there’s reason for everything.” Humarap na ito ng tuluyan sa kanya at ngumiti. “It’s never too late for a second chance, right?” Sumulyap ang dalaga kay Nico.
Pinamulahan ng mukha si Dianne. Gusto niya sanang itama ang kung anumang hinala ni Ciarrah pero hindi na nagawa nang muling bumukas ang elevator.
Pumasok doon ang isang lalaki. Kilala rin ito ni Dianne. Walang iba kundi si Lyndon Caulfield. Sa pagkakaalam niya ay isa rin sa mga Breakers si Lyndon pero ni minsan ay hindi ito nakausap. Hindi rin kasi ito madalas na nagpupunta sa event ng samahan ng mga ito.
This man was just too mysterious. Parang walang nais na mapalapit dito o kumausap dahil baka hindi rin pansinin.
“Lyndon,” bati ni Nico sa lalaki.
Bahagya lang namang tumango si Lyndon. Sinulyapan siya nito bago napadako ang tingin sa kinatatayuan ni Ciarrah. Nagtaka pa si Dianne nang humalukipkip lang si Ciarrah, sumandal sa dingding ng elevator.
Hindi ba nito ka-close si Lyndon? Akala ni Dianne ay malapit si Ciarrah sa lahat ng miyembro ng society ng mga breakers. Pero mukhang hindi pala lahat.
Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa elevator hanggang sa bumukas iyon sa fifteenth floor kung saan naroroon ang private suite ni Nico. Nagpaalam si Dianne kay Ciarrah bago lumabas.
Dinala siya ni Nico sa private suite nito. Pagkapasok sa loob, hindi na naman napigilan ni Dianne ang mapahanga sa ganda ng kuwarto. Kulay asul ang lighting na ginamit doon. Napaka-manly din ng interior.
Naupo si Dianne sa malaking kama. She rubbed her arms. Medyo malamig sa loob ng kuwartong ito.
“That’s Lyndon Caulfield, right?” tanong niya. “Ka-close mo rin ba siya?”
Naupo sa tabi niya si Nico. “Magkaibigan kami pero hindi ko rin siya ganoon kakilala. Member siya ng society, yes, pero nagpupunta lang naman siya dito dahil sa business. He’s a very big businessman here in the country and abroad. Halos lahat ng mga negosyante, gustong makipag-partnership sa kanya o kunin siyang investor.”
Tumango-tango si Dianne. “Narinig ko nga rin minsan kay Arnold na gusto ng kanyang ama na makuhang investor si Lyndon Caulfield. Hindi ko na lang alam kung natuloy ba 'yon.”
Iniyuko niya ang ulo. Medyo matagal na rin mula nang mabanggit niya ang pangalan ni Arnold. Pinakatitigan lang ni Dianne ang mga kamay na nasa kandungan. Nagtataka siya dahil hindi na ganoon kasakit ang nararamdaman tuwing naaalala ang namatay na asawa. Mukhang malaki talaga ang naitulong ng pagbalik niya dito sa Pilipinas.
“Nico,” mayamaya ay banggit niya sa pangalan ng binata.
“Hmm?”
Ilang sandaling nag-alangan si Dianne bago nagpatuloy. “Bakit napakabuti mo sa akin? You care so much about me kahit na kaibigan mo lang naman ako. Hindi ka ba napapagod na ubusin ang oras sa akin?”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Nico. “I care so much about you, even in the little things you do, because you’re special to me, Dianne.”
Gulat na napatingin si Dianne sa lalaki. Pero agad ding pumasok sa isipan na kaibigan siya nito. Iyon marahil ang dahilan kaya nasabi ni Nico na espesyal siya.
Ngumiti siya, inabot ang isang kamay ng binata at nagpasalamat dito.
Mahabang sandaling nakatitig lang sa kanya si Nico. Nakaramdam ng pagkailang si Dianne kaya mabilis na iniyuko ang ulo.
“Do you miss him, Dianne?” narinig niyang tanong ni Nico. “Si Arnold?”
Natigilan siya. Ilang sandali siyang nakatitig lang sa magkahawak nilang kamay ni Nico. “Hindi ko siya namimiss,” pag-amin ni Dianne. “I just miss who I thought he was.” Matagal din ang pinagsamahan nila ni Arnold, naging napakahalaga sa kanya ng lalaki. Pero ang relasyon nila ay isang malaking pantasya lamang. Siya lang ang naging totoo.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Nico sa kanyang kamay. “What’s wrong, Dianne? May nangyari ba sa inyo ni Arnold noon?” napuno na ng pag-aalala ang boses nito.
Higit na lumapit ng upo si Dianne kay Nico para maihilig ang ulo sa balikat nito. Hindi niya alam kung masasabi dito ang lahat. Oo, pinagkakatiwalaan niya si Nico pero mahirap pa ring ikuwento ng tungkol sa nangyari sa kanila ni Arnold noon.
“Naisip ko lang na kung mabibigyan pa ako ng isa pang pagkakataong bumalik sa nakaraan, hindi ako magdedesisyong magpakasal sa kanya. Hindi sana ako masasaktan ng sobra,” bulong ni Dianne, hindi na naitago ang lungkot na nararamdaman. “Pero wala na naman akong mababago.”
Nanatiling tahimik si Nico. Hinigpitan ni Dianne ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki.
“Lahat ng nangyayari sa akin ay resulta ng mga naging desisyon ko noon,” pagpapatuloy ni Dianne. “Pinili ko ang daang 'yon noon. Kahit mahirap, kahit wala na akong pagkakataon na mabago ang nakaraan... kailangan kong tanggapin. At hindi ko dapat sisihin ang kahit na sino.” Maging si Arnold.
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Bahagyang lumayo si Dianne kay Nico para tingnan ito. There was nothing but seriousness in his handsome face.
Ngumiti siya. “Pasensiya ka na kung naging ma-drama na naman ako,” natatawang sabi ni Dianne.
Itinaas ni Nico ang isang kamay para masuyong haplusin ang pisngi niya. “Hindi ka dapat niya iniwan ng ganito,” bulong nito. “Gusto kong maging masaya ka, Dianne. Kayo ni Arnold. Pero kung alam ko lang na mangyayari 'to, na masasaktan ka ng sobra sa pagkawala niya. Sana tinutulan ko na ang kasal niyo.”
Nangilid na ang mga luha ni Dianne pero pinigilan niya ang pagpatak niyon at pinanatili ang ngiti sa mga labi. “Wala kang kasalanan, Nico.” Iniisip siguro ng binata na sobra-sobra siyang nasasaktan dahil lang sa pagkamatay ni Arnold. Hindi nito alam ang buong kuwento. Hindi nito alam na bago siya iwanan ni Arnold, natuklasan niya muna ang isang napakasakit na katotohanan sa pagkatao nito.
Bumuntong-hininga si Nico, marahang ginulo ang buhok niya bago tumayo. “Magpahinga ka na,” anito. “Uuwi na rin ako.” Iniabot sa kanya ng binata ang isang susi. It looked so different, customized.
Tiningnan niya ito, nagtataka.
“Susi 'yan ng suite na ito,” wika ni Nico. “Ikaw na muna ang magtago.”
Hindi naitago ni Dianne ang pagkagulat. “Ayos lang ba sa'yo na ako ang humawak nito?”
Tumango ito. “Take good care of that key, Dianne,” puno ng kaseryusohang sabi ni Nico saka tumalikod para lumabas ng kuwarto.
Pinakatitigan ni Dianne ang susi na hawak. Alam niyang importante sa mga Breakers ang private suite na ito. Ilan sa mga lalaking iyon ay dito dinadala ang mga girlfriends nila.
Ayos lang ba talaga na siya muna ang humawak sa susi na ito ng suite ni Nico? Wala ba itong girlfriend na balak dalhin—
Natigilan si Dianne nang maalala ang sinabi ni Nico kanina na hindi siya iimbitahan ng binatang matulog sa condo nito. Bakit naman? Baka naroroon ang girlfriend ng binata kaya hindi puwede. Kaya nagdesisyon itong dito na lamang siya patulugin sa suite na ito.
Imposibleng walang girlfriend si Nico. Hindi ito nawawalan simula pa nang maging successful na. Bigla ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot. Bakit niya ba iyon nararamdaman? Natural lang na mas gustuhin ni Nico na makasama ang karelasyon nito.
Pabagsak na nahiga si Dianne sa malambot na kama at pilit inalis sa isipan ang mga walang katuturang bagay. Nico was just her friend. Hanggang doon lang. Katulad ng sinabi ni Ciarrah, mahirap makarelasyon ang isang babaero. And even though Nico was a very good friend, he was still a womanizer.
Ipinikit niya ang mga mata. At imposibleng tingnan siya ni Nico nang higit pa sa isang kaibigan. She was a widow. Isa iyon sa titulong hindi na mawawala sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon