NAGLALAKAD-LAKAD si Dianne sa loob ng Luther Restaurant habang pinagmamasdan ang mga kumakaing customers doon. Masaya siyang marinig ang ilang komento ng mga customers na umo-order ng pagkaing siya mismo ang nagluto.
Napatigil siya sa paghakbang nang makita ang pamilyar na mukha sa isa sa mga tables na naroroon. Gusto sanang tumalikod ni Dianne pero nag-angat na ng tingin si Ben Manalili at nakita siya. May kasama itong isang lalaki sa mesa na marahil ay negosyante ring katulad nito.
Bahagyang yumuko si Dianne bilang pagbati. Hindi niya inaasahan na makikita dito ang ama ni Arnold. Napakaliit nga talaga ng mundo.
Nakita niya nang may sabihin si Ben sa kausap na lalaki bago tumayo at naglakad palapit sa kanya. Tila napako ang mga paa ni Dianne sa kinatatayuan.
“Dianne,” bati ni Ben Manalili. Inayos nito ang suot na business suit. “Nandito ka na pala talaga sa Pilipinas. It’s nice to see you again. Kumusta ka na?”
“Ayos naman po ako, Mr. Manalili,” magalang na sagot ni Dianne. Ni minsan, hindi niya pa natawag na ‘Daddy’ o ‘Papa’ ang lalaki. Mukhang hindi rin naman iyon gusto ni Ben, lalo na ngayon na wala na si Arnold. Hindi na siya parte ng pamilya Manalili.
“I see.” Tumango-tango si Ben. “I’m glad to see you’re doing well.” Ilang sandali siya nitong pinakatitigan. “Wala namang problema sa akin kung magbagong-buhay ka na, Dianne. Basta 'wag mo lang sisirain ang alaala ni Arnold. Maaga pa para magpakasaya ka.”
Tila may tumusok na mga tinik sa puso ni Dianne dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi siya sumagot at ipinanatili ang nakayukong ulo.
“Mukhang hindi mo na naman siya itinuturing na manugang kaya hindi tamang pakialaman mo pa ang buhay niya,” singit ng tinig ng isang lalaki.
Napatingin si Dianne sa tabi at nakitang nakatayo doon si Nathan Luther, ang may-ari ng restaurant na ito. Seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatingin kay Ben.
Sandali lang sumulyap si Ben kay Nathan bago ito nagkibit-balikat at tumalikod na para bumalik sa sariling mesa.
“H-hindi mo na dapat ako ipinagtanggol,” wika ni Dianne, pilit na ngumiti.
“He was bullying you,” ani Nathan.
“Sanay na naman ako doon.”
Umiling ang lalaki. “Hindi mo dapat sinasanay ang sarili mo sa mga ganoong bagay. Mukhang hindi ka na naman itinuturing na parte ng pamilya ng lalaking 'yon kaya wala nang dahilan para sumunod ka sa kanya o tanggapin ang lahat ng sinasabi niya.”
Humugot ng malalim na hininga si Dianne. “Thanks for the concern, Nathan. I’ll keep that in mind.”
Tinapik ni Nathan ang balikat niya bago ito lumakad patungo sa kitchen. Sinulyapan muna ni Dianne ang mesa ni Ben. Abala na uli ito sa pakikipagusap sa kasama.
Ini-iling niya ang ulo at inutusan ang isipan na huwag masyadong indahin ang sinabi ng lalaki. Lumakad na siya patungo sa staffs room para ayusin ang mga gamit. Pasado alas-nueve na rin naman ng gabi at kailangan niya nang umuwi. Marami pa rin siyang aasikasuhin sa apartment. Kaninang umaga ay nadeliver na doon ang mga furniture na pinamili niya online.
Pagkalabas ni Dianne ng restaurant, nagulat pa siya nang makilala ang isang sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa entrance. It was Nico’s Ford. Ano'ng ginagawa ng lalaki dito? Hindi niya naman ito nakita sa loob kanina.
Bumukas ang pinto ng driver’s side at bumaba doon si Nico. Lumapit si Dianne sa binata, nagtataka. “Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Malapit lang naman ako kaya naisip kong dumaan na dito at isabay ka pauwi,” sagot nito. “Gabing-gabi na at mahihirapan ka nang sumakay.”
Wala na namang magagawa si Dianne dahil nandito na ang lalaki. Ikinawit niya ang mga kamay sa braso nito. “Tamang-tama, kailangan ko rin ng makakatulong sa pag-aayos ng mga furniture sa apartment.”
Tumawa si Nico at pinagbuksan siya ng pinto ng passenger’s side. “Then it’s really a good thing na dumaan ako dito.” Kumindat pa ang binata.
Napangiti siya pero agad ding nawala ang ngiti ni Dianne nang mapatingin sa isa pang sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Nakatayo sa gilid niyon si Ben Manalili at nakatingin din sa kanya.
Hindi na lang niya iyon pinag-ukulan ng pansin at pumasok sa loob ng sasakyan ni Nico. Susundin niya ang payo ni Nathan kanina na huwag nang pakialaman ang kung anumang gawin o sabihin ni Ben Manalili. She was on her own now. Simula pa naman noon ay parang hindi pamilya ang turing sa kanya ni Ben kahit mag-asawa na sila ni Arnold.
Pagkarating nila sa apartment niya, agad na nilang inabala sa pag-aayos ng mga gamit. Pagod na pagod na naupo si Dianne sa ibabaw ng queen-sized bed na nasa gitna ng kuwarto.
Pinagmasdan niya ang paligid. Every furniture was in order. May mga ilang kahon pa nga lang na nasa sulok ang hindi pa nabubuksan – iyon ang mga gamit ni Arnold noon sa Amerika. Saka na lang iyon aayusin ni Dianne.
“Thanks for helping me, Nico,” wika niya sa lalaki na nakatayo habang nakamasid din sa paligid. Tinapik ni Dianne ang kama. “Maupo ka muna, siguradong napagod ka.”
Tumingin sa kanya ang binata. “Hindi mo ba bubuksan ang mga kahong iyon?” Itinuro nito ang kahon na nasa sulok. “Tapusin na natin habang nandito pa ako.”
Akmang lalakad patungo sa mga kahon si Nico nang abutin ni Dianne ang isang kamay nito para pigilan. “No need. Hindi naman importante ang mga 'yan.” Hinila niya ito palapit sa kama.
Pero napalakas 'ata ang pagkakahigit niya sa kamay ng binata kaya nawalan ito ng balanse. Nico fell on the bed, on top of her. Mabuti na lang at naitukod nito ang isang kamay sa kama, kung hindi ay nagkauntugan sila.
“S-sorry...” sambit ni Dianne. “H-hindi ko—” Napatigil siya sa pagsasalita nang mapagtanto na ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa.
Nakatitig lang sa kanya si Nico sa loob ng ilang sandali. She could smell his amazing manly scent and feel the heat coming from his hard body. Bumilis na ang paghinga ni Dianne, lumakas ang kabog ng puso sa loob ng dibdib.
Inuutusan siya ng puso na itulak palayo ang lalaki pero tila hindi naman gustong gumalaw ng kanyang mga kamay. She liked the feel of his weight on top of her.
“Beautiful,” narinig niyang anas ni Nico.
Higit na bumilis ang tibok ng puso ni Dianne, nabibingi na siya dahil doon. Napalunok siya nang mapansin ang pagbaba ng tingin ni Nico sa kanyang mga labi. No, this is not right! Sigaw ng isipan niya. But her heart was saying otherwise.
Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Nico, medyo nag-aalangan pa. Inuutusan si Dianne ng isipan na iiwas ang mukha pero mas sinunod niya ang utos ng puso. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang mga labi ng binata.
She felt his lips lightly touching hers, like butterfly wings. Hanggang sa ilang saglit lang ay dumiin na ang pagkakalapat ng mga labi ni Nico sa mga labi niya. Napaungol si Dianne.
Iyon ang kauna-unahang halik na naranasan niya sa buong buhay kaya hindi alam kung ano'ng gagawin. Nanatili lamang siyang nakatigil hanggang sa maramdaman ang marahang paggalaw ng mga labi ni Nico.
Dianne opened her lips a little, angling her head. Sandaling pinag-aralan niya ang paggalaw ng mga labi ni Nico. Hindi niya namamalayan na unti-unti na palang gumagalaw ang sariling mga labi para tugunin ang halik nito. They kissed in a slow, romantic way.
Ang mga kamay niya ay nakalapat na sa dibdib ng binata. Narinig niya ang mahinang pag-ungol ni Nico sa loob ng kanyang bibig bago nito pinalalim ang paghalik sa kanya.
It felt good. Kissing him felt good. Akmang ikakawit ni Dianne ang mga kamay sa leeg ng binata nang makarinig ng malalakas na katok mula sa front door.
Mabilis siyang kumilos at itinulak palayo si Nico. Natataranta siyang bumangon sa pagkakahiga, hindi makatingin sa binata. “I... I should...” Hindi na itinuloy ni Dianne ang sinasabi at dali-daling lumabas ng kuwarto.
Ilang beses muna siyang humugot ng malalim na hininga bago binuksan ang front door. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Dianne nang makita ang inang si Juana at kuyang si Jomar.
“N-Nay, a-ano'ng ginagawa n'yo po dito?” nagtatakang tanong niya, pasimpleng inayos ang suot na damit. Sana ay hindi nahahalata ng mga ito ang pagkabalisa niya. “G-gabing-gabi na.”
Napakamot sa ulo si Kuya Jomar. “Makulit kasi itong si Inay,” anito. “Gusto ka raw tulungan sa pag-aayos ng mga gamit dito.” Pumasok na sa loob ang mga ito. “Mukhang naayos mo na naman pala.”
“Dito na rin muna kami matutulog ngayong gabi, anak,” wika ni Nanay Juana. “Para may makasama ka naman. Kumain ka na ba ng—” Napatigil ito sa pagsasalita nang mapadako ang tingin sa kuwarto.
Lumingon doon si Dianne, nakita ang paglabas ni Nico. Hindi niya masalubong ang tingin ng binata kaya iniyuko na lamang ang ulo. Pilit niyang inaalis sa isipan ang naganap na halik sa kanila kani-kanina lang.
“Nandito pala si Nico,” wika ni Jomar.
Napatingin siya sa ina na nakatingin lamang kay Nico. “T-tinulungan niya po akong mag-ayos ng mga gamit,” paliwanag ni Dianne.
Ngumiti si Nanay Juana, nilapitan si Nico. “Maraming salamat, hijo. Sa patuloy na pagtulong mo dito sa anak kong si Dianne.”
“Walang anuman po,” magalang na sagot ni Nico. “Aalis na rin po ako.”
Hindi pa rin ina-angat ni Dianne ang tingin hanggang sa maihatid ng ina si Nico sa labas. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Ano ba ang pumasok sa isipan niya at nakipaghalikan sa binata? Ano na lang ang magiging tingin nito sa kanya?
“Napakabuting bata talaga niyang si Nico,” narinig niyang wika ng ina nang makabalik ito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Kung sakaling maisipan mong mag-asawa uli, puwede bang ang batang iyon na ang piliin mo, Dianne?”
Nanlaki ang mga mata ni Dianne, mabilis na ini-iling ang ulo. “N-Nay... a-ano bang pinagsasasabi n'yo? Magkaibigan lang kami ni Nico.”
Tumawa ang ina. “Alam ko. Nasabi ko lang 'yon dahil hindi ko gustong manatili kang mag-isa habang-buhay. Hindi porke’t nasira ang unang marriage mo ay hindi mo nanaising magmahal uli.”
Iniiwas lang ni Dianne ang tingin. Hindi niya alam. Oo, ipinangako niya sa sarili na hindi na ipagkakaloob muli ang puso sa isang lalaki. Pero ano itong nangyayari sa kanya? Bakit tila nag-iiba na ang tingin niya kay Nico? This was insane.
“Ano ba 'yan, 'Nay?” singit naman ng Kuya Jomar niya. “Huwag niyong madaliin si Dianne. Baka hanggang ngayon ay si Arnold pa rin ang mahal niya.” Tumingin sa kanya ang kapatid at ngumisi. “Pero wala namang problema sa akin si Nico, Dianne. Mayaman din naman siya at siguradong maaalagaan kang mabuti.”
Naiinis na napabuntong-hininga si Dianne. “Hindi ko after ang kayamanan ng isang lalaki,” aniya. “Kumusta na nga pala ang business na sinasabi mo sa akin noon, Kuya?” pag-iiba niya na lang sa usapan. Hindi niya nagugustuhan ang paraan ng pagtibok ng puso tuwing mababanggit ang pangalan ni Nico.
“Oh, maayos naman,” sagot ni Jomar. “Ininvest ko sa negosyo ng kaibigan ko ang pera. Malaki raw ang magiging kita doon.”
Tiningnan ni Dianne ang kapatid. Gusto niyang itanong kung mapapagkatiwalaan ba ang kaibigang tinutukoy nito at hindi sasayangin ang investment pero hindi na ginawa. Iyon na naman ang huling beses na magbibigay siya ng pera sa kapatid. Kailangan na nitong matutong magtrabaho, hindi lang para sa sarili kundi maging sa pamilya.
NAIINIS na bumangon si Dianne mula sa pagkakahiga sa kama kung saan naganap ang halik na pinagsaluhan nila ni Nico kagabi. Kanina pa siya gising at paulit-ulit lamang sa isipan ang alaala ng mga labi ng binata sa mga labi niya.
Hinawakan niya ang kaliwang dibdib, napakabilis pa rin ng tibok ng kanyang puso. Akala ni Dianne ay mawawala iyon kapag naitulog na. Muli siyang bumagsak ng higa at nagtalukbong ng kumot.
Dapat niya nang tigilan ang pag-iisip tungkol sa halik na iyon. Yes, it was her first kiss and it was impossible to just forget it. Pero kailangan. Dahil kung hindi ay baka mamantsahan lamang ang pagkakaibigan nila ni Nico. That kiss was a mistake. Hindi niya alam kung ano'ng nangyari sa kanya at hinayaang mangyari iyon. Siguradong hindi rin iyon sinasadya ni Nico.
Buong araw, ginawa ni Dianne ang lahat para alisin sa alaala ang halik na iyon. Mabuti na lang at nakatulong ang trabaho niya sa Luther Restaurant.
“Hanggang kailan ka nga pala magtatrabaho dito, Dianne?” narinig niyang tanong ni Nathan Luther. Kasalukuyan silang naglalakad-lakad sa buong restaurant para pagmasdan ang mga customers na naroroon. It was dinner time kaya puno ang restaurant.
“Bakit? Hindi mo na ba ako gustong magtrabaho dito?” ganting tanong niya, nagbibiro.
“Sayang naman kasi kung hindi ka magtatayo ng sarili mong restaurant,” tugon ni Nathan. “Sabi mo for good na ang pagbabalik mo dito sa Pinas, 'di ba?”
Ngumiti si Dianne. “Oo, pero hindi ko pa alam kung handa na akong humawak uli ng sariling restaurant. Kailangan kong magplano ng maayos. Ilang beses na rin akong nakapagbukas ng restaurant pero nagsara rin naman agad dahil sa sunod-sunod na circumstances sa buhay ko.” Tiningnan niya si Nathan. “Nage-enjoy naman akong maging chef sa restaurant mo, mas marami pa akong natututunan.”
Tumango-tango naman si Nathan, hindi na muli nagsalita. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad nang tumigil ang binata. “Nandito pala si Nico,” anito.
Biglaan ang pagtalon ng puso ni Dianne sa narinig. Inuutusan siya ng isipan na magpatuloy sa paglalakad pero mas pinakinggan ang puso. Sinundan niya ang tingin ni Nathan at nakita sa isang table si Nico.
Subalit agad na iniiwas ni Dianne ang tingin sa table nang makitang may kasama si Nico sa table – isang babae na marahil ay kadate nito. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam ng mumunting kirot sa puso ng mga sandaling iyon.
“Dianne, hindi mo ba siya lalapitan?” tanong ni Nathan. “Come, may itatanong din ako kay Nico.”
Hindi sana gustong sumama ni Dianne pero siguradong magtataka si Nathan kapag umakto ng ganoon. Nakayuko siyang sumunod sa lalaki patungo sa table nina Nico.
Pinakinggan niya lang ang pagbabatian ng dalawang lalaki. Sandaling nag-usap ang mga ito ng tungkol sa trabaho. Hindi na naman iyon inintindi ni Dianne.
Sinulyapan niya ang babaeng kasama ni Nico at natigilan nang makilala ito. Arriana ang pagkakatanda ni Dianne sa pangalan ng babae. Kumuyom ang mga kamao niya. Sinabi noon ni Nico na nakipaghiwalay na ito sa Arriana na iyon. Nagkabalikan na pala ang mga ito.
Tumingin sa kanya si Arriana, kumunot pa ang noo na tila inaalam kung saan siya nakita. Pero hindi na ito nakapagtanong nang humarap siya kay Nathan at sinabing may aasikasuhin pa sa kusina. Hanggang sa makaalis si Dianne ay hindi pa rin niya tinitingnan si Nico.
Sa halip na magpunta sa kitchen, nagtungo si Dianne sa restroom. Itinuon niya ang mga kamay sa sink habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salaming kaharap. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya naiinis ng ganito?
Nico had his own life too. Wala siya dapat pakialam kung makipagbalikan ito sa mga dating girlfriends nito o makipag-date sa kahit saang lugar. Magkaibigan lang sila. At kahit close silang dalawa ni Nico, hindi niya dapat ipagkait ang kasiyahan ng binata.
Pero bakit siya nito hinalikan? Iyon ang tanong sa isipan ni Dianne. Kagabi, si Nico pa rin ang unang humalik sa kanya. Ito ang— Marahas niyang ini-iling ang ulo. Tigilan mo na nga ang kabaliwang ito, Dianne!
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. It’s okay, Dianne. Just forget about everything. Hindi mo gustong masaktan, 'di ba? Kaya tigilan mo na ang pagbibigay ng ibang kahulugan sa mga ginagawa ng lalaking iyon. Magkaibigan lang kayo.
Lumabas si Dianne ng restroom, nagulat pa nang makasalubong ang kadate ni Nico na si Arriana. Papasok naman ang babae sa loob ng banyo.
“Oh, hi,” bati sa kanya ni Arriana, ngumiti. “Ikaw ang kaibigan ni Nico na madalas niyang kasama noon, 'di ba? Iyong asawa ni Arnold Manalili?”
Bahagya lang tumango si Dianne. Bakit kailangang makasalubong pa ang babaeng ito ngayon?
“I’m sorry to hear about your husband,” malungkot na wika ng babae. “Naging kaibigan ko na rin siya dahil kay Nico.”
Hindi pa rin nagsasalita si Dianne. What was she supposed to say?
“Naaalala mo ba ako?” nag-aalangang tanong ni Arriana. “I’m Arriana, fiancée ni Nico.”
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Dianne. Fiancée? So totoo ngang nagkabalikan na si Nico at ang babaeng ito. At mukhang seryoso na si Nico kung balak nang pakasalan.
Pinigilan niya ang magpakita ng kahit anong emosyon, lalo na ang pagkainis. Matagal na silang nagkakasama ni Nico mula nang muling magkita pero hindi man lang nababanggit sa kanya ng binata na may fiancée na pala ito.
“Oo, naaalala kita,” sagot niya. “May... may aasikasuhin pa ako sa kitchen. Maiwan na kita.” Iyon lang at naglakad na si Dianne palayo sa babae para magtungo sa kitchen.
Inabala niya ang sarili sa pagtulong sa mga staffs na naroroon. Pero hindi mapigilan ni Dianne ang maging clumsy dahil na rin sa inis na hindi maalis-alis sa puso.
“Pagod ka na siguro, Dianne,” wika ng isa sa mga nagtatrabaho doon na si Chloe Valdez. Part-timer lamang doon ang babae. Ilang linggo palang silang nagkakilala pero napalagay na ang loob niya sa dalaga. “Puwede ka na namang mag-out. Pasado alas-otso na rin ng gabi.”
Iyon nga siguro ang kailangan niyang gawin – umuwi na at itulog na lamang ang inis na nararamdaman. Nagpaalam na siya sa mga staffs na naroroon.
Nasa labas na ng restaurant si Dianne nang mapatigil dahil sa kamay na pumigil sa kanyang braso. Nalingunan niya si Nico, hindi namalayang nakasunod pala ito sa kanya.
Humarap siya sa binata pero hindi ito tinitingnan. “Bakit?” malamig na tanong ni Dianne.
“Dianne...” Humakbang palapit sa kanya si Nico. “G-galit ka ba sa akin?”
Ginawa ni Dianne ang lahat para hindi magpakita ng inis. “Bakit naman ako magagalit sa'yo?”
Hinawakan ni Nico ang isa niyang kamay. Gustong alisin ni Dianne ang mga kamay sa pagkakahawak nito pero ayaw naman sumunod ng katawan.
“I’m sorry,” puno ng kaseryusohang bulong ni Nico. “S-sa... sa nagawa ko kagabi.”
Tiningnan ni Dianne ang lalaki. She wanted to tell him that it was not his fault. “Huwag mo nang alalahanin 'yon,” mahinahong wika niya, pinilit na ngumiti. “Kalimutan na lang natin. It was a mistake for both of us.”
Bumuntong-hininga si Nico, tumango-tango.
Inalis ni Dianne ang kamay sa pagkakahawak ng binata. “Sige na, bumalik ka na sa loob. Hinihintay ka na ng kadate mo. Gusto ko na ring magpahinga,” aniya saka tumalikod at lumakad palayo.
Sa bawat hakbang ni Dianne, mas lalo lamang nadaragdagan ang bigat sa kanyang puso. She had experienced this before. Umiling siya. Hindi. Hindi na puwedeng maulit ang sakit na kanyang pinagdaanan dahil sa pag-ibig. Kailangan niyang mapigilan ang sarili habang may panahon pa.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago
Roman d'amour*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala...