Chapter 8

1 1 0
                                    

Faith's POV

Kinikilig ako para kay, Ate. Gusto ko rin ng katulad ni kuya pero hindi muna sa ngayon dahil may pinangako ako kay, Kuya.

Bawal magka jowa lalo na at hindi pa ako 18.

Napatingin ako sa mga larawan nila at kay God. Kung sila man ang para sa isat isa, masaya ako at nandito lang ako para sumuporta kay ate, lalo na sa lovestory nilang dalawa.

Tumayo na ako saka sumunod kina ate. Tapos na ang mesa dito sa simbahan pero hindi kami kaagad umalis at nang makapag usap pa sa dyos kahit saglit.

"Aalis ka na ba?"

"Oo Ate, bye"




Jiesel's POV

"San tayo" mhhh! San nga ba kami? Aha! Alam ko na.

"Plaza tayo, maaga pa naman" tumango lang sya saka ako hinila. Uupo nuna kami, maaga pa naman. Mamaya, dadalhin ko sya sa flower farm.

"Chicharon kayo dyan, Chicharon!!"

"Tahooo!!! Tahooo!!"

"Ting ting ting... Ting ting ting"

"Bili tayo" sambit ko saka lumapit sa nagtitinda ng taho dito sa park.

"Wag na yung ice cream. Madumi yun-

"Nel" ngumiti lang sya kaya inabot ko sa kanya ang taho. Sayang hindi na mainit. Ang sarap pa naman nito kapag mainit.

"mhhh!! Masarap" bumili ulit kami kay Manong, dahil sa sarap ng taho.

Bumili rin kami ng Chicharon, Cotton Candy at marami pang iba. Ayaw nya nga sana nanag Ice cream dahil dirty daw ito pero pinilit ko sya dahil pareho lang lahat ng Ice cream. Lahat sinubukan namin. Nakaka kain na naman ako nun lahat, sadyang pina tikim ko lang sya para hindi sya mag mukhang inosente sa mga ganon.

Bago kami umalis sa park, nagpakuha kami ng picture sa mga dumadaan, sayang din at minsan minsan lang to. Kumukuha rin ako ng mga laraqan nya habang kumakain sya ng mga pinamili namin dito sa park.

Ngayon ay nandito kami sa Flower Farm, nililibot namin ang buong lugar. Hindi naman mahal ang entrance kaya kayang kaya sa  budjet ko.

Syempre, hindi ko palalampasin ang magpakuha ng picture. May photographer kasi dito kaya nagpakuha kami sa kanya. Busy kasi lahat kaya nagpakuha na lang kami.

"Ako na magbabayad-

"Ako na" hindi na sya nakipagtalo sakin at binayaran ko na.

"Bagay na bagay kayo ni Maam, sir. May magandang spot po dito, kunan ko kayo. Libre lang" at dahil libre, grab na namin. Minsan minsan lang to kaya Go!!

"Salamat, Manong"

"Walang ano man"

Umalis na kami at binigay ni Nel, sakin ang mg larawan. Ang cute namin dito. Mas gwapo sya pag nakangiti lalo na kapag naka sideview. Tumatangos ang ilong nya lalo.

"San tayo ngayon?"

"Kakain na tayo. Late na para sa lunch natin" hindi na sya umimik at sumakay na ulit kami ng tricycle.

Binaba kami ni Manong sa Jolly's Carenderia, kaya nagbayad na ako at lumapit sa carenderia ni Manang.

"Sel" napatingin ako sa tumawag at nakita ko ang kaibigan ko na nagtra trabaho sa bar.

"Bruha, hindi ka na pumapasok sa bar. Ilang buwan na din, ah? May bago ka na bang trabaho?" ang daldal nya talaga kahit kailan.

"Hindi na ako babalik dun" tumingin ako kay Nel, na naka konot noo. Hindi nga pala nya alam kung san ako nag tra trabaho."Jo, si Arniel-

"Boyfriend ni Jesiel" nakipag shake hands sila saka ako kinindatan ni Jo.

"Hindi mo naman sinabi, Sel. May jowa ka na pala" nag usap pa kami ni Jo, pero hindi rin nagtagal dahil naghihintay ang kapatid nya.

"May balak ka bang ipaalam kung ano ang trabaho mo?" napa angat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinbi nya.

Uminom muna ako ng tubig at ngumiti sa kanya. Nakalimotan ko lang sabihin pero kung magtatanong sya, sasagutin ko naman.

"Ang totoo nyan ay nagtitinda ako  ng balot mula alas tres ng hapon hanggang alas syete ng gabie at tuwing alas otso ng gabie ay sa bar ako nag tra trabaho. Marangal naman ang trabaho ko. Hindi naman ako nagtra trabaho para sa iba, nagtra trabaho ako bilang waiter-

"Binabastos ka ba nila?" hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti.

"Hindi. Wala kahit ni isa. Hindi naman kasi sexy ang mga soot namin. Long sleeve lang naman pero kita yung dibdib at naka jeans naman kami" tumingin sya sa ibang lugar kaya hinawakan ko ang mukha nya."Nakalimotan kung sabihin sayo, mabuti nalang at sinabi ni Jo"

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa Butterfly zoo. Nasa bundok ito kaya kailangan namin maglakad mula sa pinagkainan namin.

Nag usap lang kami tungkol samin, yung parang getting to know each other. Kahit mainit, ginagaw na lang naming masaya. Naghahabolan kami o di kayay naglalambing sya sakin.

"Not bad" maganda naman dito, sadyang simply lang ang attraction at hindi pa tapos ang ibang lugar dito.

"Bakit naman?"

"Mas better ka kasi kisa sa view na nasa paligid" oo na, aamin na akong kinikilig ako.

"Wag ka ngang ganyan" inayos nya ang mga buhok ko saka nilagay sa likod ng tenga ko anddd...

My, my first kiss was stolen.

"I love you, Love"

Yumuko na lamang ako dahil nahihiya ako sa kanya. Oo na, kinikilig na nga eh! Halata naman sa itsura ko.

"Excuse me maam, sir" napatingin kami sa nagsalita at nakita namin ang isang lalaki.

"Para sa inyo"

Binigay nya samin ang picture namin habang inaayos nya ang buhok, meron ding hahalikan na nya ako at nung halikan nya ako.

Ang ganda ng kuha nya, naging maganda ang background. Napangiti ako sa kanya nang tumalikod na sya.

"Thank you" nag wave lang sya saka umalis na.

Umalis na rin kami sa lugar after at dinala ko sya sa nagtitinda ng balot. Napapalonok na lamang sya sa mga nakikitang kumakain.

"Masarap yan, Love"

"Ayoko love" pinaupo ko sya upoan at kaharap na namin ang nagtitinda ng balot. Nandito kasi lahat ng balot vendors, nakahilira kaya pipili ka nalang kung san ka kakain.

"Sel, ang tagal mo nang hindi nagtitinda ah!" napatingin ako sa nagsalita at ngumiti.

"May nangyari ho kasing aksidente at hindi na kami dito nakatira" ang hirap talaga pag famous ka. Joke lang.

"Mga suki mo nga, hinahanap ka. Sino sy? Boyfriend mo?"

"Opo"

"Mga lalaki ho ba?" napatingin ako kay Nel,  dahil sa sinabi nya.

"Merong lalaki, merong babae. Mabait kasi itong si Sel, at pala kaibigan sa customer nya kaya madaling maubos ang benta" binigyan na kami ni Aling Mel ng balot, habang yung kasama ko ay tinitignan lang yung balot.

"Sundan mo ako"

First And LastWhere stories live. Discover now