Arniel's POV
Nakatingin lang ako sa kanya habang binabalatan ang balot. First time ko lang gumala ng walang sasakyan at makipag date ng simple.
Sinunod ko ang ginawa nya at binalatan ito ng may nakita akong balahibong itim. Ano to? Sisiw?
"Love"
"Kainin mo love, masarap yan" nilagyan nya ng suka at asin ang balot ko at tinuroan ako ng paano kainin yung tinatawag nilang sisiw.
Masarap sya pero naaawa ako sa kinain ko. Sinabi ko nalang sa sarili ko na chicken yun. Napatingin ako sa kanya nang humingi pa sya ng isa pang 18.
"Love, tama na" nakatingin lang ako sa kanya nang kunin nya ang nasa loob ng balot at pinakita ang balahibong nilalang.
Ayaw kung banggitin ang pangalan, nandidiri ako. Kinain nya ito ng boo saka kumuha ng asin at suka saka nilagay a bibig nya.
Tinapos ko na ang natira sa balot ko. At hindi na ako kumain pa dahil naaawa ako sa kinain ko.
"Asan ka?"
"Nasa bahay nina Raw, Ate. Ang tagal nyo ni, Kuya"
"Kumain pa kami ng balot-
"Ate!! Sinama mo nalang sana ako kung kakain kayo.. Ehhh! Ate naman!"
"Sa susunod na. Pinakain ko lang si Nel, nang ma try nya"
"Susunod, sama nyo ako ah"
"Oo na. Ibaba ko na ito, malapit na kami" binaba na nya ang tawag ng ihinto ng driver ang sasakyan kaya lumabas na ako at sumunod si Love.
Binayaran na nya ito kaya umalis na ito. Nag doorbell na si Jes, kaya lumabas na si Faith, kasama si Raw at ang isang may katandaang babae.
"Tita" sambit ni Love, saka niyakap ang babae.
"Iha, kumusta ka na?"
"Okay na man po, tita" nag usap na sila saka nya ako pinakilala. Sana nga boyfriend na nya ako hindi yung hanggang salita lang kami.
Inabot ko na kay Raw, ang binili naming pizza para sa kanila. Umalis na kami at sumakay ng Taxi. Napagod ako ngayong araw pero na enjoy ko naman. Sulit ang buong araw ko kahit pagod.
"Ate, mauna na ako sa kwarto" bumili kami kanina ng take out sa Jollibee kaya kumain na kami pag uwi namin. Sabay kaming nag toothbrush ni Love, dito sa baba. May binili kasi kaming toothbrush dito.
"Love"napatingin sya sakin at ngumiti.
"Bakit?" niyakap ko sya saka nya ako niyakap pabalik. Ang sarap sa pandinig kapag tinatawag nya rin ako sa inderment na gusto ko.
"I love you"
"I love you to, love"
"Tayo na ba? Para kasing-
"Ayaw mo ba?" ayaw ko? So kami na? Paanong?"
"Tayo na? For real?" tumango naman sya kaya niyakap ko sya ng subrang higpit." I love you, Love"
I kiss her and she response to my kiss. My phone ring kaya humiway na kami. Nakayakap lang sya sakin habang sinasagot ko ang tawag.
I press the speaker so that she can hear it. Umupo kami sa sofa and she hug me. I hope, it will last forever. Yung lagi kaming ganito. Walang inaalalang problema.
"Bro, where going to youre house. Everybodys coming" ano? Sinabi ko na sa kanyang nandito sina Jiesel, sa bahay.
"Let us in, Bro!"
"No, hindi kayo pupunta dito. No one is going in" they should ask me.
"Bro, come on. Minsan minsan lang to" napatingin ako kay Love, na nakatingin sakin.
"Bro, hindi sa ngayon-
"Where here outside" tumayo na si Jiesel, at binuksan ang pinto. Sumunod ako sa kanya nang pagbuksan nya ang gate.
"Bro!!" pumasok na silang lahat at may dala pa talaga silang inomin.
Napatingin ako kay Jiesel, na nakatingin sakin ng masama. Nang makapasok na ang lahat, sinara na nya ang gate, saka ako nilagpasan.
"Love"
"Hindi ko kayo pipigilan pero please, pag gising ko wala na sila. Tatabi ako kay Faith, intertain them" umalis na sya kaya napatingin lang ako sa kanya paalis.
"Kasi naman" may lumapit saking babae, saka ako hinalikan kaya tinulak ko sya.
"Back off, karen. Im taken" naghiyawan naman sila habang nagdadabog si Karen, na lumapit sa mga kaibigan nya.
Sana hindi nya nakita yun kung hindi, im dome.
Jiesel's POV
Naalimpongatan ako dahil sa katok. Bumangon ako sa pagkakahiga at bumungad sakin si Nel, na lasing.
"Love"
"Nel, ano ba? Lasing ka na" sinara ko ang pinto sa kwarto ni Faith, at inalalayan ko sya papunta sa kwarto nya.
Pag higa nya sa kama, tinanggal ko na ang soot nyang sapatos at polo. Bumaba ako at bumungad sakin ang mga kaibigan nyang kung san san lang humiga.
May naririnig pa akong nag ma- make out sa kwarto dito sa baba. Niligpit ko na lang ang mga kalat nila at nang wala nang liligpitin pag gising.
Nang matapos ako sa pagliligpit, napatingin ako sa oras at alas 3 na nang umaga. Bumalik ako sa kwarto ni Nel, at tumabi sa kanya habang nakatingin sa mukha nya. Akala mo talaga hindi lasing pero ang totoo ay lasing na yan. Hindi lang mahahalata.
Kinabukasan, nagising ako ng alas 6 ng umaga. Natutulog parin sya kaya nag ayos na ako at bumaba. Nag timpla ako ng kape para sa mga kaibigan nya at ginising ang mga ito.
Nakaupo na sila sa mesa ngayon at halatang may hang over pa. Ang tatlong babae naman ay nasa harap ko habang tinitignan ako sa ginagawa kong pagluto.
Dahil sa dami nila, matagal tagal bago ako natapos. Tinulungan ako ng isang lalaki. Sabi nya, sya ang bestfriend ni Nel, kaya hinayaan ko na sya.
"Good Morning" sabay na bati ng lahat ng makita si, Nel.
"Morning" lumapit sya sakin at niyakap ako."Good Morning, Love"
"Good Morning. Umupo ka na at tatawagin ko si Faith, para kumain" hinalikan nya ang noo ko saka kumalas sa pagyakap.
"Ang sweet ni Loverboy"
"Ni lalanggam na nga ako, eh!"
Ang dami nila pero halatang solid ang samahan nila. Hindi ko nga lang maintindihan yung isang babae, kanina. Tinitignan nya lahat ng galaw ko kaya na co consious tuloy ako sa kilos ko.
YOU ARE READING
First And Last
RomanceSi Jesiel, ang tumayo bilang magulang ng mawala ang kanilang mga magulang. Hindi man nakapag aral ng collage, pero sa awa ng dyos ay nakaka kain naman ng tama para sa pang araw araw. Isang araw, magbabago ang takbo ng kanilang buhay dahil sa isang a...