Buhay/Oras

6 0 0
                                    

Namata'y 'tong ulirat sa pagkaubos.
Sa pasensya't pag-ibig ay naghikahos.
Bala ay tinaya sa gera' t nasalat.
Pati subi sa sarili ay nabuklat.

Kamay nitong relo'y hindi na mahinto.
Kahit itong baterya'y sadya nang hapo.
Pilit binuhay dahil ito'y kailangan.
Alay sariling oras, relo'y kargahan.

Subali't ang bala't baterya'y 'di sapat.
Buhay' binawi dahil sa kakulangan.
Tanaw na hinaharap ay 'di na sukat.
Orasan ay nahinto sa nakaraan.

Dinayang pilit ang tadhanang gumulo.
Pinihit sa hinaharap itong relo.
Mga kama'y uminog, nitong orasan.
Hindi palak sa sakit ng kabihasnan.

Oras na darating, piniling idikta.
Sarili'y buhay, inilayo sa gera.
Dala itong sugat, sinaklob sa benda.
Kahiwa't dama, saglitang pagkalaya.

Nabuhay itong ulirat sa pagkaubos.
Sa katotohana'y tunay na hikahos.
Sugat sa tama ng bala'y pilit tinago.
Tamang tao, pati sarili'y niloko.

Kamay nitong relo'y di na maiwasto.
Kahit anong kat'wira'y sadya nang hapo.
Pilit binuhay dahil sa kagustuhan.
Alay ang pekeng relo, tungong sukdulan.

Subalit lahat ng ito'y 'di dapat.
Ayusin itong relo sa tamang oras.
Bago ihayag sa darating nang tapat.
Balik sa kasalukuyan tungong wakas.

Short Thoughts,  Short Words.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon