Takot

112 4 0
                                    

Takot,
siguro halos lahat naman tayo.....

alam ang salitang ito.

Halos lahat naman tayo....

nakakaramdam nito.

Kasi alam ko, lahat naman tayo may kinakatakutan.

Nakakatakot ang aswang.

Nakakatakot din ang mang-kukulam.

Nakakatakot din ang mga malalaking gagamba at iba pang bagay.

Pero ako....

ilang bagay lang ang kinakatakutan ko.

Natatakot ako sa multo.

Natatakot ako sa mga asong tumatahol.

Natatakot ako sa mga bubog sa harap ko.






At higit sa lahat,

Natatakot ako na umalis ka at lumayo....

Natatakot ako na mawala ka sa paningin ko....

Natatakot ako na di na ulit tayo magkatagpo....

Natatakot akong tumakbo, sa pangambang madapa ako....

Natatakot ako sa mga harang kong nakatagpo...

Natatakot din akong magbagal, sa takot na maunahan nanaman ako..

Natatakot ako na mawala ka sa piling ko.

Siguro iniisip mong duwag ako.... pero.... totoo...

Takot ako na mawala ka.

Takot ako sa posibilidad na mawala ka.

At masaktan pa.

Kaya mahal... saktan mo ko, tatanggapin ko.

Pero sa isang kondisyon.

Mahal, mamahalin kita tanggapin mo....

Tanggapin mo... habang nakakumot ako sayo....

habang nakabalot ako sa mundo mo....

habang nakapulupot ako sa gapos na itinali ng aking sariling pangamba....

habang pinapatay ako nitong aking kaba....

habang binubuhay ako ng malilinggit mong mata....


Kaya mahal,

mahal kita sana tanggapin mo.....

Nang sa gayon, mawala na itong takot ko sa multo, sa pangambang maramdaman mo lang ako...

Nang sa ganun, mawala na itong mga asong tumatahol, sa kaba na mahabol ka pa ng mga ito.

Nang sa wakas, matapakan ko na ang mga bubog na ito na patungo sa lugar na kung saan.... ikaw ang nakatago.



Kaya hanggang andito ka pa,

hanggang andyan ka pa....


Di na ako matatakot na mahalin ka.

Di na ako matatakot na kulitin ka.

Di na ako matatakot na masaktan mo pa....

Kaya mahal sana sa pag tanggap ko sa mga bubog na iyong inilagay , sana tanggapin mo din itong puso kong.. napuno na nitong takot.

Short Thoughts,  Short Words.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon