Kulimlim

7 0 0
                                    

Dumilim, lumamig, araw ay pumikit.
Sumaksi'y ayaw sa napintong pighati.
Bumigat ang ulap, nag badiya ang langit.
Luha'y pumatak, sakit ay di napawi

Ako'y nasaktan bago sa'yo mahulog.
Ula'y naibuhos ko sa iyong panyo.
Kaya't una ang kidlat kesa sa kulog.
Na sabay saking luhang nasaksihan mo.

Ulap ay pinawi nitong iyong panyo.
Dumilat ang araw, liwanag ay tanto.
Suminag muli ang aking mga ngiti.
Dahil sa bukas na ikaw na ang mithi.

Lumiwanag, uminit, araw ay sumilay.
Sumaksi'y gusto na, sa iyong ngiti.
Gumaan ang ang ulap, nag badiya ang buhay.
Ngiti'y gumuhit, sakit ay napawi na.

Short Thoughts,  Short Words.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon