Cahpt 3.

3 1 0
                                    

Nine pov:

Nagising ako ng madaling araw dahil sa gutom kaya naman dire-diretso akong bumaba papunta sa kusina para tumingin na makakain. 1:49 in the morning and here I am heating up the food that is left and mama is probably sleeping because the light in her room was turned off.

Habang naghihitay ng makakain ko ay iniisip ko pa din yung sinabi nila mama at lolo kaya ng matapos akong kumain at hugasan ang plato ko ay umakyat na din ako kaagad sa kwarto para mag-isip ulit. The thought keep me awake until 3 a.m. and then my heavy eyelids let me sleep.

Pagpasok ko sa classroom ay wala pa si Lauryl, may oras pa din naman kaya balak kong matulog sana kaso lang may mga asungot na naman.

"O to m to the g, hindi ko alam na may ipapangit ka pa pala Nine, gosh so ugly." nandidiring lait sa akin ni Dara pero inikutan ko lang siya ng mata dahil antok talaga ako.

"So nakakadiri, do you know that you look like a trash and now you look like a stinky garbage." dagdag pa ng kaibigan niya pero hindi kuna pinakinggan dahil talagang sobra yung antok ko.

"Ano ba, we are talking to you. May gosh walang breeding."
"Halika na nga wala tayong mapapala sa itim na pangit na yan." sabi ni Dara ng hindi ko pinansin man lang kaya umalis na din sila at umupo na sa upuan nila.

Wala akong pakialam ngayong araw kahit anong sabihin nila dahil kulang na kulang yung tulog ko, kahit siguro may magsaboy ng pera ngayon hindi ako tatakbo para makipag-agawan, at siguradong mukha akong wakwak na ready ng lumipad dahil sa buhaghag at kulot na kulot kong buhok

"Morning friend." rinig kong bati sa akin ni Lauryl.

Gosh, hindi ba matatapos itong mga taong to.

"Friend... friend what happen to you? Bakit parang kulang ka sa tulog tsaka mukha ka pang aswang?" tanong sa akin ni Lauryl habang niyuyugyug ang dalawang balikat ko.

Pigilan niyo ako, please lang sisipain ko tong babae na to. Antok ako baka makabitay ako ng isda,naku.

"Ryl please, sobrang antok ako wag ngayon." paki-usap ko sa kanya na parang nagmamaka-awa kaya tumahimik naman siya at sa wakas ay nakatulog din ako.

Nagising ako ng pumasok ang teacher namin sa third period dahil wala daw yung dalawang teacher namin kanina, na pinagpasalamat ko naman dahil nakatulog ako ng mahaba-haba.

Kaya naman pagdating ng lunch ay nasa canteen ulit kami dahil wala akong dalang lunch at walang choice si Lauryl kundi samahan ako.

"Friend, pautang ako. Bayadan ko lang kapag yumaman na ako." utang ko kay Ryl at ngumiti pa ng alanganin habang nakapila kami para umorder ng pagkain.

Samantalang tumaas naman ang isang kilay niya sa akin.

Maldita!

"Sige na." taas baba ko sa kilay ko para mapapayag ko siya dahil malapit na kami sa counter pero hindi pa din bumababa ang isang kilay niya.

"So nagpila ka, tapos wala kang pera? Tsaka kelan pa nakalimutan ni tita na bigyan ka ng pera?" sunod-sunod na taning niya sa akin.

"Nakalimutan ko kasi kanina, akala ko kasi late na ako." paliwanag ko sa kanya ng may lambing sabay kapit pa sa isang braso niya kaya naman sa huli ay napapayag ko din siya at naghanap na kami ng upuan para maka-upo.

The truth is, hindi talaga ako nagpaalam kay mama ng umalis ako dahil hindi ko siya kinikibo ng bumaba ako kanina para kumain dahil sa hindi ko malamang dahilan galit pa din ako, I felt betrayed with the thought that they never tell me anything before. But I know I should not be feeling this way, kaya nga nakokonsensya ako kay mama dahil nakikita kong malungkot siya dahil sa nangyayari sa amin pero kahit din naman ako, but I think I just need time to think things through.

N. E. R. D. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon