Chapter 13

0 0 0
                                    


"The death threats?"

Napalingon ako kay Chance dahil sa sinabi niya, tungkol ba yun sa mga sulat na natatanggap ko.
Kinabahan naman ako bigla, dahil baka nga alam nila at walang silbi ang pagtatago ko.

"Anong death threats ang sinasabi mo?"

"Letters? Chocolates? Flowers?" maiksi niyang sabi.

Ano ba to para naman kaming naglalaro.

"Do you know who send those letters?" umiling lang ako sa tanong niya at mas binagalan ang mga hakbang ko para magsabay kami.

Nauna nang naglakad si Chord nac-cr na daw kasi siya, hindi ko naman mabilisan ang mga lakad ko dahil pagod na ang mga paa ko pero mas mabagal ang lakad ni Chance kaya nasa likod ko siya.

"Hindi ko siya kilala bago lang naman ako nakakatanggap ng ganun at mukhang kilala niya si mama."

"Are you scared?" huminto ako at tumingin sa kanya dahil sa tanong niya.

Dapat ko bang sabihin na oo, takot na takot ako? Hindi ba ako nakakadagdag pabigat sa kanya?

"I'm not." buo ang loob at matigas na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Huminga lang siya ng malalim at tumuloy ng maglakad, kaya napansin kong malapit na kami sa bahay. Pero mukhang hindi pa siya tapos magsalita dahil may sinabi pa siya bago pumasok sa gate ng bahay na nagpatigil sa dalawang paa ko at nagpangiti sakin.

"Good because I will never let them touch you...

because your my princess and my forever queen."

I then realize, masama man ang mga tingin na binibigay niya sakin at kadalasan ay wala siyang paki sakin dahil sa mga sinabi niya alam ko na isa siya sa mga taong maaasahan ko, at kaya kong itaya ang buhay ko sa kanya.

Mas napangiti pa ako dahil sa naisip ko.

Napatalon naman ako sa gulat sa dahil sa dalawang kamay na humawak sa balikat ko kasabay ng sabing...

"Hoy!!!"

"sabing wag mong titigan ng husto yung kapatid ko eh!" humarap naman ako kay Chord sabay agat ng braso ko at panay ang hampas sa kanya habang sumisigaw.

"Lintik kang paniki ka, papatayin mo ba ako hah? hah?"

"Aray ko, Aray ko! Joke lang po."

"Langya kang lalaki ka, tirador kaba ng mga nagkakape?" asar kong tanong sa kanya at tinigil na ang paghampas ang sakit na kasi ng kamay ko.

Gawa ata sa bakal ang katawan ng lalaking to.

"Huh, bakit?" nakangiti niyang tanong pero halatang naguguluhan.

Akala siguro ng gunggong na to magpipick-up ako.

"Alam mong nerbyosa ako, malakas akong magkape tapos gugulatin mo ako? Eh kung bigla akong inatake sayo hah?" mabunga-nga kong tanong.

"Sagot, sumagot ka?" gigil na gigil kong tanong.

"Aray tama na kasi, ang bigat ng kamay mo. Eh ang oa mo naman."

"Ah ganun ah, oa pala hah. Yan, yan!" sabi ko habang hinahampas siya, wala naman siyang nagawa kundi magtago sa mga malalaki niyang braso.

Di nagtagal tumigil na ako, pakiramdam ko ako ang magkakapasa sa ginagawa ko, tumalikod na ako sa kanya at dumiretso papasok sa bahay.

" Oh bat ang tagal mo?" seryosong tanong sakin ni Dannish ng makapasok ako.

Naka-upo siya sa couch at nakatingin sakin na parang tatay na nahuling umuwi ng hating-gabi ang anak.

N. E. R. D. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon