Cahpt 10

0 0 0
                                    


Sino ba naman kasi ang lintik na hindi matapos-tapos kumatok?

"Ano ba may balak ba kayong pumatay ng tao?" inis na inis kong sigaw habang nakatalukbong.

Antok pa kasi talaga ako 6 plus na ako nakatulog kagabi dahil sa panunoud ng Chinese drama, ang ganda kasi. Sinimulan kong panuodin yung Untamed na palabas noong sabado at kagabi lang ako natapos.

Nakakakilig grabe, ang gagwapo po pa ng mga characters.

Wahhhhh, kaloka.

"Ano ba? Wala pa akong tulog mamayang ala-una kana kumatok." sigaw ko ulit dahil kumakatok na naman ang kung sinong ponsyopilato.

Pinilit kong ipuknat ang isa kong mata at tingnan kong anong oras na.

Mabilis ko ding nahampas ang nuo ko.

Alas tres na.

Yari ako nito kay lolo.

Tumawag kasi noong sabado si lolo na magpapasundo siya ngayong linggo.
Eh nakalimutan ko ang ganda na kasi ng pinapanoud ko tsaka malapit ng matapos yung drama. Pakiramdam ko sinisilihan yung likod ko kapag hindi ko tinapos agad.

Ayun umaga na ako nakatulog.

"Aaalangya!"

Yan ang sinasabi ko self, sige noud pa. Nakakakilig diba? Yari ka sa lolo mo ngayon.

"Bumaba kana."

Napalingon ako agad sa pinto ng kwarto ko.

Is it Chance? Oo nga noh. Bat di ko na pansin yung katok kanina pa eh ako lang naman ang tao dito sa bahay.

Napasabunot nalang ako sa ulo, pakiramdam ko tatanda ako ng wala sa oras dahil sa pagiging irresponsible ko.

Naghilamos na ako at nagpalit ng damit, ayokong maligo bukas nalang. Mahirap na at baka marating ko ang langit kahit na hindi pa lumalabas ang mga paa ko sa banyo.

Tinitingnan ko ng maigi ang mga mata ko sa salamin, parehas silang pula at parang manilaw ng konti.

Sabi na kasi wag magpupuyat, aba tinudo pa ng gaga ayan tuloy. Ano ka ngayon high ah. Ge rugby pa more.

Nagbaba na ako, tiningnan ko ang paligid habang hinihimas ang tiyan ko.

Gutom na ako.

"Apo!"

Mabilis akong pumunta sa may TV banda ng marinig ko ang boses ni lolo.

"Lolo! Kumusta po kayo?" masaya kong bati at tumabi sa kanya.

"Ayos lang, ayos lang. Ipapaakyat ko ang mga pasalubong ko sayo sigurado akong magugustuhan mo silang lahat." nakangiti nitong sabi kaya ngumiti ako ng mas matamis para iparamdam sa kanya ang sobrang kasiyahan kong makita siya.

"Buti naman po nakabalik na kayo."

"Tapos na kasi ang business ko, gutom kana ba? Madami akong dalang pagkain jan, ipapahanda ko nalang kay Dannish."

Napatingin naman ako sa lalaking tiningnan ni lolo. Nandito din ang kambal at may isang lalaki ang nasa tabi nila at nakatayo.

His quite different, hindi ko alam sa kung patanong paraan pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. He has dark features katulad ni Chance but he has warm eyes nakapagtiningnan mo ito ng maigi ay mahubulog ka sa may-ari nito.

Weird! He gives that vibe.

Naglakad naman yung lalaki papuntang kusina at hindi kuna pinansin dahil tumingin na ako kay lolo.

N. E. R. D. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon