Cahpt 6.

0 0 0
                                    


Napabalikwas naman ako sa kama, bwesit na bwesit na kasi ako sa kumakatok sa kwarto ko kanina pa.

"Princess, gising na jan. May combat practice kayo ngayon ni E, kanina ka pa niya pinapagising, maiksi lang pasensya noon wag mong hintayin na siya umakyat dito, yari ka talaga." boses yun ni Chord galing sa labas.

Hinilamos ko naman ang mukha ko at half-way na binuksan ang mga mata ko para sumilip at tingnan ang veranda ko para malaman kong lumabas na ang araw.

Mabilis naman akong pumikit ulit ng makita kong madilim pa, at binalot ko pa lalo ang sarili ko ng comforter.

Hayy, ang sarap talaga matulog. Buti na lang wala na yung kumakatok, napagod siguro. Kala nila hah.

Naalimpungatan na lang ako ng maramdaman ko na gumagalaw ang hinihigaan ko, kaya minulat ko ang mata ko. Nagtaka na lang ako dahil gumagalaw ang paligid.

What the heck??

"Chord ano ba? Bitawan mo ako nahihilo ako. CHORD?" huminto naman siya. Ang walanghiya hinila ba naman ako palabas ng kwarto ko, buti na lang tumigil, hagdan na kasi ang nasa unahan.

Nagtaka lang ako ng makita ko si Chord na paakyat.

"Bro anong-
Hindi niya natuloy ang sasabihin ng makita akong mukhang shanghai na nakarolyo sa comforter ko at nakahiga dito sa sahig.

Ang balahora tumawa lang, tsss mabulaukan ka sana hanggang sa hindi kana makahinga.

Sumimangot lang ako sa kanya.

"Tumayo kana jan kong ayaw mong guyudin pa kita hanggang sa labas." sabi noong ghostfighter ng humarap sa akin.

Hindi naman mababakas sa mukha niya na natutuwa siya, samantalang puno pa ito ng pagkabagot.

Dali-dali naman akong tumayo at umamambang sasapakin siya habang nakatalikod na bumababa kaya naman yung asungot na nasa tabi ko tumawa lalo, tumigil tuloy yung naglalakad na ghostrider. Tumalikod na ako at baka mapagalitan pa ako.

"Ya, Yahhh, Ya, Yah, Yah."

Kanina pa ako sumisipa at sumusuntok pero panay ilag lang ang ginagawa ni ghostrider kaya naman mas binibilisan ko ang suntok at mga sipa ko dahil sa naka-usling ngisi sa labi niya

"Yahhh--
ahhhng sakit." hawak ko sa hita ko,mabilis namang lumapit si Chance sakin.

"Ahng sakit talaga." halos maiyak ako ng madiinan ko ang hawak ko dito.
"Pucha ang sakit." pikit ko ng mariin sa mga mata ko dahil masakit talaga yung hita ko.

"Sino ba kasi ang magsabi sayo na tulon ka tapos sipain ako, may pa bwelo-bwelo kapang nalalaman." habang chenicheck yung hita ko pero nakapoker-face pa din at parang pinapagalitan lang ang bata.

Sumimangot naman ako. Akala ko kasi effective eh, tsaka ang galing kaya noong mga gumagawa noon sa tv.

Kung alam ko lang. Sumimangot naman ako lalo, lumingon naman ako sa pintuan ng makitang tumatakbo si Chord palabas dala ang medicine kit na nasa kusina.

"Ano ayos ka lang?" tanong niya na punong-puno ng pag-aalala.

Tinitigan ko naman siya ng masama.

"Mukha bang ayos lang ako-ahhw."sagot ko kay Chord at piksi ko ng subukan ni Chance igalaw ang hita ko.
"Dahan-dahan naman." inis na bulyaw ko kay Chance pero tiningnan niya lang ako na parang kasalan ko ang lahat.

Sumimangot tuloy ako ulit.

"Ayos kana?" tanong ni Chord sa tabi ko habang naka-ngiwi.

Tumango naman ako ng marahan. Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. I'm in the hospital because they don't know what to do with me.
Good thing I'm fine, nabigla lang daw ang katawan ko, siguro dahil matagal ko ng hindi ginagawa ang mga splits ko dati noong elementary ako.

N. E. R. D. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon