Jace
Pagkatapos namin maghapunan ay kanya kanya na kaming pasok sa sariling kwarto, isang kwarto ang pagitan namin ni Mica dahil ayaw n'ya sa katabi kong kwarto dahil hindi centralized ang aircon,napakaarte.Inaayos ko ang mga pinamiling damit sa aking closet ng bigla ko nanamang naalala yung lalaki kanina sa Bookstore, yung labi n'ya,Arrgghhh.Parang uminit ang pisngi ko sa naalala.Agad akong umiling para maalis ang mga naiisip ko at tinapos nalang ang pagliligpit bago ang mga school stuffs naman ang iniligpit ko.
Matapos magligpit kagabi ay nakatulog agad ako dahil sa pagod.Tanghali na akong nagising dahil s'yempre wala naman kaming lakad ngayon ni Mica kaya nagbihis na lamang ako ng isang maong shorts na hindi gaanong maiksi at isang sleeveless top na pinatungan ko ng blazer bago ako bumaba para magbreakfast.Wala pa sa dining si Mica dahil siguro ay tulog pa o kaya ay nagwowork-out sa kwarto n'ya.
Matapos kumain ay kinuha ko si Jc sa garden para ilakad sa park, dati pa ay hilig ko na itong gawin kay Tanya pero namatay s'ya kaya ngayon ay bago na ang aso ko, si Jc,Jack ang totoo n'yang pangalan pero Jc ang tawag ko sa kanya o kaya ay Jace.Pagdating sa park ay wala pa halos nagwawalking ng mga aso, ganito kasi madalas sa village namin, tuwing umaga ay may mga nagjojogging sa park o kaya ay nagpapa-exercise ng kanilang aso,gaya ng sa akin.Dahan dahan akong naglalakad ng biglang nakawala si Jc,"Jc,come back here!"sigaw ko pero patuloy lang s'yang tumakbo sa iba pang asong nakita, agad ko itong hinabol dahil baka lapain ng mas malalaki sa kanya.Naabutan ko si Jc na nakapulopot ang tali sa isa pang tali ng aso, nakayuko ang may-ari ng isang aso at tinatanggal ang pagkabuhol ng mga tali, dali-dali kong nilapitan si Jc."Jace!Ano ba naman yan"Inis na sabi ko sabay lapit sa kanila, nagulat ako ng biglang lumingon ang may-ari ng aso, di ko s'ya natignan dahil hinihila ko sa Jc sa isang aso na kaharutan nito,nakahiga na sila ngayon sa damuhan"Jace!Tayo d'yan!"hindi ito nakinig kaya inulit ko"Sabing tayo na Jace eh,stand up,come on!"nagulat ako ng biglang tumayo ang lalaki sa harap ko,at halos mahugot ko ang aking hininga ng mapagtanto ko kung sino s'ya,teka nananaginip ba ako?Is he...bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay nagsalita na s'ya."Bakit mo ako inuutusan?"inis na tanong n'ya.Napanganga ako at napatunganga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Into You
Short StoryHave you ever felt that feeling when you can't get enough of someone?Even after seeing his/her worst, even after gaining the pain caused by him/her?Even after the heartbreaks you felt because of that someone.This is a story where someone got miserab...