Chapter 4

11 1 2
                                    

Message

Gulat na gulat ako sa biglaang inasal n'ya.Inaano ba s'ya d'yan?As far as I can remember, I was just talking to my dog, wait he isn't a dog in the first place,why so inis?Nilingon ko s'ya at hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan n'ya nanaman ako."What?I am talking to you miss, bakit mo ako inuutusan?"literal na talaga akong napanganga sa pinagsasabi ng gwapong ito,no...I mean ng weird guy na 'to.

"What are you talking about?"nagtatakang tanong ko sa kanya habang hawak sa kabilang kamay si Jc na pilit pa ding nakikipaglaro sa aso ni weird guy.Mas lalo pa akong nawindang ng tumawa s'ya ng sarkastiko at may binubulong-bulong pa.Seriously?What's his problem ba?Di ko na napigilan ang sarili kong magsalita."Ano ba kasing sinasabi mo?Eh hindi naman ikaw yung kinakausap ko?"sabay tingin sa kanya bago sa aso ko,"Jc stop that!"sinaway ko ito sa pagkagat sa kanyang sariling tali.At ganun nalang ang pag-awang ng bibig ng nasa harapan ko at wala sa sariling napaturo sa kanyang sarili at sabay tingin sa aso ko.Napailing ako ng mapagtanto ko kung bakit ganoon na lamang ang inakto n'ya,"Wait, is your name Jc?Or Jace?"napangisi ako ng dahan dahan s'yang tumango.Nagpalinga linga s'ya,he groaned kaya napatingin ako sa kanya, waaaa ang cute nagblush yata ang pisngi n'ya, hindi naman mainit kaya siguro ay nagblush talaga s'ya."Hey,why are you blushing?"natatawang tanong ko.Napaatras ako at napahawak sa dibdib nang balingan n'ya ako ng masamang tingin."Sofie,let's go"hila n'ya sa kanyang alaga sabay walang lingon likod akong iniwan doon na nagugulat pa din sa mga inasta n'ya.Seriously?Inaano ko ba talaga s'ya?
Napatingin ako sa wrist watch ko at agad na hinila pabalik si Jc sa bahay, tumagal pala kami doon,siguro ay gising na ngayon si Mica.
"Aga ah,san ka galing?"nadatnan ko si Mica sa sala habang may kagat na kutsara at nanonood ng cartoons sa TV."D'yan lang sa labas,nilakad ko lang si Jc"sagot ko bago nagpatuloy sa aking kwarto sa taas at agad naligo.

Buong maghapon lang kaming nagmukmok sa bahay at kinabukasan ay ganun lang ulit ang naging routine namin,magkukulong sa kwarto at lalabas lang kung kakain.Hindi na muna kami pumunta sa clinic ng derma dahil ayos na din naman ang aking mukha, gagamitin ko nalang ang mga ibinigay sa akin na mga sabon at iba pang para sa mukha.

Gabi na ng mahiga ako sa kama matapos ang aking skin care routine.Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at nag open ng facebook, tamad akong nag scroll sa newsfeed ko ng may pamilyar na mukha ang nag pop-up sa chathead ng messenger ko.Hindi ako makapaniwala na may mensahe ang taong iyon, pagkatapos ng nangyari, basta nalang s'ya magmemessage sa akin.Inis kong pinatay ang phone ko at natulog nalang.Kailangan kong matulog agad dahil bukas na ang simula ng klase sa school.Hindi ko maiwasan na mapaisip sa kung ano nanaman ang pwedeng mangyari sa school, ayoko na, ayoko na ulit mangyari ang mga dinanas ko sa dati kong paaralan, tama na yung sakit,pagod na pagod na ako sa masamang pakikitungo sa akin, masaya ako dito sa bago kong school nung lumipat kami ni Mica,nagkaroon ako ng mga kaibigan sina Dana,Renzekiah at Rein, mabait sila sakin, pero hindi pa din maiwasan sa school iyong mga over confident na kaklase o schoolmate gaya na lamang ni Charisse Garcia at ang mga alipores n'ya na sina Shanaiah,Gracielle at Kyliah.Sa stay ko naman sa school ay hindi pa nila ako napansin pero kung hindi man ako ay meron silang mga kinakawawa, iyong mas tahimik pa sa akin, iyong mga iniisip nilang mahihina.Nagpapasalamat pa din ako at may mga kaibigan ako, hindi sila behind sa school, mga anak mayaman din at active kaya hindi sila nabibiktima.Si Rein ay president ng school body, may pagka bading ang isang ito at napaka ingay, member din s'ya ng Dance troupe, si Renzekiah naman ay student athlete, captain s'ya ng Futsal team, habang si Dana ay President naman ng English Club at kami naman ni Mica ay member n'ya.Kumpara sa akin ay mas friendly silang apat, dahil sila lang talaga ang kaibigan ko sa school, samantalang sila ay may mga common friends pa maliban sakin,maski si Mica ay ganun din.Pinipilit ko din namang huwag manahimik ng husto dahil ayaw kong mapansin ng mga bully sa school, kaya sa school ay hindi ako nagmumokmok sa library, sana nga lang ay this year maging tahimik ulit ang buhay ko dahil sawang-sawa na ako na maging katatawanan.

Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon