Stupid
"Tara sa cafeteria, doon nalang muna tayo tumambay"anyaya ni Dana sa amin isang hapon dahil wala ang teacher namin sa dalawang magkasunod na subject bago ang dismissal.Balak ko nalang sanang umuwi ngunit hihintayin ko pa si Mica dahil may pinuntahan pa yata sila ni Kent.
Pumunta kami sa Cafeteria ng school which is nasa hiwalay na building, hindi naman ito malayo dahil katabi lang halos ng building namin.Pumili na agad ng pwesto sina Rein sa may isang corner dahil doon ang paborito namin, six seaters kasi doon kaya iyo ang madalas namin pwestuhan kahit nung grade 10.Si Rein,Dana at Renzekiah lang ang kasama ko ngayon, pagkaupo namin ay nagpophone pa sila kaya nauna na akong pumunta sa counter para umorder.I just ordered small coke float and spaghetti, habang nag-aantay ako sa order ko ay naisip kong itext si Mica na nasa cafeteria kami, nagtitipa ako sa phone ko ng biglang umingay ang silid, ngunit hindi na ako nag abalang tignan dahil inabot na sa akin ang order ko, naglalakad na ako pabalik ng biglang nag vibrate ang phone ko kaya huminto ako saglit at tinignan iyon.
Mica:I'll be there in 5mins.
I replied habang nakahinto pa din sa may malapit sa counter.
Naglakad nako pabalik sa table at nag-angat ng tingin ng biglang...
"What the heck?!!!!"sigaw ng isang matinis na boses ng babae.Nakayuko ako sa sapatos ko na basang-basa na ng coke,gulat na gulat ako, natahimik ang buong cafeteria. Nahugot ko ang aking hininga ng pag-angat ko ng tingin ay sinalubong iyon ng matalim ns titig ng babaeng kinatatakutan ko sa buong school.Charisse Garcia.I'm dead.
"You b*tch!Look what you did to my outfit!Alam mo ba kung magkano 'to?Ha?!!!"sigaw n'ya sa akin napayuko ako sa takot at kahihiyan,narinig ko ang bulong-bulungan sa paligid.
"Lagot s'ya"
"Tatanga-tanga kasi eh"
"Oh no, mukhang may new target sila Charisse"
"Shaksss nakakahiya kay...."Hindi ko natapos pakinggan ang sinabing iyon ng may pamilyar na malamig na boses ang nagsalita sa gilid ko.
"Tsk.Stupid"sarkastikong sabi nito kaya napalingon ako at gulat na gulat, ngunit s'ya ay blangko lamang ang ekspresyon sa mukha at tumalikod sabay tuloy-tuloy na lumabas ng cafeteria.
Agad akong dinaluhan ng mga kaibigan ko, nandito na din si Mica at di ko iyon namalayan dahil sa nangyayari.
"Oh my ghadd Nath,what happened?"nag-aalala nitong tanong,ngunit bago pa ako makasagot ay nagsalita na ulit si Charisse."Hoy stupid ugly girl, dahil sa katangahan mo napahiya ako kay Jace, you'll pay for this!!!Humanda ka!"galit na sabi nito sabay galit na nagmartsang palabas ng cafeteria kasunod ang mga kaibigan n'ya matapos nila akong ngisihan at irapan isa-isa.
"Buti nga sa'yo"nanunuyang sabi ni Shanaiah paglampas sakin.
"Lagot ka"sabay na sabi naman ni Kyliah at Gracielle bago nila sinundan palabas si Charisse.Naiiyak na ako kaya hinila na ako palabas ng mga kaibigan ko.Agad tinawagan ni Mica ang driver namin para makauwi at makaligo na ako dahil nanlalagkit na ang paa ko na basa ng coke at natunaw na ice cream, pati damit ko ay may mantsa na din ng spaghetti sauce, hays kawawa naman si Manang Lucy, baby pink pa naman yung kulay ng shirt ko.
Matapos ako icomfort ng mga friends ko ay nagpaalam na din silang umuwi dahil hapon na.Diretso ako sa kwarto pagdating sa bahay, hinayaan na muna ako ni Mica dahil nagbihis din muna s'ya sa kwarto n'ya.Habang nasa banyo ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.Kahihiyan,gulat at takot dahil sa nangyari.Una,hiyang-hiya ako dahil sa pagkakamali ko, alam kong di ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya ko sila nabangga, nahihiya ako dahil sa pagsigaw ni Charisse sa akin sa harap ng schoolmates namin, though I understand her kasi napahiya din s'ya, nabasa ko yung damit n'ya at mukha ngang mamahalin iyon, siguro ay mag offer nalang ako bukas na palitan iyon.Plus, nakakahiya din dahil di man lang ako nakapag-sorry dahil sa hiya at takot sa kanya, di man lang ako makapagsalita o makatingin sa kahit sino, isa lang ang nagawa kong tignan sa oras na iyon.At iyon ang nakakagulat, ngayon auy sigurado akong s'ya ang Jace na kinahuhumalingan sa school.Napahiya na naman ako sa harap n'ya, tinawag n'ya pa akong stupid hayy.At huli, natatakot ako,ito ang kinatatakutan kong mangyari.Paniguradong galit na galit si Charisse sa akin, dahil bukod sa basa niyang damit,napahiya din daw siya sa harap ni Jace.Ito na yata ang katapusan ng nanahimik ko ng buhay sa school, babalik na naman siguro ako sa dati.Magiging center of attraction na naman ba ako?Not in a good way, but dahil baka ibully na naman ako sa school na pinapasukan ko, pag iinitan ako ng grupo nila Charisse, at siguradong may iba na ding maglalakas loob na makisali.Bago matulog ay pinuntahan ako ni Mica sa silid ko at kinamusta, sinabi n'ya sa akin na ayon daw kina Dana ay hindi ko naman kasalanan dahil nakatayo pa lang ako sa gitna ay nagmamadali nang lumapit si Charisse sa kinaroroonan ni Jace, na kung saan ay malapit sa akin dahil papunta daw ito sa counter,kaya't kung tutuusin ay si Charisse ang naging careless sa nangyari,though kahit paano ay may kasalanan din naman ako.I can't sleep peacefully that night dahil sa kaiisip sa nangyari at pwede pang mangyari kinabukasan, but I managed to make myself sleep dahil may pasok pa bukas and I need strength dahil baka may unexpected situation na naman bukas.
BINABASA MO ANG
Into You
Short StoryHave you ever felt that feeling when you can't get enough of someone?Even after seeing his/her worst, even after gaining the pain caused by him/her?Even after the heartbreaks you felt because of that someone.This is a story where someone got miserab...