Chapter 5

7 0 0
                                    

Curious

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay ng alarm clock ko, antok na antok pa ako at pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.Teka?Bakit parang iba ang tunog ng alarm clock ko?"Ano ba naman yan Nathy?First day of  school bumangon ka na nga d'yan!!!" 
Nahimasmasan ako ng may tumama na kung ano sa mukha ko"Ano hindi ka pa gigising?"balasubas na sigaw nitong si Mica.Sinasabi ko na nga ba at hindi alarm clock ang nanggising sa akin eh,dahil wala nga naman pala akong alarm clock sa kwarto, itong bibig nanaman ni Mica ang gumising sakin. "Tss, Mica naman eh"nakabusangot kong sabi kay Mia.

"Bumangon ka na diyan at baka ma-late tayo!"pasigaw n'yang sabi sabay hablot sa kumot ko.Tamad na lang akong tumayo at dumiretso na sa banyo.Mabilis akong naligo at nag blow dry na din ng buhok sa banyo, nang bigla kong mapagtanto na hindi pa pala ako nakakapili ng susuotin kaya't agad ko ding tinapos ang ginagawa at lumabas na.

"Ito suotin mo ha, baka mukha ka nanamang manang sa get up mo, first day of school pa naman"tuloy-tuloy na sabi ni Mica habang nakaturo sa hinanda n'yang mga damit ko.Isang turtle neck long sleeves na black at high waisted maong pants ang inihanda n'ya.Hindi na din ako nagreklamo dahil desente naman iyon tignan at walang ma i-expose na balat ko.
Dali-dali akong nagbihis at pinilit nanaman ako nitong si Mica na s'ya ang mag aayos sa mukha at buhok ko.I want my hair braided kaya iyon ang ginawa n'ya,nilagyan n'ya din ako ng kaunting foundation at lipstick na halos kakulay lang din ng lips ko dahil iyon ang gusto ko.Bago lumabas ng kwarto ay kumuha ako ng cream colored chaleco sa closet bago ko dinampot ang anti radiation eyeglasses ko pati ang bag at books ko.

Exactly 8am kami nakarating sa school, since first day pa lang naman kaya di kami late dahil may orientation pa din sa bawat classes.Same kami ng strand ni Mica kaya magkasama din kaming pumunta sa second floor ng aming building kung saan ang classroom ng STEM.

Pagdating sa classroom ay may kanya-kanyang pinag-gagawa ang mga kaklase namin, some of them ay classmates din namin last year nung nag transfer kami dito, and some aren't familiar.

"Oy girl dito!"agad naming nakita sina Rein,Dana at Renzekiah na kumakaway sa amin sa may bandang bintana ng classroom.
"Wow Nath, I like your ootd, so nice" pansin ni Renz sa outfit ko.Nagbeso-beso muna kami bago umupo kasama nila.Bale three chairs lang bawat linya ng upuan so ako yung na malapit sa gilid ng bintana at tumabi naman sa akin si Mica, nasa harap namin si Dana,Rein at Renz.Busy na kami sa pagkakamustahan samantalang si Mica ay palinga-linga sa labas bago titingin sa kanyang phone, hmm looks like she's waiting for someone.And with that I saw kent walking towards us, medyo lumiwanag ang mukha ni Mica pero agad ding napabusangot ng nakalapit si Kent.

"Good morning guys, and good morning to you too"sabay pisil sa pisngi ni Mica na agad din nitong tinapik.Umupo si Kent sa tabi ng nakabusangot na si Mica, habang kaming apat at nanonood lang sa kanilang dalawa.Tumikhim si Rein para makuha ang atensyon ng dalawa.

"Ahem, mukhang may something ah"pabirong sabi nito sabay kindat kay Mica na inismiran lamang s'ya.Dumating ang adviser namin kaya nagsi-ayos na kami at nakinig sa mga sinasabi n'ya at nagkaroon din kami ng introduction ng aming sarili.

The whole day went well at hindi naman siya tiring dahil nakaupo lang kami at nakikinig sa bawat pagpapakilala ng mga new subject teachers namin.Iba na yung teachers namin sa Senior high school kaya't kinailangan pa nilang magpakilala at mag discuss ng rules nila at grading system.Pagdating namin sa bahay ay kanya-kanya na din kaming diretso sa mga kwarto namin.

So far ay naging peaceful ang first two weeks ng pag-aaral ko sa school, quizzes, recitations, konting requirements and otger school stuffs lang ang pinagkaka-busyhan namin sa school kaya walang problema, I guess magiging okay naman ang stay ko sa school, not until....

"Oh my ghaddd"
"Shootssss ang gwapoooo!!!"
"Ano kayang year?"
"Owemgii sana classmate natin"
"Ahhhh!!!hangwapoooo n'ya"

"Anong meron?"tanong ko kay Mica habang nasa hallway kami papunta sa building namin ay puro tilian ng mga schoolmates ang naririnig namin.
"Ewan ko din?Baka nay bago?O late enrollee?"sagot ni Mica.Ipinagkibit balikat nalang namin iyon bago nagpatuloy sa classroom.

Akala ko ay sa hallway lang namin nawiwitness yung usap-usapan sa kung sino man ang taong iyo, pero pagdating sa classroom ay iyo din ang pinag-uusapan nila.Pagkaupong-pagkaupo pa lang namin ni Mica at nagtatalak na itong si Rein tungkol sa kung sino na iyon.

"Oy dayy!Nakita n'yo na ba?"patiling sabi nito.
"Ang ano?"inosenteng tanong ko naman.
"Hindi ano,kundi sino?Naku!!!Girl ang gwapo sobra, I think I'm inlove"exaggerated na sabi nito kaya sabay-sabay kaming napairap.Nassnay na din kami dito sa isang ito dahil lahat nalang yata ng gwapo ay naiinlove s'ya.
"Sino ba yun?"Tanong naman ni Mica
"Jace daw"kibit balikat naman ni kent na kakaupo lang sa tabi ni Mica.Sa pagrinig pa lang ng pangalan na iyon ay bigla nang kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
"J-J-Jace?"oh my ghaddd I stuttered.Napatingin silang lahat sakin ng nagtataka.
"Bakit Nath,kilala mo?"tanong ni Renz sa akin kaya napailing ako.
"HAHHAHA oh Nath hindi si Jace na Jc mo ha, hindi yun aso girl"sabay sabay silang nagtawanan sa biro ni Mica.Ngunit mas lalo lamang akong kinabahan dahil doon.Bakit ba ako kinakabahan?It's not like may nagawa ako sa kanya, pero diba madami namang Jace?For sure imposibleng mag krus ulit ang landas namin.Pero Nath posible yun, school ito at maari din s'yang mag-aral dito, napailing nalang ako sa iniisip ko.
Buong maghapon ay iyong Jace na iyon ang usap-usapan sa school.Grade 12 STEM student s'ya kaya't kahit papaano ay hindi pa din nagkukrus ang landas namin, ngunit may kung ano sa akin na gusto s'yang makita, I'm curious.Yes,Nath curious ka,dahil baka s'ya iyong lalaking dalawang beses mo nang nakita at naiinis na agad sa iyo,may kung ano sa aking isip ang nagsasabi niyon.Pero paano kung s'ya nga iyon?Ano kaya ang magiging reaksyon n'ya?Magagalit kaya s'ya sa akin?Umiling na lamang ako dahil alam ko naman na wala iyong pakealam sa akin, nihindi nga siguro ako matandaan nun kung sakali.Tama!Hindi n'ya ako matatandaan kaya ayos lang.

Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon