Greg P.O.V
Lunch Break, hinihintay ko si Sophia, yun kasi napag-usapan namin. Wala daw siyag kasamang maglulunch kaya samahan ko daw siya. Nasa harap ako ng classroom namin.
Bakit kaya hindi pa lumalabas si Stephene, sino kaya ina-antay niya. mag-isa nalang niya sa loob. Halos lahat ng estudyante nagsilabas na.
Sa di kalayuan, nakita ko din siya, nakangiti siyang kumakaway sa akin, hay Sophia, kung lalaki lang ako, I mean kung tunay na lalaki lang ako, siguradong ma iinlove ako sa ngiti mo.
“lets go!” sabi niya sabay akbay sa akin. Naniya naman ako sa ginawa niya. I mean, okey lang naman sa akin mga ginagawa niya. Pero ano nalang sasabihin ng iba kapag nakita nila. I just meet her kaninang umaga.
“Okey!”
Pansin kung tumayo na din sa upuan su Stephene. Si Sophia ba ina-antay siya? Shit. Ano nanaman ba itong nagawa ko?
Pansin ko kasing kaninang tinawag ako ni Sophia, nag-iba nag timpla ng mukha niya.
Maganda si Sohia, gwapo at mayaman si Stephene. Kung tama ang ini-isip ko, bagay na bagay sila.
Nasa canteen na kami. As I expected nakatingin nanaman lahat sa akin. Lalong-lalo na si Mark, isa sa mga kasama ni Stephene. Alam ko na mga pangala nila. At di Andrew na walang paki-alam. Si Jonathan na bodyguard ni Andrew. Pero bakit pamilyar sa akin si Jonathan o Nathan, parang nakita ko na siya noon pa.
“wait here!” tumango lang ako. Kami lang ni Sophia sa isang table, pero ang hindi ko maiwasan ay ang tumingin sa table nila Mark. Halos kitang-kita ko kasi sa posisyon ko silang tatlo. Pansin kung kanina pa nakatingin sa akin si Mark. Nahihiya akong tanungin si Sophia kung anong relasyon meron sila ni Mark.
Hindi nagtagal, nakita kung may kinawayan si Andrew, tinigan ko kung sino yun. Si Stephene. Lalong lumakas tibok ng puso ko, hinihintay ba niya kaming dalawa ni Sophia kanina? Kaya hindi siya maka-alis. Pero bakit? May gusto ba siya kay Sophia?
“Here!” nakangiti niyang bigay sa pagkain. Ako na nahiya, siya pa nagbigay ng pagkain ko. Sabi kasi niya siya nalang, hintayin ko nalang siya.
Habang kumakain, ramdam kong madaming mga mata ang nakatingin. Madaming nag-uusap. Hindi ko lang sigurado kung ako ba pinag-uuspan nila o si Sophia, o sina Mark. Basta alam ko isa sa amin.
“just don’t mind them!” alam ni Sophia nasa isip ko. Nginitian ko siya.
“Hi Sophia!” nabigla ako sa nagsalita sa likuran ko, napansin kung pumangit ang mood ni Sophia, balak ko palang sanang tangungin kung anong meron sa kanila pero sa nakita kong ekpresyon sa mukha niya huwag nalang.
“Hindi pa ba kayu papasok?” tanong naman ni Andrew, nagtinginan sila ni Sophia, para bang nag-uusap sa isip nila.
“Hayaan niyo na sila, tara na!” feeling ko nanlamig ako sa narinig kung boses ni Stephene. Shit, nasa likod ko siya, ramdam kung malapit siya sa akin. Titignan ko ba siya? O aasta nalang akong hindi ko siya narinig o naramdaman.
Hindi nagtagal, ramdam kung wala na sila, nginitian ko si Sophia at sinabing kung pwedi mauna na din ako.
Sumama naman siya palabas sa canteen,
“Pwedi ko bang kunin number mo Greg!”
Teka, gusto ko na sanang sabihin sa kanya na huwag na niya akong samahan, kasi feeling ko habang kasama ko siya. Hindi ako makaka-alis o makaka-iwas sa grupo ni Stephene.
“Sure, hatid na kita sa classroom niyo!” presenta ko, tumango siya at naglakad na papunta sa classroom nila.
Pagkabalik ko sa loob ng classroom, andoon na si Stephene. Nakapatong ang sa mga kamay niya ang ulo niya. shit, ito nanaman tayu. Kinakabahan nanaman akong lumapit sa kanya. Iba ang titig sa akin ni Mark.
Dahil ba sa kasama ko si Sophia kaya halatang iritado sa akin si Mark?.
Umupo na ako, nagising ko ata si Stephene. Itinaas niya ulo niya at tumingin sa akin. Shit. Ano nanaman ba ito.
Alam mo yung feeling na natatakot ka. Natatakot kang kapag may nagawa kang kahit isang kamalian nakataya buhay mo? Ganon ako ngayun. Feeling ko isang maling move ko checked mate ako.
May kung ano siyang kinuha sa ibaba, lalong naghalo ang kaba at iba pang pakiramdam nang bigla niyang hinawakan legs ko, kinakabahan ako, ito na ba resulta ng pagsama ko kay Sophia?
Ilang saglit pa naramdaman kung inalis na niya kamay niya. Wala naman siyang ginawang masama, siguro masyado lang ako nag-iisip ng sobra.
“nalaglag mo kaya pinulot ko!” napatingin ako sa legs ko na hinawakan niya. hindi naman niya pala hinawakan nilagay niya ang nahulog kung panyo.
Relax Greg. Panyo iyun hindi kamay niya.
Bumalik na siya sa dati niyang posisyon. Pero nakaharap siya sa akin, nakapikit siya hindi ko sure kung tulog ba siya.
Pinagmamasada ko nanaman ang mukha niya. Anong meron sa mukhang ito? Bakit takot ang mga tao sa kanya? Bakit parang ang lungkot niya?
Akala ko ba kapag mayaman kana, hindi kana malulungkot? Kasi makukuha mo lahat ng gusto mo? Hindi kana mamomoblema kung ano kakainin mo bukas? Hindi kana kailangan magtrabaho.Hindi ko napansing nakapatong na din pala ang ulo ko sa kamay ko at nakaharap din ako sa kanya, ngayun kunting destansya nalang at magkalapit na kami ng mukha.
Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya, may kakaiba sa kanya na humahatak sa akin. Parang napakagaan ng pakiramdam ko sa ganoong posisyon, walang pag-alala, walang takot.
Natapos na ang klase, lalakasan ko na loob ko. Hinintay kung umalis silang lahat. Kami nalang naiwan ni Stephene, si Mark, Andrew at Nathan naghihintay sa pintuan. Lalakasan kona talga ang loob ko.
“Stephene!” mahiyain kung sabi
“Bakit?”
“Walang namamagitan sa amin ni Sophia” napatingin siya sa akin.
“Good!” sabi niya, hindi ko na inantay pa sasabihin, nauna na akong lumabas sa kanya.
Please Leave a Vote.
Thank you.
BINABASA MO ANG
Untamed Lovers The Series
RomanceRead the love story of five untamed teenager and how they cope up with love.