Greg P.O.V
“Sige po ako na bahala,” sabi ko kabilang linya. Tumawag si Papa na hindi raw niya ako masusundo ngayun. Takte naman oh, kanina pa ako naghihintay dito.
“Greg!” hinanap ko kung sino ang nagtatawag ng pangalan ko. Wala naman kahit na sinong nandito.
May nagpark ng sasakyan sa harap ko, hindi ito sasakyan ng Amo ng papa, medyo umatras ako. Biglang bumukas ang sasakyan, si Sophia, nakangiti sa akin. “Tara na, hatid na kita!” talagang tinignan ko muna kung sino kasama niya. Mag-isa lang niya.
“ah eh, ayos lang!” nahihiya kung sabi, naglakas loob akong sabihin kay Stephene na walang namamagitan sa amin, kapag nakita niyang hanggang pauwi kasama ko siya. Tiyak hindi na siya maniniwala sa akin.
“tara na, uulan na oh!” naman, bad timing. Tinignan ko ang langit, shit totoo nga. Napakadilim nang ulap, tiyak ilang sandal lang uulanin na. “tara na!”.
Stephene P.O.V
“Greg!” nagising ako bigla sa ingay ni Sophia, sabi na kaya ayaw kung nakikisabay sa kanya eh, nasa harapan ako malapit sa driver sit, mag-isa niyang nasa likuran. Naririndi ako bunganga niya.
Sophia is my younger sister, kahit ayaw ko wala na akong magagawa, nagawa na siya eh.
Pero teka? Ano raw? Greg?
“Tara na, hatid na kita!”. Bakit parang kinabahan ako bigla? Anong meron sa pangalang Greg? Kanino ko ba narinig ang pangalan na yun?
“ah eh, ayos lang!” shit, siya nga. Siya si Greg?
“Sir, gusto atang isakay ng kapatid mo kaibigan niya?” sabi ng driver kunwari nag-isip ko ng malalim. “hayaan mo siya!”
“tara na, uulan na oh!” at rinig kung pumasok na siya. Teka bakit ako nakangiti? Agad kung binawi ngiti ko, makita pa ng driver kung ano isipin niya.
Nag-uusap silang dalawa, naririnig ko lahat ng sinasabi nila, meron kung anong kakaibang bagay ang boses ni Greg, hindi ako sanay makinig sa usapan ng may usapan pero natatawa ako sa mga sinasabi niya kay Sophia.
“Sir, ayos lang kayu?” Shit, sabi nang mapapansin ng driver eh. Tumango ako sa kanya. Behave Stephene, baka kung ano isipin niya.
Ang lakas ng ulan, ang lungkot ng panahon. Nakatitig lang ako sa bintana, naihatid na si Greg, ihinatid siya sa mall. May hihintayin raw siya. Ano ba itong pakiramdam na to? Sino hihintayin niya? may girlfriend na siya?
“saan ka pupunta kuya?” rinig kung tanong ni Sophia, nang makita niyang binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Hindi pa kami nakakalayo sa Mall, maabutan ko pa sila.
“mauna na kayu!” sabi ko sabay takbo, ginawa kung proteksyon sa ulan ang bag ko. Ano ba itong ginagawa ko? Ano ngayun kung may hinihintay siya. Bahala na.
Nakapasok na nga ako mall, madaming tao. Saan ko naman siya hahanapin nito. Sa di kalayuan tanaw ko ang pamilyar na hulma ng likuran, siya yun hindi ako pweding magkamali. Mag-isa niyang naglalakad. Agad ko siyang sinundan. Saan ba kasi siya pupunta.
Pumasok siya sa isang stall na puno ng damit pang-babae, bibilhan ba niya girlfriend niya? tsk. Sabi na eh may girlfriend na siya!. Teka, ano naman ngayun kung may girlfriend siya. Bakit ako nagagalit.
Kita ko siyang pumipili ng damit, tsk. Sino naman kaya girlfriend nito?
“Ano pong hinahanap niyo sir?” nagulat ako sa tanong ng sales lady, shit nakita ako ni Greg. Wrong timing.
“Namimili lang ako para sa girlfriend ko!” wala na akong magagawa, rinig din ni Greg ang sinabi ko. Ano bang sinabi ko, wala naman akong girlfriend.
Unti-unti akong lumapit kay Greg, “Ikaw? Para kanino yan?” tanong ko sa kanya. Bakit siya namula? Teka, bakit ko ba kasi tinatanong. Hindi siya umimik, pansin kung nahihiya siya.
“Hmmmm” nahihiya pa din siya,
“OK, I don’t care!” nice Stephene, tama ganon nga. Ayaw ko din namang marinig na para sa girlfriend nga niya. Parang masakit sa tenga ko.
“Stephene!” nahihiya pa siyang sabihin pangalan ko. Shit, ano to? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anong sasabihin mo Greg!
“Ano?” mahinang boses kung sabi.
“Bukas Zipper mo!” normal bang mamula sa sinabi niya? Shit tinignan ko nga. Bukas nga. Agad akong tumalikod sa kanya at isinara. Agad na din akong lumayas sa stall. Nakakahiya ka Stephene.
Pumasok ako sa CR malapit sa stall. Ano ba naman ang nangyari.
Paglabas ko sa CR saktong palabas na din siya, may dala siyang isang pink na paper bag. Bumili nga siya para sa girlfriend niya.
Gaya ng nauna kung ginawa, sinundan ko siya. Hanggang sa sakayan. Shit naalala ko na wala akong sasakyan.
Ano bang pumasok sa isip ko at nagpunta ako ng walang sasakyan,
“Hello!” rinig kung sabi niya sa kausap sa telepono. Ngayun kausap na niya girlfriend nya?
Pagka baba niya ay ngumiti siya at kumaway sa tao sa loob ng sasakyan. Pumasok siya rito at agad na ding umalis. Sino naman kaya yun?
Please Leave a Vote.
Thank you.

BINABASA MO ANG
Untamed Lovers The Series
RomanceRead the love story of five untamed teenager and how they cope up with love.