Nathan P.O.V
“Pansin mo bang ang weird ni Stephene this past few days?” tanong ni Andrew na naka-higa sa mga binti ko.
“Bakit naman?” kunot noo kung tanong ko sa kanya. Kung ano-ano nalang napapansin niya.
“Kasi hindi na normal na Stephene ang nakikita ko!” saad niya sabay bangon at nagpunta kumuha ng tubig niya.
“Hindi mo ba napapansin?” lumapit siya sa akin at ini-abot ang dala niyang baso na tubig. Agad ko namang kinuha at ininom.
Oo pansin ko din, ibang Stephene ang kasama namin kapag nasa paligid si Greg. Ang Stephene na walang paki-alam sa mundo, paging mukhang galit laging puyat kaya lagi siyang tulog at hindi nakikinig sa klase, iyon ang kilalang Stephene. Kilala ng lahat.
Lahat nga nagtaka kung bakit iba na kinikilos niya. Sana nga, simula na ito ng pagbabago niya. Sana nga, pagod na din ako ugali dating ugali niya
Kinuha niya ang baso ng tubig sa akin, tyaka inimom din ito.
“Bakit ba si Stephene lang pinapansin mo? Paano naman ako!” muntik na niyang maibuga ang ini-inom niyang tubig sa sinabi ko. Tyaka siya tumawa ng napakalakas.
“Seselos ka kay Stephene?” natatawa padin niyang tanong.
Lumapit siya sa akin at hinagkan ako. Tinignan niya ako sa mata, napangiti ako sa titig niyang iyun, nanlilisik. Bigla akong nakadama ng init sa katawan, hinalikan ko siya sa labi. Lumaban siya, kahit araw-araw na naming gawain hindi pa din siya nagsasawa. Wild padin siya.
Parehas kaming natigilan ng may nagtext sa pareho naming numero. Nagtitigan kami at sabay tumawa. Nanaman, istorbo talaga.
Alam ko na kung sinong nagtext, hindi ko na kailangan pang buksan ang text message sa amin, “ako na magdridrive!” iritado kung sabi, siya naman kumuha ng dalawang jacket at hinagis sa akin ang isa.
Nasa daan na kami, dahil motor ang sasakyan namin, napakahigpit ng kapit siya. Napangiti ako sa itsura naming ganito, mas lalo ko pang binilisan ang pagdridrive para lalo siyang kumapit sa akin.
“Baliw kaba?”
Nakarating kami sa lokasyon na sinabi niya.
Normal na ang ganito, sino nanaman ba nagpa-init sa ulo ng dalawa? Huwag nilang sabihing si Greg na ang kawawang nakaratay ngayun.
“Tara!” at tumakbo na siya papasok.
Hindi nga ako nagkamali, isang lalaki ang nakaratay sa sahig, hindi ko siya nakilala dahil madugo ang buo niyang mukha.
“Sino yan?” tanong ni Andrew kay Mark, naka-upo lang siya at ini-alis ang bandana na inilagay niya sa kamay niya.
Kawawang nilalang, pansin kung iba na ang timpla ni Mark kanina. Galit siya kay Greg, iyun ang totoo. Nagseselos siya dahil mukhang gusto ni Sophia si Greg.
Napansin ko ang itsura ng lalaki, siya nga.
*Lunch Break
Naka-upo sina Sophia at Greg sa kabilang mesa, tanaw namin ang dalawa sa kina-uupuan namin. Hindi lang halata pero tiyak ako na tagalang kinuha ni Mark ang pwestong ito para makita niya kung anong mangyayari kay Sophia.
Dating karelasyon ni Sophia si Mark iyun ang pagkaka-alam namin, at wala ako para sabihin ang kwento nila.
“Dude pansin mo ba yung lalaki yun?” Tanong at turo ni Andrew sa lalaki. “lagkit ng tingin kay Sophia”. Hindi lang si Mark ang tumingin, pansin kung napantingin din si Stephene sa lalaki.
Lalapitan sana niya pero hinawakan siya sa kamay ni Stephene. Kumalma naman siya saglit. Pero hindi na niya napigilan ang puntahan si Sophia.
Lumapit siya, at sumama na din kami. Nakatitig lang ako sa lalaking lagkit ng tingin kay Sophia, pansin kung natauhan ang lalaki at itinigil ang ginagawa niya.
“Bakit niyo pa kami isinama tapos na pala?” iritadong tanong ni Andrew, napangiwi ako sa sinabi niya. Galit siya dahil hindi kami natuloy sa ginagawa namin.
“Asan si Stephene?”
“Bakit?” at lumabas siya sa dilim. Pansin kung biglang natakot si Andrew.
“Wala namiss lang kita!” at nagtago siyang parang bata sa likuran ko.
Lumabas kaming apat sa lumang building.
“Wala na bang gagawin? Uuwi na kami ni Nathan!” kakaiba ang tingin nilang dalawa. Shit Andrew, mabubuking tayu.
“May tinatago ba kayu sa amin?” Seryusong tanong ni Mark, ako din hindi nakapagsalita sa sinabi ni niya. Lalong-lalo na si Andrew.
“Walaaaaa” hindi siya makatingin sa dalawa. Tinapik niya ako, ano nanaman maitutulong ko sa kanya.
“Sama kayu may pupuntahan tayu!”
Please Leave a Vote.
Thank you.

BINABASA MO ANG
Untamed Lovers The Series
RomantizmRead the love story of five untamed teenager and how they cope up with love.