UL: Stephene Weakness #7

0 0 0
                                    

Stephene P.O.V

Alam ba niyang Lasing siya?

“Stephene!” tawag niya ulit sa pangalan ko.

Akbay-akbay ko siyang itinataas papunta sa kwarto ko. Hindi ko alam kung saan siya nakatira, dito nalang muna siya.

“Sabi nila ang napakasama mong tao!” nakangiti niyang sabi at pinipisil pa niya mga pisngi ko

Napapikit ako sa sinabi niya “Tama sila!”

“Hindi, alam kung hindi ka masamang tao!” inihiga ko na siya sa kama. Inalis ang suot nyang sapatos.

“Hindi mo ako kilala!” sabi ko kanya. “Ako nga mismo hindi kilala kung sino ako.”mahinang sabi ko “Ikaw din Greg, hindi kita kilala. Sino kaba?  Anong plano mo sa akin? Bakit dumating ka sa buhay ko.”

“Gusto mo ba akong makilala?” nakangiti siya sa akin. Lasing ka kahit sabihin ko sayu, pag-gising mo bukas maalala mo kaya?

“Galit ako sa mundo, Galit ako sa magulang ko, sa Daddy ko, sa kapatid ko. Dahil sa kanila namatay si Mama, si Mama na tanging nakakaintindi sa akin.

*Flashback..

Rinig ko ang umiiyak na babae, linapitan ko siya. “Ma!” mangiyak-iyak kung sabi. Nakaratay siya sa sahig, duguan ang ulo at may hawak na baril sa kaliwang kamay.

Habang si Daddy, naka-upo lang sa kama.

Nakita ko kung ano ang nangyari, narinig ko lahat ng usapan nila.

Pinag-aawayan nila si ang pangalang Grace.

“Mahal ko si Grace!” seryusong sabi niya.

“Ako? Kami ng mga anak mo? Mahal mo rin ba kami?” Hindi siya makapagsalita.

Bata pa ako para maintindihan ang arrange marriage sa panahong iyun pero ganon nga nangyari sa kanila. Ibinigay ni Mama lahat kay Daddy, pero bakit hindi pa din niya kayang sabihing mahal niya si Mama. Anong meron kay Grace na wala kay Mama.

“Kailangan na nating gawin ito!”

“Kami naiisip mo ba kami?” umi-iyak niyang sabi.

Aalis na sana si Daddy nang may nilabas si Mama. Isang baril, kalmado lang si Daddy ni hindi niya ito inawat. Bubuksan na sana niya ng pinto ng maikalabit ni Mama ang baril patama sa ulo niya.

Hindi siya lumingon kay Mama. At ako, ako ang lumabas sa closet na pinagtataguan ko. Agad ko siyang pinuntahan pero huli na ang lahat, humalo ang dugo niya sa sahig.

Biglang pumasok si Manang na aming katulong. Umiiyak na din sa nakita.

Simula noon, hindi na ko nakakatulog ng matiwasay, hanggang ngayun napapanaginipan ko pa din, lahat.
Lahat ng nangyari.

Hanggang isang araw, wala pang tatlong buwan ng pagkamatay ni Mama, nagpakasal ulit si daddy kay Grace.

Anong meron kay Grace na wala sa Mama ko, at pinili niyang mangyari ang ganon kay Mama para maging sila ni Grace?

Gakit ako sa kanila, sa lahat ng taong sumira sa buhay ng Mama ko, sa lahat ng taong nagsasaya sa kasal ni Daddy, habang ako. Mag-isang nasa kwarto kung saan pinatay si Mama.

Galit ako sa mundo, bakit niya hinayaang mangyari iyun?

Simula noon, hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ko na nga mabilang kung ilang tao na napaglabasan ko ng galit ko. Ilang buhay na din nanging kritikal dahil sa akin.

Kaya kaba dumating Greg,

Anong meron sayu, at kapag nakikita kita nawawala ang galit ko sa mundo?
Sino kaba talaga Greg? Anong plano mo sa akin? Anong gusto mong manyari sakin.

*Back to reality.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak ako sa harapan niya. matapos na mangyari ang mga bagay nay un, kinalimutan ko nang umiyak. Ayaw kung maging mahina. Ayaw kung pagsamantalahan nanaman ang kahinaan ko.

Pero bakit ko nagagawang umiyak sa harap mo Greg,

Umupo siya sa pagkakahiga. At niyakap niya ako. Ang init ng yakap niya. matagal ko nang hindi natitikman ang ganong yakap. Kung pwedi lang sana hindi huwag nang matapos ang ganong bigay niyang yakap.

Nakalimutan ko lahat ng masasamang nangyari sa akin dahil sa yakap niyang iyun. Kahit saglit nawala ang sakit sa puso ko.

Hindi ko na kayang pigilan sarili ko.

Tumingin ako sa mga mata niya.

Totoo ang reaksyon sa mata niya, hindi ko makita ang awa sa mga titig niya.
Unti-unti kung inilapit ang mukha ko sa mukha niya. pumikit ako at hinalikan siya.

Ikaw na ba Greg ang gamot sa sakit ng puso ko?.

Untamed Lovers The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon