Greg P.O.V
“Happy birthday Sophia”
Birthday ni Sophia, nasa Bar kami ngayun. Nirentahan niya ba ang buong bar? Kanina ko pa kasi napapansin na walang ibang taong pumapasok dito.
Ngayun, unti-unti nang dumarating mga kaibigan niya at ako!
Naka-upo, hindi ako sanay sa ganitong lugar. At hindi ko sila kilala. Pinagmamasadan ko lang ang mga taong nagsasaya. At biglang lumapit sa akin si Sophia.“Happy Birthday!” nahihiya kung sabi sa kanya at binigay ang hawak kung regalo sa kanya. Nakangiti naman niyang tinanggap ito at nagpasalamat.
Nagsabi siya kung pwedi raw ba kaming magselfie sa telepono niya. nahihiya ako pero dahil sa birthday niya ngayung araw ginawa ko nalang.
Stephene P.O.V
“Kahit anong sabihin mo hindi mo ako mapapasok sa Bar nayan!” iritado kung sabi kay Sophia sa kabilang linya. Kahit pa birthday niya ang akala niya pupuntahan ko siya? Manigas siya.
Ilang sandali lang may nagpadala ng mensahe sa akin. Si Sophia, kasama si Greg. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ng makita ang litrato. Masaya ba ako dahil sa litrato ni Sophia o dahil sa mukha ni Greg?
Matagal din akong nakatitig sa litrato, nang biglang may nagpadala din ng litrato. Shit, ano to? Sino kasama niya dito?
Bigla akong naalarma sa nakita ko agad akong nagbihis at nagpunta sa address na sinabi sa akin kanina ni Sophia.
Si Andrew ang nagpasa sa akin ng litrato, hindi kita kung sino ang kasama ni Greg, pero bakit silang dalawa lang magkasama. Bigla akong nairita kung sino man iyun makakatikim talaga.
Andrew P.O.V
“Ngayun malalaman natin kung sino talaga si Greg sa buhay ni Stephene!” nakangiting sabi ni Sophia. Ako naman kanina pa kinakabahan kung ano ang pweding mangyari sa akin sa pinasa kung litrato sa kanya.
Pasenisya kana Stephene na blockmail ako ni Sopia.
*kanina
“Happy Birthday Sophia!” nakangiti kung bati sa kanya, teka kilala ko ang mukhang iyan Sophia. Aalis na sana ako sa kanya ng hinarang niya ako.
Ano nanaman ba kailangan nito? Hindi paba sapat na may regalo ako kanya?
“Kailangan mo akong tulungan!”
“Ano nanaman ito Sophia?” iritado kung tanong.
“Kailangan mong mapapunta si Stephene ngayun, Birthday ko at aalis na ako. Kailangan ko siyang umatend dito”.
Imposible nanaman ang sinasabi niya. napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi niya. Si Stephene pupunta sa bar?
Ayaw na ayaw niya ang maingay at madaming tao!
“Baliw kana Sophia!”
“Tutulungan mo ako o hahayaan mo nalang malaman nila sekreto mo?” Shit. Again. Baliw na nga talaga siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakangiti siyang parang baliw sa akin.
“Paano?” iritado kung tanong. Nginuso niya ang nanahimik sa gilid na si Greg, tinignan ko siya ng masama. Ano naman magagawa ni Greg sa plano niyang papuntahin si Stephene dito?
“Kailangan ko pa bang lumuhod sayu Nathan?” naiiyak kung tanong sa kanya.
“Alam mo ba pweding mangyari sa gagawin mo?” galit niyang tanong
nasa likuran kami ng Bar, kinakausap ko siya tungkol sa plano ni Sophia na papuntahin ang kapatid niya rito.“Madaming alam si Sophia, alam mo naman mangyayari kung nagkataong malaman nila diba?”
Wala na din siyang nagawa, sinabi ko kanya ang sinabi sa akin na gagawin niya. lumapit siya kay Greg, kina-usap tyaka ko sila kinuhanan ng litrato. Ipinasa kay Stephene.
At ako ngayun nandito, kinakabahan. Kilala ko si Stephene, ayaw na ayaw niyang pinagtritripan siya. Kahit itinuturing niya kaming kaibigan, aaminin naming takot padin kami sa pwedi niyang gawin.
Nanlaki ang mata ko ng makitang tumatawag si Stephene, Shit. Lalo kong kinabahan. Ni hindi ko maigalaw ang mga kamay ko para sagutin tawag niya.
“Hello!”
“Labas ka narito ako!” kung hindi ako nasalo ni Nathan, tiyak akong bagsak ako sa sahig. Nandito na siya, bakit ako tinawagan niya? sana si Sophia nalang bakit ako.
“Nasa labas siya!” ramdam kung hindi lang ako nagulat, pati si Nathan.
Stephene P.O.V
Gaya ng ina-asahan, maingay ang bar. Asan naba sila?
Unag bumungad sa akin si Mark, halatang madami na din nainom.
“Asan si Greg?” agad na tanong ko kanya. Mistulang hindi niya ako narinig dahil sa lakas ng ingay sa loob ng bar.
“Asan si Greg?” malakas kung sabi sa tenga niya. itinuro niya ang kumpulan ng mga tao. Tinapik ko ang balikat niya para magpa-alam. Sumunod na humarap sa akin si Nathan kasama si Andrew.
“Asan siya?” tanong ko sa kanila. Kita ko ang takot sa mata ni Andew. Sabi ko na ngaba at may plano sila.
Iisang direksyon at kumpulan na itinuro nilang dalawa. Iniwan ko nalang sila ang agad na pumunta sa kung saan nila itinuro kung si Greg.
Shit, siya nga naroon nga siya kasama ni Sophia at nang iba pa. Natigilan silang lahat ng makitang parating ako.
Sinalubong ako ni Sophia, pero dina-anan ko lang siya.
“Oh! Stephene nagpunta ka!” shit, anong meron sa kanya. Lasing na siya?
Lahat ng tao nakatingin sa kanya. Lalong-lalo na si Sophia.
Shit, anong itsura mo Greg,
tumayu siya at lumapit sa akin!. Tyaka niya ako inakbayan. Lalong nagtinginan ang mga tao. Umayos ka Greg. Hindi ko magawang magalit sa kanya, ngayung naamoy ko siya. Shit, anong nangyayari sa akin.Hinawakan niya ang pisngi ko, nilaro niya ito. “Bakit ang cute-cute mo Stephene!” nakangiti niyang sabi.
Tinignan ko ng masama si Sophia, kung hindi niya sana nilasing ng ganito si Greg, hindi mangyayari ang ganito.
Bakas ko sa mukha ni Sophia at pag-alala.Dahil naka-akbay siya sa akin, hinawakan ko ang kamay niya at ang kanyang bewang. “Umuwi na tayu!” sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.
Madali ko siyang nailabas dahil sila na mismo nagbigay ng daan sa akin.
“Mag-uusap tayu!” masamang tingin ang iniwan ko kay Andrew, alam ko kung ano ginawa nila, alam ko kung bakit kanina pa siya kinakabahan.
Nakalabas kami ng walang kahirap-hirap.
“Stephene!”
“Bakit?” iritado kung tanong.
“Ang Cute mo!” shit, lasing ka Greg,
Pero teka, bakit ang init ng pisngi ko?“Mas Cute ka pala kapag namumula ka!” sabi niya sabay hinalikan ang pisngi ko.
Please Leave a Vote.
Thank you.

BINABASA MO ANG
Untamed Lovers The Series
RomanceRead the love story of five untamed teenager and how they cope up with love.