Umaga ng biyernes ng napagpasyahan ni Alexandria na sumama sa mga kaibigan niyang papunta sa Camiguin Island para mag-outing. Bago palang nila napag-usapan ng mama at papa ni Zandro na bibisita sila sa Camiguin since may lupa ang pamilya niya na naisangla sa pamilya ni Zandro pero gusto rin niyang sumama sa mga kaibigan niya. Zandro's on his business trip habang siya ay naiwan sa bahay niya kasama si Yaya Nettie. Nakapag pack na siya ng mga damit niya. She only pack few shorts and shirts. At ang iba niyang dala ay tsinelas at two piece bikinis.
Palabas na siya sa kwarto niya dala ang bag na pinaglagyan niya ng mga damit niya. Zandro will be gone for one week. Kaninang madaling araw ito umalis. Nang makababa na siya sa hagdanan ay nakita siya ni Yaya Nettie. Nabigla ito sa itsura niya. She's wearing a black short with her hair in a ponytail. She's wearing a red crop-top at tenernohan niya iyon ng puting converse chuck 70 high top.
"Alexandria? Saan ka pupunta at bakit ganyan ang suot mo bata ka?" Tanong nito na hindi makapaniwala sa nakita nito.
"Yaya Nettie, nag aya po kasi sila James, Anikka at Gwen. Pupunta po kami sa Camiguin. Gusto ko pong sumama para naman maka relax rin po ako." Sagot niya sa matanda.
"Alexandria?" Sabi nito sa boses na may pagbabanta.
"Yaya? I'm sorry at ngayon ko lang ipinaalam sa inyo. Si James kasi kung makapag-aya palaging last minute. Kanina lang alas tres ng umaga ako naka receive ng tawag sa kanya. Kaya umo-o ako kaagad." Tukoy niya sa isa sa mga bestfriend niya. Si James ay isang fashion enthusiast.
Palagi itong Missing in Action kaya naman silang tatlo nalang palagi ang nagkakasama siya, si Gwen at Anikka. At para itong kabute na basta-basta nalang sumusulpot nang wala man lang pasabi. Kaya nang malaman niyang nandito ito sa Pilipinas at inaya siyang sumama sa mga ito papuntang Camiguin Island. Ay agad siyang pumayag, minsan lang kasi niya ito makasama. At minsan lang rin sila mabuo na magkakaibigan. James owned a villa in Sagay Camiguin near the seashore.
"Alam kong hindi ito alam ng asawa mo, Alexandria. Baka magalit iyon kapag nalaman niyang umalis ka at hindi ka niya naabutan rito." Sabi nito habang nakapamewang ang kanang kamay.
Mas matangkad siya rito kaya naman nakatingala ito sa kanya. Nasa 4'9 lang kasi si Yaya Nettie.
"Ah basta! Bahala na siya sa buhay niya. At saka tatlong araw lang naman kami roon Ya. Kaya makakabalik rin ako agad. Without him knowing na umalis ako." Katwiran niya.
Pero nagdadalawang-isip siya kung makakalusot kaya siya sa matalino niyang asawa. Na kung mag-isip ay daig pa si Detective Conan.
"Pero mali parin ang ginagawa mo, Iha. Dapat ay magpaalam ka parin sa asawa mo. Kahit na nga ay hindi kayo nagkakasundo." Sabi nito habang hinahaplos ang mukha niya.
Umismid naman siya dahil naisip niya ang asawa niya sa papel.
"Hindi naman po siya ang inaalala ko Yaya. Ikaw naman, aalis kasi ako at wala kang makakasama rito kung hindi si Manong Jose at si Linda." Tukoy niya sa driver nila na si Mang Jose at sa natitira nilang kasambahay na si Linda.
Dati noong nabubuhay pa ang mga magulang niya. Mayroon silang sampung kasambahay na kasama nila palagi sa bahay. Mayroon naman silang pitong driver na naghahatid sundo sa kanila sa kung saan man nila gustong pumunta. Pero hindi naman siya masyadong nagpapahatid unless needed. Most of the time ay siya ang nag da-drive para sa sarili niya.
Naintindihan yata siya ng matanda at tumango na lamang ito sa kanya.
"O sige ikaw talagang bata ka! Basta huh? Bumalik ka agad rito pagkatapos ng tatlong araw bago pa makabalik ang asawa mo. Kung hindi ay bahala ka at hindi kita mapagtatakpan sa asawa mong iyon. At huwag kang mag-alala sa'kin. Okay ako rito kasama si Jose at Linda. Ikaw mag-ingat kang bata ka. Tawagan mo ako kapag naroon na kayo sa Camiguin huh?" Paalala nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Locked In My Memories
Romance"I thought I can survive one day without you. But I was wrong, so wrong baby, it broke me into pieces." You're locked in my memories and no one hold the key but you dear.. You can open my mind and I will let you in. My heart is shouting for your nam...
