Alexandria woke up early in the morning considering that the day will be filled with adventures. She woke up around 5am and get ready with her for the day.Around 7am when everyone is ready to head in the ocean to do scuba diving her phone beep signaling that there is a message. She get her phone from the cellophane and open it just to read the message from her idiot of a husband as she claimed him to be.
From Devil:
Call me or I'll take a flight home and bring you back home?
Binigyan pa talaga siya nito ng options noh? To hell with his fucking options. Wala rin naman siyang pagpipilian. Ayaw niyang umuwi ito dahil siguradong kukunin lang siya nito at dadalhin pabalik sa bahay niya. Lalong ayaw naman niyang tawagan ang lalaki, marinig pa lamang niya ang baritonong boses nito ay naiinis na siya.
Napagtanto niyang sinabi ni Yaya Nettie rito ang katotohanan kung nasaan siya ngayon. Hindi naman niya ito matatago rito dahil kada-oras ay nagtatanong ito kung saang lupalop siya ng mundo naroroon. Kaya naman ay wala siyang takas rito.
Lalong alam na alam ni Alexandria na hindi nagsisinungaling ang Yaya Nettie niya na kung mapipilitan itong sabihin kung nasaan siya ay hindi na lamang ito magsasalita sa isipang baka mag-away na naman sila ng lalaking iyon.
"Alex let's go na, naghihintay na ang bangkang magdadala sa atin sa laot." narinig niyang tawag sa kanya ni Anikka.
"Sandali lang may tatawagan muna ako." sabi niya kay Anikka at sa peripheral vision niya ay nakita niya si Gwen at James na inilagay ang mga cellphone nito sa tainga.
Napangiti siya hindi lang naman pala siya lang ang may kakausapin eh. Tatlo naman pala sila, with that, medyo nakunan ang pagka-bad mood ni Alexandria sa asawa.
Pero bago pa matawagan ni Alex si Zandro ay tumawag si Yaya Nettie.
"Hello Yaya Nettie?" tanong niya sa matanda.
"Iha, pasensya ka na at nalaman ni Zandro kung nasaan ka at hindi ko magawang magsinungaling sa asawa mo." ang hinging paumanhin ng matanda.
"Sigurado ho ba kayo Yaya na hindi kayo pinilit ng lalaking iyon?" tanong niya sa matanda, alam niyang hindi magagawa ni Zandro iyon pero gusto lamang niyang makasigurado.
"Ano ka ba Alexandria, bakit naman kay sama ang tingin mo sa asawa mo? Ikaw naman bata ka, hindi naman ako pinilit ni Zandro na sabihin sa kanya kung nasaan ka. Ako mismo ang nagsabi sa kanya kung nasaan ka dahil nag-aalala ako ng sabihin niyang hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya." sabi ng matanda na parang pinapagalitan siya.
"Yaya, you know me well, ayaw ko sa taong iyon." Inis na sabi niya sa Yaya niya.
"Asawa mo ang taong iyon Alexandria kahit na nga bay hindi kayo magkasundo ay asawa mo parin siya kaya naman bigyan mo siya ng kaunting respeto." ang sabi ng Yaya niya sa kanya.
"Asawa ko lang naman siya sa papel eh." inis na sabi ni Alex.
"Ikaw na bata ka."ang nasabi nalang ng matanda dahil hindi talaga paawat ang alaga niya sa pakikipag-bangayan sa asawa nito.
"Oh siya nga pala anak, anong gagawin ninyo ngayon riyan? Mag-swimming ba kayo ngayon or dadayo kayo sa White Island diyan? Gusto ko rin makapunta riyan." Ang sabi ni Yaya Nettie, talagang hindi pa ito nakakaapak ng Camiguin at masasama na niya ito sa susunod dahil magbabakasyon siyang muli sa islang ito kasama ang pamilya ni Zandro at isasama niya ang Yaya Nettie niya.
"We'll go Scuba Diving today, Yaya. I was about to call Zandro dahil ang demonyong iyon ay pinapatawag ako kung hindi raw ay uuwi siya rito sa Pilipinas at dadalhin ako pauwi riyan sa bahay." sabi niya while rolling her eyes to the mention of her husband's name in paper.
BINABASA MO ANG
Locked In My Memories
Romance"I thought I can survive one day without you. But I was wrong, so wrong baby, it broke me into pieces." You're locked in my memories and no one hold the key but you dear.. You can open my mind and I will let you in. My heart is shouting for your nam...