02.4

48 5 1
                                    

Kanina pa ‘ko nakaupo dito sa walang kwentang upuan sa harapan ng stage. Dito kami nakaupo since may pageant ngang magaganap. Katatapos lang nilang rumampa at dahil hindi naman ‘to pageant, wala ng long gown o talent portion. Magkakaroon nalang ng question and answer portion mula sa top 3 ng babae at lalaki.

“So for our top 3 girl contestants with no particular order… Ms. Sofia Ramorez, Ms. Julia Tunay and Ms. Mavylaine Cortez.” Hindi ko alam kung bakit pero nawala ang pagkaboring na nararamdaman ko ng marinig ko ang pangalan nya.

Napalingon sya sa pwesto namin at ngumiti, ngingiti din sana ako ng bigla akong hawakan sa kamay ni Amanda.

“Bakit?” Tanong ko. Sya naman ngumiti at yumakap sa braso ko. Hinayaan ko nalang, kahit papaano may pinagsamahan kami ni Amanda. Sobrang lalim na pinagsamahan.

Pag tingin ko ulit sa stage, natawag na pala yung mga kasamang lalaki at isa doon si Elijah na masama ang tingin saakin kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Amanda pero ayaw nyang paawat. Pag tingin ko kay Mavy, nakatingin na sya kay Jared at Queen. Bwisit.

May relasyon ba talaga sila?! At bakit ba ako naiinis? Kasi niloko  nya lang ako? *insert bad word here*

“Okay, Ms. Sofia Ramorez please come here in front and pick up one para malaman natin kung sino ang magtatanong sayo…” Hindi ko na pinakinggan ang mga susunod na sinasabi ng Principal namin na nag Emcee ng event na ‘to, masyado akong naiinis para pakinggan pa ang sasabihin nila. Tsaka, knowing Alaira or Sofia, maganda ang sagot nyan, beauty queen yan noong mga panahon na hindi pa sya nauuntog at nawawalan ng memorya. [Those na curious for Sofia’s story read: Remember me this way.]

“Ms. Amanda Fontanilla.” Ayun lang. Si Amanda ang magtatanong sakanya.

Bahala sila, makatulog na nga lang.

“Wow, what a great answer. Let us now call on the third finalist, Ms. Mavylaine Cortez.” Napabalikwas ako ng may bumatok sakin, kahit mahina lamang yung nasaktan ako ha! Hinanap ko kung sino ang bumatok sakin—

“Oh anong problema mo Chrys?” Tanong ko. Hindi sya sumagot at ngumuso lang habang hawak ang camera nya at nagpipicture sa unahan. School journalist sya eh.

Tinignan ko na yung nginunguso nya. Ah, si Mavy na pala. Tsk. Pakielam ko dyan? As if naman gusto kong marinig ang epic nyang sagot?

“Oh, our crowned Prince last year, Mr. Raphael Rodriguez.” Napatingin silang lahat saakin. Anong meron?

“Rapha.” Bulong ni Amanda kaya inilapit ko ang ulo ko sakanya.

“Ikaw ang magtatanong sakanya.” Bulong nya saakin.

Ah.

Ako pala, umayos ako ng upo at tinignan si Mavy, pag tingin ko sakanya parang nanlilisik ang mata nya. Anong problema nya?

Tch.

“May boyfriend ka na ba?” Tanong ko.

Nag-‘woah’ naman ang mga tao sa paligid. Tch. Panahon na para gumanti.

“Wala pa. Thank you for the question.” Akmang aalis sya sa stage ng magsalita pa ‘ko, hindi naman kasi yun ang tanong ko.

“Sandali, ano ang una mong tinitignan sa lalaki at bakit?” Tanong ko. Napaayos naman sya ng tayo.

“Hindi naman natin maikakaila na sabihin man ng ibang tao na ang una nilang kinikilatis sa isang tao ay ang ugali ay una pa ding naakit ang mata. Kahit sabihin mo saakin na ugali ang tinitignan mo, hindi ba kung hindi mo naman gusto ang itsura ay hindi mo din aakalaing magugustuhan mo sya? Madami dyan, friendzone kahit mabait at may respeto na, sasabihin mo pa ba saaking ugali ang una mong tinitignan? Magpapakatotoo ako, una kong tinitignan ang itsura saka ko titignan ang ugali kung tumerno sa mukha. Yun lang po, salamat.” Mabuti nalang ang ugali ko ay tumerno sa mukha.

02.Let me be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon