Ilang chapters to go. I think 2-3? +epilogue. Kasabayan ito ng timeline ng 01.
Amanda at the MM.
XXX
MAVS’ P.O.V
Kanina pa ako naghihintay dito sa may library. Sabi kasi ng magaling kong boyfriend dito kami magkita. Kanina pa kami magkatext at magkatawagan pero ni isang ‘happy anniversary’ wala man lang akong narinig mula sakanya. Nasa isang university kami para mag inquire sa isang school para sa college namin next year. Oo, graduating na kami at may isang taon na ang lumipas simula nung epic na kissing scene namin kahit hindi pa kami sa Christmas ball namin. And yeah, Christmas ball ulit kagabi pero hindi kami umattend ni Rapha. Nag sleep over lang kami sa bahay namin kasama si Chrys at Queen sa bahay namin. Syempre kasama sya, kasama din ang pinsan kong si Jared.
And yeah, Red or Jared was my cousin. Noong una pa ngang nalaman ni Raphael isang buong araw syang hindi nagpakita sakin dahil sa hiya. Ang sama daw ng mga nasa isip nya tungkol sakin tapos sya pala yung ugok. Ayun, nahiya ang balat ni kuya. Pero sinugod ko sya sa bahay nila, tawa nga ng tawa si Tito eh, yung Daddy ni Raphael, pati si Rachel, kaming tatlo ang nagbukas ng pintuan ni Raphael dahil ayaw nyang buksan. Eh partida, tatlo kami sya mag isa lang. Ayun, tumalsik sya pagbukas ng pintuan. Laughtrip nga eh. Hahahaha!
From: Baby ko <3
Mavs, can you make it sa bahay?
*ends*
Mavs? Hindi ata ako sanay. Pero, sige na nga. Agad akong umalis sa library ng school namin at bumyahe papunta sakanila.
Sa gate palang, nakasalubong ko na agad si Rachel na parang nagmamadaling lumabas. Nagulat pa nga sya ng makita ako.
“A-Ate? B-bakit ka naandito?” tanong nya.
“Ah, pinapunta ako ng kuya mo.” Sabi ko saka naglakad papasok sa bahay nila. Kapapasok ko palang ng hatakin ako palabas ni Rachel.
“Ate, tara muna? ‘Wag ka dyan please?” Sabi nya. Ha? Bakit naman?
“Yes, Babe. Kiss me more.” T-teka.
Hindi ako nagpapigil kay Rachel, agad akong naglakad papasok sa bahay nila. Nasa may sala palang ako pero kitang kita ko na ang ginagawa nila—
“Raphael. Amanda.” Bulong ko. Pero hindi ata bulong, kasi pareha silang napalingon sa pwesto ko.
Nakita kong ngumiti si Amanda saakin pero hindi ko ata kayang ngitian sya pabalik.
“Ate—mali ka ng iniisi—“ Hindi ko na pinatapos si Rachel sa sinasabi nya.
“Ahm, Rachel. Pag dumating ang kuya mo, sabihin mo dumaan ako dito ha? Sige, uuwi muna ako.” Sabi ko saka nagmadaling lumabas ng bahay nila at sumakay sa taxi pauwi.
Nangako ako sakanya na sakanya lang ako makikinig. Ipipikit ko ang mata ko…
Kahit magbulagbulagan ako.
Ganoon ko sya kamahal.
Ganoon.
XXX
Nagising ako dahil sa isang tawag kaya agad kong kinuha yung phone ko pero missed call nalang. 5 missed calls? Inaasahan kong kay Rapha galing pero hindi.
Lahat galing kay Sofia, ang bestfriend ko. Ni walang text mula sakanya? Baka walang load. Tama, baka walang load.
2 am palang ah? Bakit kaya natawag si Fia.
Nang may tumawag ulit ay agad ‘kong sinagot.
“Hello? Sofia—“
“Mavs! Bff! S-si R-rapha. Nakaalis na ng bansa. Sa America na sya mags-stay.”
Agad kong naibagsak ang phone ko. Ganun nalang yun? Walang paalam? Walang pasabi?
Sinubukan kong tawagan sya pero hindi sya sumasagot. Sinubukan kong tignan ang FB profile, emails at kung ano-ano pa pero nag deactivate ata sya ng mga ganoon dahil hindi ko na sya makita. Hindi naman nya ako siguro binlock diba?
Sa paghahanap ko sa FB may isa lang ang nakakuha ng attensyon ko. May isa akong Spam message kaya agad kong tinignan.
Amanda Fontanilla
Did he forget to say good bye? Oh sabagay, nakalimutan ka na nga nya eh. Loser.
Seen 2:22am
Rapha… sinungaling ka.
BINABASA MO ANG
02.Let me be your girl
Romance"Ang babae, dapat ginagalang. Ang babae hindi dapat pinaglalaruan." Pero bakit ganun? Sa isang tao ko lang na-aapply yan? Naturingang Cassanova, babaero at playboy, pero tiklop pag dating sakanya? Until one day, inapproach na nya mismo ako.. "Rapha...