RAPHA’S P.O.V
“Good morning Baby!” Bungad ko agad sakanya mula sa gate ng bahay nila. Sya naman tinaasan ako ng kilay.
Tignan mo ‘to, sinungitan ako agad.
“Baby naman, meron ka ba?” Hindi ko pa ata natatapos ang question mark sa tanong ko ng bigla nya kong hampasin ng sanga, buti nakailag ako. Saan nya kinuha yung sanga?! Wala naman silang puno ah!
Ayaw nyang magsalita kaya akmang yayakapin ko sya ng sumenyas syang hindi pa sya nagtutoothbrush. Halata nga, sabog pa yung buhok nya mukhang kagigising lang nya.
“So? Ano ka ba Baby, pag nagpakasal na tayo hindi nayan pwede. Araw-araw, uma-umaga mo dapat ako kausapin!” Pagmamaktol ko sakanya. Hinila naman nya ako sa loob ng bahay nila at pinaupo sa upuan sa sala.
Kakausapin ko pa sana sya ng nagmadali syang umakyat sa kwarto nya kaya naiwan ako dito. Ano bay un. Namiss ko nga sya eh. Kagabi, hinatid ko pa sya dito. Nagpakilala na ‘ko kay Mommy at Daddy. Noong una nga, susuntukin pa sana ako ni Daddy eh pero pinigilan sya ni Mommy kaya pinagbantaan nalang nila ako na ‘wag sasaktan ang anak nila.
“Oh Raphael? Ang aga mo naman ata?” Tanong ni Mommy na kapapasok lang ng bahay.
“Good morning po, ako na po dyan sa dala nyo. Sinusundo ko din po kasi si Mavs, may pasok pa po kami eh.” Magalang na sabi ko kay Mommy saka ko kinuha yung bayong na hawak nya at pinasok sa kusina.
“Mabait ka naman palang bata ka. ‘Wag lang sanang pakitang tao yan ha?” Sabi nya. Medyo natigilan ako dun.
“’Wag po kayong mag alala, kung dumating man ang panahon na iiwan ko sya, sigurado po akong may valid reason.” Sabi ko.
Hindi ko naman hawak ang kinabukasan ko, may magdedesisyon pa din nun para saakin. Para saamin.
XXX
“Babyyyyyyyyyyyyy~” Sigaw ko dito sa hallway.
“Oh?” Tanong nya sabay lapit saakin. Hindi pa ako nakakapagsalita ng biglang makarinig kami ng bulong-bulungan.
‘Bagong laruan ni Raphael.’
‘Oo nga eh, balita ko may crush si Mavylaine kay Raphael, kaya siguro pinagbigyan.’
Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng bulong ng bulong.
“Balita ko din bubuyog kayo eh, totoo pala?” Sabi ko sabay harap kay baby ko—
Asan na si Baby ko?
“Raphael.” Napalingon ako sa likod. Ayan naman pala si Baby k—
“M-may klase na ‘ko. Bye.” Sabi nya saka umalis kaso hinawakan ko sya sa kamay. Ayaw nya pang humarap saakin nung una pero pinilit ko sya saka ko hinaplos ang pisngi nya.
“Bakit? Bakit ka naiiyak ha?” Sabi ko habang hinahaplos ang pisngi nya. Ang lambot, ang cute. Namumula na yung mata nya.
“’Wag mong sabihin na nakinig ka sakanila?” Tanong ko habang pinipigilan ang mapangiti.
Namumula ang mata nya ng magiwas sya ng tingin saka nanginginig na kinagat ang kanyang labi.Literal na natawa ako sa ginawa nya kaya hinawakan ko sya sa pisngi at pinaharap saakin, ipinagdikit ko ang ilong namin dalawa saka ko sya tinitigan sa mata.
“Baby ko.” Sabi ko saka ko tinakpan ang tenga nya, pero konti lang para siguradong maririnig pa din nya ako. “Pwede bang ako lang ang pakinggan mo?” Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
Parang tumigil din ata ang pagtibok ng puso ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na hindi nya ako gustong pakinggan, na mas pakikinggan nya pa ang mundo kesa saakin.
Sa tingin nyo ba madali ang araw-araw hinuhusgahan ng tao sa paligid mo? Na sasabihan kang babaero? Natuwa ako ng magkagusto sya saakin despite ng naririnig nyang bulong-bulungan saakin kaya ganito kasakit pag sya na yung nagsara ng tenga para saakin.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa tenga nya saka ko siya nginitian. Ewan ko kung ano ang kinalabasan ng ngiti ko, sana naman hindi fail. Hahaha.
Inilagay ko sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay ko saka ngumiti ulit. Akmang maglalakad ako palayo ng hawakan din nya ang magkabilang tenga ko, sapat na para marinig ko syang magsalita.
“Ako ang magtatakip ng tenga mo, hayaan mong marinig ko ang sasabihin nila, matagal ka ng nasasaktan sa naririnig mo mula sakanila. Ako naman ang pakinggan mo ha? Kahit ano pang sabihin nila na masama tungkol sayo, ipipikit ko ang mata ko, isasara ko ang tenga ko. Bubuksan ko lang para sayo.” Sabi niya. Agad akong napangiti saka ko sya niyakap.
Minsan, ang pagmamahal ay napakakorni. Hindi ko na siguro masisi ang mga jejemon ngayon, Mavs, ikaw lang sapat na.
BINABASA MO ANG
02.Let me be your girl
Romance"Ang babae, dapat ginagalang. Ang babae hindi dapat pinaglalaruan." Pero bakit ganun? Sa isang tao ko lang na-aapply yan? Naturingang Cassanova, babaero at playboy, pero tiklop pag dating sakanya? Until one day, inapproach na nya mismo ako.. "Rapha...