[Mavs’ P.O.V]
“4G Reality Corporation how may I help you?” Pagsagot ko sa isang tawag mula sa telepono ng company namin.
“Mavs, lunch break.” Pagtawag ni Sofia sakin kaya nag ‘okay’ sign lang ako sakanya saka itinuon ang atensyon ko sa tumawag sa company phone namin.
Mga 30 seconds na ang nakalilipas pero hindi pa din nagsasalita ang tumatawag.
“Hello po? Sorry po but we are busy. If this was just a prank or so, please stop it. thank yo—“ Naputol ang sinasabi ko ng magsalita sya.
“I wanted a design for my house.” Formal na sinabi ni sir sa kabilang linya.
“Oh, okay sir. Wait po, I’ll check our architects’ free schedule so we could do a meeting with you.” Sabi ko saka ko inilapag ang phone at kumuha ng folders.
Something tells me na kilala ko yung nagsasalita sa kabilang linya pero iniling ko ng marahas ang ulo ko. 6 years na ang nakakalipas, Mavs, move on ka na diba? There is no way na si Rapha ang tumawag, masaya na yun sa piling ng iba. Probably, sa kalandian nun malamang tatay nay un eh.
Nang makuha ko na yung free schedule agad kong kinuha ang telepono at itinapat sa tenga ko.
“Sir, next week po, pwede si Architect Reyes for a meeting. Pwede nyo po bang iwan ang details nyo?” Tanong ko sakanya.
“Ah, sure. Rapha… Raphael Rodriguez.” Pagkasabi nya nun agad kong naibaba ang telepono at napatayo sa gulat.
Aba’t totoo nga naman ang sinabi ng iba ano? Na ang masamang damo, matagal mawala sa mundo.
XXX
“Te, tulala ka? Okay ka lang?” Tanong ni Sofia saakin habang nakain kami dito sa cafeteria ng office namin. Tumango lang ako sakanya at sumubo ng spaghetti.
Syempre, iniisip ko pa din yung caller nay un. Malaman laman ko lang na prank call yun makikita nya, ipapatapon ko sya sa Bermuda triangle!
6 years na akong graduate sa kursong Entrepreneurship. Ako ang nagmamanage ng company namin apat, syempre solid kami nila Sofia, Chrys at Queen. Kami ang nagtayo ng corporation na ito. All about buildings since engineer si Sofia at Architect si Chrys. 6 years na din pala simula noong iwan nya ako dito sa Pilipinas, ni hindi sya tumawag after nun.
Ang ginawa ko nun, nagpaganda ako. Nagpasexy. Nagpaputi at kung ano-ano pa. Naisip ko kasi na baka naboboring na sakin si Rapha dahil hindi naman ako kagaya ng iba eh. Sumali na ako sa iba’t ibang beauty contest. Nanalo na ko ng iba’t ibang korona, inieexpect ko na lalapit sya saakin at magbibigay ng bulaklak pero puro si Queen ang gumagawa nun para saakin. Si Sofia naman, sya ang photographer ko kaya hindi na daw sya bibili ng bulaklak. Si Chrys ang nagawa ng banner ko kaya wala na din daw syang bulaklak.
Normally, kinocomfort ako nila Sofia na hindi pa sya nakipagbreak saakin kaya wala akong dapat ipagalala, pero as years goes by na hindi sya nagpapakita, gumive up na ‘ko. Alam kong wala ng pag-asa. Kaya sinubukan kong mag move on nun, nag focus ako sa pagaaral at hindi muna nagboyfriend. And yeah, I graduated with a degree of cum laude. Successful na kahit papaano, 1 year palang kami simula ng itinayo ang corporation namin, madali namang lumago dahil may connection si Sofia sa ibang bansa.
Tama din ang basa nyong hindi ako nagkaroon ng boyfriend mula sakanya. Gusto ko din kasi munang magbreak kami officially ni Rapha bago ako magstart ng bago sa iba. Syempre, ayokong mag open ng pinto hangga’t hindi ko pa nasasara yung sugat ko sa past. Ayokong madamay ang magiging future relationship namin.
“Babae, aalis na ‘ko ha? Una na ‘ko sa taas. May titignan pa ‘kong site eh, ha?” Sabi ni Sofia. Um-oo lang ako. Saktong pag alis nya ay sya namang pagdating ni Queen galing sa vending machine.
“Oh, bakit ka malungkot?” Tanong nya saakin. Sandali…
“Nasaan na ba talaga si Rapha?” Tanong ko kay Queen.
“Ha? Akala ko moved on ka na?” tumango ako at humarap sakanya ng masinsinan.
“Oo, moved on na ‘ko. Pero hindi ko naman sya nakausap ng huli, kung hindi kayo ang nakakausap sakanya hindi ba?” Tanong ko.
“Oh eh bakit mo pa tinatanong?” Tanong nya ulit. Hay wala akong mapapala dito. Agad akong nagpaalam na babalik na sa office ko. Pagbalik ko dun, ang daming calls sa receiver kaya agad kong binuksan isa-isa. Yung iba nagfafollow up lang sa request nila pero yung kalahati ng calls ay galing sa isang kumag.
‘Ano ba? Bakit mo ako binabaan ha? Customer ako!’
‘Client pala. Hoi, sagutin mo ‘to, ipapademanda kita!’
‘Excuse me, 4G Reality corporation pero client ako. Humanda kang babae ka.’
Tsk. Kakabahan sana ako eh, pero knowing na si Raphael yun? Excuse me, itatago ko nalang ang kaba ko. Hindi sya worth it.
XXX
Pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa office ko saka ko kinuha ang bag ko at lumabas ng office. Nag overtime ako ‘till 11pm since, hindi ako makapagrelax. Baka maisip ko lang sya pag umuwi ako sa bahay.
Hindi ko na sya mahal okay? But if one day you woke up with no one sa tabi mo, probably, magtatanong ka din kung saan sya pumunta hindi ba? I wanted to ask him questions. Na sana masagot lahat ng tanong ko about sakanya.
Pagbaba ko ng building namin, magpapara sana ako ng taxi ng may biglang humila saakin at niyakap ako. Itinulak ko sya at akmang babantaan ng makilala ko sya kaya agad akong nagtawag ng taxi.
“Hindi mo na nga ako pinakinggan kanina as a client tatakasan mo pa ako as a friend?” Tanong nya. Hinarap ko sya.
“Oh tapos?” Ng hindi sya sumagot ay agad akong tumalikod at sumakay sa taxi.
“Manong, sa Star street.” Sabi ko.
Umandar ang taxi ng hindi ko sya nilingon o tinignan man lang.
Saka ko lang narealize, na hindi pa ko ready. Hindi pa ko ready na mainlove ulit sakanya.
Bakit ganito? Gusto ko syang bumalik para masagot ang tanong ko, hindi para masagot ang gusto ng puso ko.
XXX
Okay, ibash nyo ko. TT^TT
Epilogue na sa next chapter.
-E O N-
BINABASA MO ANG
02.Let me be your girl
Romance"Ang babae, dapat ginagalang. Ang babae hindi dapat pinaglalaruan." Pero bakit ganun? Sa isang tao ko lang na-aapply yan? Naturingang Cassanova, babaero at playboy, pero tiklop pag dating sakanya? Until one day, inapproach na nya mismo ako.. "Rapha...