❦❦❦
Ang tanging nakikita ko ngayon ay isang magandang hardin, puno ng pulang bulaklak at mga matataas na puno.
May malaking sapa rin sa harap ko at napakapresko ng hangin na pumapaligid sa lugar na ito. Napangiti ako at pinagmasdan ang kagandahan ng lugar na ito.
Umupo ako sa ilalim ng malaking puno sa tabi ko at pumitas ng ilang bulaklak na nakapaligid dito.
"Red spider lilies," banggit ko nang makita ko kung anong klaseng bulaklak ito.
Pansin ko lagi ko nakikita ang bulaklak na ito at parang nakatatak na siya sa memorya ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at tinignan kung na saang lugar ba ako ngayon.
"Charlie," napalingon ako sa boses na pamilyar sa'kin at agad na gumuhit ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko siya.
"Kanina ka pa ba dito? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Ah, ayos lang?" Sagot ko at ngumiti lang siya nang malambing sa harap ko, kahit hindi ko nakikita ang buong mukha niya pakiramdam ko sobrang saya ng mga ngiting binibigay niya.
Pinasandal niya ko sa balikat niya na kinagulat ko, pero agad din akong naging komportable sa tabi niya at pinagpahinga ang isip ko.
Ngunit hindi mawala ang tanong na ito sa utak ko, bakit kahit lingunin ko ang mukha niya burado pa rin ito sa memorya ko?
"Pumikit kana at magpahinga," sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.
"Salamat—" sasabihin ko pa lang ang pangalan niya kaso bigla na lang akong na padilat ng mata sabay bangon sa kama ko.
Ang bilis nang tibok ng puso ko at parang kakapusin ako sa hininga. Hindi ko alam bakit tumutulo na naman ang mga luha ko sa mata.
Bakit ganun? Parang kilala ko siya sa loob ng panaginip ko pero pag minulat ko na ang mata ko ay hindi ko na alam ang pangalan niya.
Binuksan ko ang lampshade sa side table ko at kinuha ang notebook ko sa drawer, binuklat ko ito at hinanap ang drawing ko.
Pagkakita ko sa imahe niyang ginuhit ko ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko, dare-daretsyo na ito sa mga pisnge ko at sobrang bigat na ng pakiramdam ko.
Hindi pa kumpleto ang drawing ko sa kaniya dahil hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya, pero nang makita ko ang ngiti sa mga labi niya sa papel na ginuhitan ko.
Alam kong importante ang lalaking ito, alam kong mahalaga siya sa'kin. Hindi ko alam kung noon ko ba siya nakilala o ngayon pero gusto ko siya makita at makilala.
Hindi lang sa parte ng panaginip ko kung hindi sa mismong buhay ko ngayon.
Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas ng kwarto, pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig para mapakalma ko ang sarili ko.
"Hays" buntong hininga ko at umupo sa harap ng lamesa sabay salumbaba doon. Tumingin ako sa orasan at nakitang madilim pa sa labas.
"Five AM, girl sabado ngayon." Banggit ko sa sarili ko dahil ang aga ko na gising kahit na wala naman pasok ngayon.
Napabuntong hininga na lang ulit ako at pinagmasdan ang pagsikat ng araw sa malaking bintana namin. Para akong na nonood ng sine sa laki ng bintana at kitang kita ko ang pagsilip ng liwanag mula sa matataas na building dito sa Central City.
BINABASA MO ANG
Re:wind
FantasyMatapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na walan ng memorya. Iyong mga lumipas na buwan ay parang lumipas na taon sa puso niya dahil sa kakulang...