CHAPTER 15

1.6K 118 13
                                    

❦❦❦

Days past, halos dalawang araw kaming walang pasok dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyo.

Sa mga araw na iyon ay nagpagaling na lang si Kei sa loob ng unit at tahimik kami sa ano mang usapan tungkol sa mga nangyari nung gabing iyon.

Ayoko magsalita o ibalik man lang ang usapan doon kaya naman itinikom ko na lang ang bibig ko at kinalimutan ang mga nangyari dahil sa sobrang hiya ko.

Sana kainin na lang siya ng lupa pag inungkat niya pa ang topic na 'yun.

"Charlie, ayos ka lang ba?" Tanong ni Janelle sa'kin habang takip-takip ko ang buong mukha ko.

Pakiramdam ko kasi ay na mumula na ko sa pag iisip ko ng pangyayaring 'yun, sa lahat ng naging ex ko wala pa kong nakahalikan or what so ever, puro dates,hug and holding hands lang ang narating ko.

Ni wala pa kong nakikitang katawan ng lalaki pwera na lang 'yung mga naka brief na model sa mga catalog na inoorderan ko.

Kaya halos tumatak sa'kin ang imaheng iyon ni Kei habang basa ang buhok niya at kitang kita ko ang kalahati ng katawan niya.

"Problemado lang sesh," sagot ko sa kaniya at tumaas lang ang isang kilay niya bilang pagtataka.

"You sure? You look red," banggit niya at umiling na lang ako bilang tugon at humarap muli sa computer saka ginawa ang trabaho ko.

"Ang weird mo, ngayon." Habol niya pa at bumalik na lang din sa pagtatrabaho ngunit bigla kaming napatingin sa pintuan ng office ni Kei.

Sa lumipas na buwan kong nagtatrabaho rito ay ngayon ko lang siya na kitang lumabas sa office niya in working hours.

Kaya halos lahat kami ay napatingin sa kaniya at napanganga dahil sa gulat, 'yung iba kinakabahan dahil hindi naman ugali ng director namin lumabas sa office niya at baka mag matyag pa siya samin habang nag tatrabaho, syempre pressure sa iba iyon na hindi siya kilala at alam na istrikto siya.

"Yes sir? May kailangan po ba kayo?" Tanong agad ng department head namin at umiling siya sabay tingin sa pwesto ko at biglang nagtama ang mga tingin naming dalawa.

Bigla kong iniwas ang mga mata ko dahil sa kaba, siraulo ba siya? Bakit niya ko titignan sa harap ng buong office?

Baka ano isipin nila at pagmulan pa 'to ng issue!

"Nothing, just want to take a quick look sa department niyo," he said at halos lahat kami kabado na.

"Ah okay sir, let me accompany you," sabi ng department head namin ngunit umiling siya at nag simula nang maglakad.

"No thanks, just do your work." Naglakad siya at halos isa isang kinakamusta ang mga employee niya.

Nanibago silang maigi sa kaniya at miske ako ay naninibago sa pinag gagawa niya, wala ba siyang sariling trabaho para asikasuhin at intindihin ang trabaho ng iba?

"Bakla, ano itsura ko?" Tanong ni Janelle at na kita ko siyang naka-lipstick, pak na pak pa 'to at halos mamula ang labi niya sa kapal ng pagkakalagay niya.

"Parang medyo sobra," banggit ko at muli siyang humarap sa salamin saka tinignna ang itsura niya.

Ako naman ay hindi maiwasang isipin kung maganda rin ba ako sa paningin niya pag pinuntahan niya na ang desk ko.

Re:windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon