CHAPTER 17

1.6K 136 53
                                    

❦❦❦

Pinagpapawisan ako kahit na sobrang lamig ng unit namin, halos hindi ako makatingin sa kaniya ngayon at kabado sa bawat salitang bibitawan niya.

"Hey, you okay?" Tanong niya at napakamot ako ng ulo habang yakap niya pa rin ang bewang ko.

"Kung bibitawan mo ko?" Tanong ko at nag lean siya sa'kin sabay bulong.

"Ikaw ang na una remember, now can you answer my question?" Ano ba ulit 'yung tanong niya? Bakit ba ulit ako andito? Sino nga ba ulit ako? Ha?

"Ano?" Tanong ko at nagbuntong hininga siya sabay bitaw ng pagkakapit sa bewang ko.

"Nagbibingi-bingihan ka ba? Oh gusto mo matanggalan ng trabaho?" Napatingin ako sa mukha niya.

Luh seryoso ba ang isang 'to? Bina-block mail niya ba ko?

"Lah ang daya mo naman, ulitin mo na lang 'yung tanong mo medyo kabado lang ako boss," sagot ko at tumawa siya, napangiti rin ako sa mga ngiting binigay niya, parang nakakahawa kasi.

"I said, can you be my girl? Girl friend ba ganun?" Tinagalog niya pa talaga kaya na tawa ako, umakto akong nag iisip kunware hindi ko gusto kasi syempre pabebe muna tayo ng kaunti at dapat pa hard to get tayo sabay sagot nang—

"Okay," joke lang ayoko na magpabebe pag gusto mo go na agad.

"Talaga?" Nag ningning 'yung mga mata niya na ngayon ko lang nakita, para siyang bata na binigyan ng candy.

Tumango ako at bigla niya na naman ako niyakap ng mahigpit.

"Let me announce this," nanlaki ang mata ko at hinila ang tenga niya sabay tingin niya ng masama sa'kin.

"Bakit? Ano na naman ba?" Tanong niya at umiling ako.

"Let's keep it private, kaka-announce mo lang na childhood friend mo lang ako remember? Ikaw ang nagsalita niyan kaya wag mong hayaan na kainin mo 'yung mga sinabi mo." Napakamot siya ng ulo.

"Ayoko lang kasi na may umaaligid sayo, lagi na lang." kumunot naman ang noo ko, anong pinagsasabi niya.

"Anong lagi na lang?" Hindi niya ko pinansin at niyakap lang ako nang mahigpit, hindi ko alam bakit parang ang komportable ko sa piling niya, agad-agad na para bang matagal na namin ginagawa ang bagay na 'to, hindi katulad ng mga past exes ko halos kilabutan o mailang ako sa kaniya pero kay Kei, pakiramdam ko sanay na ko sa piling niya.

"Charlie, gusto ko i-celebrate ang first day na'tin bilang in relationship. Kaya magbihis ka na at kakain tayo sa mamahaling restaurant," banggit niya at umiling ako, baka singilin niya pa ko sa bayad mas mabuti ng dito na lang sa bahay.

"No, ayoko alam ko nang mayaman ka kaya dito na lang tayo sa unit at wag na umalis, manood na lang tayo ng volleyball kasi finals na mamaya." Banggit ko at nag cross arm lang siya sa harap ko.

"Ayaw mo ng beef? Premium beef from a five star restaurant?" Tanong niya at na palunok naman ako, sinusubok talaga niya ang pasensya at limit ko.

"No, kailangan ko mapanood ang number twenty one ko," sabi ko ngunit biglang sumama ang mukha niya at tumingin sa'kin ng seryoso.

Re:windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon