❦❦❦
Nakaupo kaming dalawa sa bench habang pinagmamasdan ang mga tao sa parke malapit sa building naming dalawa.
Tahimik lang kami at nakikipag-pakiramdaman sa isa't isa. Walang umiimik at parang nagpapahinahon muna kaming dalawa.
Lumipas na ang ilang oras nung mangyari ang lahat kanina sa office, madaming nagtaka sa mga kinilos naming dalawa ngunit nung bigla akong mawalan ng malay ay parang na matay na rin ang usapang nakapukol sa amin.
Dalawang oras daw ako na nasa clinic at nung magising ako malapit na rin kaming mag siuwian kaya naman hinayaan ko na lang ang sarili kong mag isip doon kesa naman paulanan nila ako ng tanong.
Na gulat na lang ako ng puntahan niya ko sa clinic at makita siyang naka formal suit at naka brush up hair.
Gusto kong tumawa nung una pero na takot ako dahil boss ko pala ang kaharap ko.
At ngayon, ito kaming dalawa nakaupo sa park at nagpapalipas ng oras.
Hindi ko alam kung sino ang unang mag sasalita o magtatanong saming dalawa. Tahimik lang kami at pinapakiramdaman ang bawat isa, pero na isip ko nang patayin ang katahimikan at magtanong sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko sa kaniya at tumingin lang siya sa'kin.
"Bakit nagtanong ka ba?" Sarkastiko niyang sagot at nayukom ko ang kamao ko sa gigil.
Abnormal talaga ang isang 'to, pano ko naging boss 'tong lalaking 'to.
"Kahit na, dapat sinabi mo pa rin sa'kin na boss pala kita. Kung ano anong kagagahan na ang ginawa ko sa harap mo, nakakahiya sayo." Banggit ko at hindi ko alam kung tatawagin ko ba siyang boss o lalagyan ng Sir ang bawat dulo ng salitang sasabihin ko.
"Eh hindi ka naman nagtatanong, akala ko wala kang pake kaya na walan na rin ako ng pake." Sabi niya sa'kin at sumalumbaba lang sa harap ko.
"Alam mo Charlie, mas okay nang wala kang alam paminsan minsan para magawa mo 'yung mga bagay na gusto mo, walang pipigil sayo." Napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa malayo.
"Kung sinabi ko sayong boss mo ko baka hindi mo hinayaan na tulungan kita." Sabi niya at napabuntong hininga ako.
"Bakit mo nga ba ginagawa 'yun?" Nagbikit balikat siya.
"Kasi ikaw si Charlie?" Tanong niya sa'kin at nagtaka na lang ako sa sinasabi niya.
"Bakit naman? Ano naman ngayon kung ako si Charlie?" Gusto kong hulihin ang mga isasagot niya sa'kin, kung ano ba talagang pakay niya at kung sino ba talaga siya.
BINABASA MO ANG
Re:wind
FantasyMatapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na walan ng memorya. Iyong mga lumipas na buwan ay parang lumipas na taon sa puso niya dahil sa kakulang...