Aviana's POV.
Natapos ang hapong iyon at pumayag si Sherwin na samahan niya ako sa mall para makabili ng grocery ko sa apartment. Sa pagdating namin ng mall ay halos manlaki ang mata ko na angdaming taong nasa labas!
"Ay teh, mukhang sarado ang mall ah." sambit ni Sherwin. Napalingon ako sa mga taong parang nagsisigawan sa loob ng mall. Nakiusyoso ako at nakisiksik na rin malapit sa entrance ng mall.
"Wala namang holiday ah? Bakit sarado ang mall?" tanong ko pa.
'GUSTO KO SIYANG MAKITA OH MYYYY!'
'AKO DEEEEEN!'
'SIGE NA NAMAN OH KUYA MAGPAPAPICTURE LANG NAMAN KAMI!!!'
'SIR CASSIDYYYYYY!'
Napintig ang tenga ko at nilingon ang salming masa pagitan nitong labas at loob, nakita ko doon si Grey na pinapalibutan ng maraming body guards.
"OHMYGHAAAAAAAAAAAD! SI GREY CASSIDY NGAAAAA!" nakisigaw na rin si Sherwin habang hawak ang phone niya.
Nagsimula na siyang kumatok sa babasaging salamin at ako naman ay napapangiwi sa mga babaeng nagsisigawan sa tabihan ko. Kuyog na kuyog ako dito pag nagkataon.
Kumakalam na din ang sikmura ko! WOW HA! PARA SA ISANG TAO ISASARADO NILA ANG MALL?! SERYOSO BA TALAGA SILA?! EH ANG PRESIDENTE NGA KAHIT MAKISALAMUHA SA MGA NASASAKUPAN NIYA HINDI IPINAPASARADO ANG MALL!
Napairap na lang ako at akmang aalis ng may humila sa kamay ko, nanlamig ang katawan ko at hindi alam ang sasabihin. YUNG BODYGUARD LUMABAS!!!! HAWAK NGAYON ANG KAMAY KO!!!
"Kuya makikibitaw po hehe." pilit kong tinatanggal ang kamay ko.
"Kayo po ba si Aviana Lopez?" tanong ng guard na ikinatahimik ng ilan kong katabi, maging si Sherwin.
"O-Opo...—EH?!" nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako papunta sa loob at naiwan si Sherwin sa labas.
"Sherwin!" tawag ko pa. Nagtataka ang mga tao sa akin kung bakit ako hinila ng guard na ito. Maski ako rin naman ay nagtaka at kinilabutan.
"It's nice to see you again..." napakalayo ng agwat namin ng lalaking ito pero sapat na ang boses niya para mapakinggan ko.
"Ano na namang kailangan mo? Naiwan yung kaibigan ko sa labas oh." turo ko kay Sherwin pero hinila din siya ng guard ng mall paloob.
"Ay bongga! Nominee din ba ako bilang wife mo Mister Cassidy?" kinikilig na tanong ni Sherwin at lumapit sa akin.
"Nah. Nakita ko lang kayong hirap na hirap sa labas, nandito din ba kayo para mag-grocery?" tanong ni Grey.
"Hindi, nandito kami para magswimming... balita ko may swimming pool daw sa rooftop eh." sarkastikong sagot ko.
Naglakad siya papalapit sa amin at nakasunod naman sa kanya ang mga bodyguard niya. Nakaramdam na ako ng kung anong hiya dahil sa ginawa ng lalaking 'to.
"Let's do some groceries, waitress." nakangising saad niya at tinalikuran ako kasama ang mga bodyguards niya.
"Talaga bang ganyang kaimportante ang tingin mo sa sarili mo? Pati mall ipapasara mo para lang sa'yo?" tanong ko at hindi pa rin gumagalaw sa tayo ko.
"Mabuti nga at nakapasok ka kasama ako." sagot niya.
"Wow, iba din pala ang ikot ng utak ni Mr. Billionaire..." bulong ni Sherwin sa akin.
"Madaming tao ang gustong mag mall para maglibang, kumain at magshopping tapos dadating ka at sisirain lang yung araw nila? Wala ka bang konsiderasyon?" inis na tanong ko.
"I will do everything i want." napangisi ako.
"Gago." lakas loob na sagot ko. Mabilis na itinutok sa akin ng mga bodyguards niya ang baril ng mga ito. Maraming nagsigawan sa labas pero nanatili akong kalmado.
"Hindi purkit mayaman ka at maraming kayang bilhin ay kaya mo na ring kontrolin ang tao. Tao ka pa rin naman, ang kaso pera na lang ang gumagana sa'yo at hindi ang tunay mong pagkatao." sagot ko.
"Why is that? Bakit ang init init ng dugo mo sa akin? Anong ginawa kong mali? I'm a private person Lopez, be thankful dahil madami akong taong tinatanggihan." nagsimula na namang mawalan ng emosyon ang mukha niya.
"At dapat ko na bang dapat ipagpasalamat 'yun? Madami din naman akong taong tinanggihan pero hindi ko pinagpasalamat si Sherwin na naging kaibigan ko siya." pambabara ko.
"Please accept my PRIVATE invitation Lopez... let's do some groceries together." pinakalma ko ang sarili ko at naglakad na lang papalapit sa kanya.
"Close talaga kayo?" tanong ni Sherwin.
"Hindi/No." sabay kaming nagsalita ng lalaking ito. Ramdam ko ang hiya sa buong katawan ko dahil sa ipinapakitang tingin na iyon ng mga sellers at staffs ng iba't ibang stores ng mall.
'Baka pinsan...'
'O kaya girlfriend...'
'Maganda din yung girl oh...'
'True beh, sana all...'
"You should be proud of yourself, tinatawag ka nilang maganda." halos maduwal ako sa lalaking ito.
"Yeah right, dito yata lumaki yang ulo mo." sagot ko.
"Sa taas o sa baba?" halos lahat ng kasabay namin sa paglalakad at bahagyang natawa.
"Ganda! Linawin mo kasi, meron din akong ulo eh." tuluyan ng tumawa ang mga bodyguard ni Grey.
Nangunot ang noo ko. Nakakapagtakang hindi niya sinusuway ang mga bodyguard niya sa pagtawa.
"I'm not a strict Boss, always remember that." sambit ni Grey ng mapansin ang tingin ko sa mga bodyguards niyang tumatawa.
"Tinanong ko ba?" bara ko.
"Share ko lang." pinigilan kong hindi ngumiti dahil sa sinabi niyang iyon.
Bakit kakaiba ang dating mga salitang yun sa kanya?
"Taray, parang magpinsan lang po kayo Mister Cassidy." sabad ni Sherwin.
"Magpinsan lang? Hindi ba mag-asawa?" banat ni Grey na nakapagtigil sa akin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Queen [Completed]
RomantikSa katayuan ng buhay ni Avianna Lopez ay masasabi niyang isa siya sa pinakamalas na tao sa buong mundo, kung kaya't naisipan niyang magtrabaho at magbanat ng buto upang masustentuhan ang sarili sa kabila ng paglayas niya sa poder ng kanyang tiyahin...