Aviana's POV.
"Ang bobo mo sa part na 'yun teh! BWAHAHAHAHAHAHA!" halos mabingi ako sa tawa nina Sherwin ng ikwento ko sa kanila ang pag-uusap namin ni Grey.
"A-Ano ba kasing malay ko sa modeling na 'yan?" sagot ko.
"Uso kasing 'di umimik beh, na hopia ka tuloy. 25% turned off si Mr. Cassidy sa'yo." natatawang sagot din ni Jessa.
"Ka-Kasalanan ko bang may ibang ibig sabihin yang modeling na 'yan atsaka— HOY! Wala akong pakialam kung ma-turn off sa akin yung lalaking yun noh, para namang ikamamatay ko."
"Pero aminin... nagiging close na kayo ni Mr. Cassidy. Kung ako sa'yo aakitin ko na para maging mayaman na ako at magka-asawa ng ganung kagwapo at kayaman." sambit ni Lilac.
"Edi asawahin mo." sagot ko at kinuha ang tray na naglalaman ng tatlong tasa ng kape.
"Let's go." halos mapatalon ako sa pagsalubong sa akin ni Grey.
"Ano ka ba naman?! Paano kung naitapon ko 'to sa mukha mo? Edi lapnos yang balat mo? Ba't ka ba nanggugulat ha?!" anas ko.
Nakita ko na naman ang walang kwenta niyang mukha.
"Let's go." nangunot ang noo ko at nilingon siya.
"May trabaho akong bangag ka, ayokong gumala ngayon." sagot ko at isi-nerve ang mga order.
"Ipinagpaalam kita kay Ismael." nilingon ko si Ismael na suot ngayon ang apron na may tatak nitong logo ng coffee shop.
"Tsk, saan ba kasi tayo pupunta? Daming arte eh." sagot ko.
"Sa kompanya ko." nanlaki ang mata ko.
"Ayoko dun."
"Pero dun ka magtatrabaho." napaungos ako at tamad siyang nilingon.
"Ba't kasi dun pa." reklamo ko at sinundan si Grey habang hinuhubad ang apron ko, ihinagis ko iyon kay Sherwin na natamaan naman sa mukha ng apron ko.
"Ang bastos ah!" reklamo ni Sherwin na nginisihan ko lang.
'Oh my ghaaad, ang daming pogi sa coffee shop na 'to.'
'Nandito din si Mr. Cassidy.'
'Ang gwapo talagaaaa.'
"Rinig mo ba yun?" napapangiwing tanong ko kay Grey ng makalabas kami ng coffee shop.
"What?"
"Yung bulungan ng mga tariray na nasa coffee shop?"
"Bulungan ba yun? I thought they are my spazzers."
"Ulol ka. Napakawalang kwenta mong kausap."
"And you think you make a sense?"
"Psh—"
"By the way, napag-isipan mo na ba kung saang bill board structure mo gustong maging bill board?" nakita ko ang pagngisi niya.
"Nang-aasar ka ba?!" pigil inis na tanong ko ng makasakay kami sa kotse.
"I'm just asking? Pinapipili kita okay, what do you want to be a bill board or to be a model."
pinanliitan ko siya ng mata."Papipiliin din kita, anong gusto mo? Maging malaya o maging CHOPPING BOARD?" tanong ko.
Bwiset na 'to! Kapag ako tumalino who you 'to sa'kin!!!
"I prefer na maging malaya at least hindi ako magiging chopping board." nangunot ako ng makita ko kung saan nakatingin ang mata niya.
"ABA'T!!! HOY! PARA SABIHIN KO SA'YO HINDI AKO FLAT!! ALWAYS REMEMBER NA SIZE C! SIZE C! SIZE C!" sandaling katahimikan...
"So... you're size c?" mas lalo akong nalito ng tingnan niya ang kanyang palad. Nilingon niya ako na ikinakapos ko ng hininga...
Napalingon ako sa driver nitong kotse pero nakangiti lang at nakapokus sa daan.
"Hoy! Tumigil tigil ka! Alam ko na yang nasa isip mo! Ibaba mo na ako! Babalik na ako sa shop." singhal ko pero tumawa lang si Grey at umiling.
"I thought matapang ka? What happened to your stoic face?" tanong niya.
"Matapang ako oo, pero sa manyak na katulad mo sarap mong ibarog." sagot ko.
"Sir, nandito na po tayo." napalingon ako sa driver ng kotse. Nang makababa kami ay halos lumuwa ang mata ko sa taas at ganda nitong building!!
"Welcome to G.C Corporation." pagpepresenta ni Grey.
Hahanga na sana ako ng makita kong walang katao tao sa loob ng kompanya, tanging mga naglilibot na guards lang at janitor ang nakikita ko.
"Group Chat Corporation?" tanong ko pero halos mapatampal muli si Grey sa noo niya.
Eto na naman tayo sa kabobohan Aviana!!!!
"How is this even possible? It's a fucking Great Cosmetics Corporation, Aviana." sagot ni Grey.
"Anong alam ko sa kompanya mo eh hindi naman ako gumagamit ng make-up?" tanong ko.
Baliw na 'to.
"It's not all about make-up Aviana, it's all about fashion." napanguso ako at sinundan siya.
Sa pag-akyat pa lang ng stairs ay halos mabaliw ako sa linis at kintab ng marmol na tinatapakan ko. Sa ganda ng mga glasses na halos pwede ko ng iuwi para pagsalminan.
"Nasa 45th floor pa ang studio, you want to go upstairs?"
"Oo ba, basta gamit elevator. Hindi makakaya ng paa ko ang ganu'ng kataas, pwera na lang kung ikaw si Spiderman pa-washeng washeng ka lang sa pader diba." sagot ko.
"Ang dami mong nasabi, i'm just asking you if you want to go upstairs." natatawang saad niya.
"Psh..." sagot ko at sumunod sa kanyang pumasok ng elevator.
Katahimikan... parang ano mang oras ay kakapusin ako ng hininga dahil kaming dalawa lang ng lalaking ito ang nasa elevator.
"Hindi mo ba na realize, tayo lang dalawa sa elevator? Paano kung may gawin akong masama sa'yo dito?" napangisi ako at nginitian siya ng pagkalaki laki.
"Alam kong hindi mo gagawin 'yun dahil ngayon pa lang pinagkakatiwalaan na kita..." sagot ko. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya...
May sinabi ba akong mali?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Queen [Completed]
RomanceSa katayuan ng buhay ni Avianna Lopez ay masasabi niyang isa siya sa pinakamalas na tao sa buong mundo, kung kaya't naisipan niyang magtrabaho at magbanat ng buto upang masustentuhan ang sarili sa kabila ng paglayas niya sa poder ng kanyang tiyahin...