Grey's POV.
Umalis siya. Iniwan kami sa shop na 'to, ang i'm sure she's in pain right now. Ano nga bang magiging reaksyon mo kung bumalik ang taong inapakan ang pagkatao mo matapos ng pinagsamahan ninyo.
"She still doesn't get it." nilingon ko si Gabriel at nginisihan.
"It is because hindi mo pinapaintindi sa kanya, why so selfish Gabriel? Bakit hindi mo nga ipinaglaban ang relasyon niyo? Paano mo natiis si Aviana eh kung ganu'ng mahal mo naman pala siya hanggang ngayon?" tanong ko.
"Wala kang alam."
"Siguro wala akong alam, pero may pandama at pang-intindi ako... at sa kaso mo pati ni Aviana, nasasaktan ka pero mas nasasaktan siya. Binabalewala niya kasi ang akala niya nakamove on na siya but the truth is hindi pa. Well.... i need to go—" naramdaman ko na lang ang kamao ni Gabriel sa mismong pisngi ko na ikinaalerto ng mga bodyguards ko, pinigilan ko sila.
"Mr. Cassidy!" gulat na sambit pa nina Sherwin.
"WALA KANG ALAM KAYA MANAHIMIK KA! BAKIT BA NAKIKISALI KA EH BILYONARYO KA NAMAN HA?! SA TINGIN MO BA GINUSTO KONG PAGSALITAAN SIYA NG GANO'N HA?! SA TINGIN MO BA BASTA BASTA KO NA LANG SIYA IIWAN?! KUNG PWEDE LANG LAYUAN MO SI AVIANA DAHIL HINDI MO NAMAN SIYA GUSTO DIBA?! ANO BANG PAKAY MO SA KANYA?!" singhal niya habang inaawat siya nina Ismael sa pagsugod sa akin.
"As what I've said.... i LOVE the way how she express her feelings and personality. Na sa'yo na kung ano bang klaseng pag-intindi ang ginagamit mo." umalis ako at nagsimula ng lumabas ng shop.
"Ayos lang po ba kayo Sir?" tanong ng isang kong bodyguard at ibinigay sa akin ang panyo para sa dumudugo kong labi.
"I'm fine." walang ganang sagot ko at pinahiran ang labi ko.
Nilingon ko ang parking lot at mukhang wala na dito si Aviana.
Where the fuck is she? I need her para sa magiging trabaho niya bukas sa akin. Napalingon ako sa hindi kalayuan at doon siya nakita. Nakaupo siya sa ilalim ng puno at nakatingin sa malayo.
"Babalik ako diyan, kakausapin ko lang si Aviana." sambit ko pa sa dalawa kong kasama at lumapit sa babaeng ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
I simply sigh and lend her my hand, she raise her eyebrow and look at me.
"Ginagawa mo?" she asked.
"Hold my hand and stand up." nilingon ko pa ang paligid para masigurong walang taong makakakita.
Nagulat na lang ako ng tumayo siyang MAG-ISA at hindi tinanggap ang kamay ko. Napakurap pa ako ng makita ang walang reaksyon niyang mukha.
"Gusto ko sanang tigilan niyo na ang walang kwentang challenge na 'yan, ayokong madamay ako at ayoko ding madamay ka. You're a billionaire Mr. Cassidy, everyone knows it. Ang isang billionaire na katulad mo ay hindi dapat naglalabas at nakikisalamuha sa tulad namin. Hula ko rin na napakadaming threats sa buhay mo but you're still intended to be with us. Paano kung masamang tao pala kami at may pagtatangka sa buhay mo?" wika niya na ikinailing ko.
"Pero hindi mo naman gagawin 'yun diba?" tanong ko.
"Hindi ko gagawin pero hindi rin ako nakakasigurado. Just please—"
"Paano yung 1 week ko sa'yo?" pigil ko.
"Well then i'll give you the one week that you want, pero wag mong aasahang magiging close tayo sa loob nun." sagot niya.
"How about your ex?" nanatiling blangko ang ekspresyon niya..
And it's so fucking SUDDEN!!! Hindi ako sanay na hindi siya nagbibigay ng reaksyon.
"Wag ka na lang manghimasok dun, diba hired na kamo ako sa kompanya mo? See you bukas." mabilis niya akong iniwan at hindi man lang nakakasagot sa sinabi niyang iyon.
Napapikit ako at pumasok na sa kotse ko.
"Sir, saan tayo ngayon?" tanong ng driver ko.
"Company." napabuntong hininga ako ng masabi ko iyon.
"Mr. Cassidy, madami ng nagpupull-out na investors sa kompanya. Ano pong gagawin natin ngayon?" bungad ni Andrew na isa sa mga secretary ko.
"Let them be." sagot ko.
"Pero sir...—" mabilis kong ikumpas ang kamay ko para manahimik siya at hinintay na makataas ang sinasakyan naming elevator.
Agad akong nagdiretso sa conference room at doon ko nakita ang mga nagkakagulong investors ng kompanya ko.
'Hindi na ako makakapayag na ganito ang mangyari!'
'Tama! 'Ni wala ng models sa kompanyang ito!'
'Everything is just a chaos!'
'This company is a disaster!'
"Go ahead and pull out, wala akong paki-alam..." nanatiling walang takot sa loob ko.
"Talagang aalis na kami sa kompanyang ito Mr. Cassidy! Lahat ng pinaghirapan ay nawala lang, lahat na lang para sa'yo ay sisiw! Sabagay mayaman ka nga naman! Kayang kaya talaga naming umalis!" napangisi ako.
"At kayang kaya ko din kayong hindi pabalikin if i want to. You're not a threat to me, kung gusto niyong mag-pull out then go... pero kapag umangat lalo ang kompanyang ito, i'll assure you that ALL OF YOUR COMPANIES WILL SHUT DOWN IN JUST MY SNAP. Of you go, ladies and gentleASSES." halos lahat ay napasinghap at nagulat sa tinuran ko.
"By the way— hindi kayo kakulangan. Kung may magpupull-out pa better leave, ayokong nadudungisan ang sahig ng kompanya ko dahil sa napakadudumi niyong sapatos at mabahong pag-uugali." dagdag ko at nauna ng lumabas sa kanila.
Pieces of scumbags and gold diggers. All they want is my money and the popularity of my company. At hindi nila ako masisisi dahil ipinakita nila sa akin ang pag-uugali nila.
"Sabihin mo sa mga valets natin na ipagtatapon ang susi ng kotse sa harap ng kompanya, paghalu-haluin kamo para mas masaya." utos ko kay Andrew.
"Ngayon na po Mr. Cassidy?" tanong niya.
"Yeah." sagot ko at muling lumabas at bumaba ng upperground.
Halos lahat ng empleyado ng kompanya at napalingon sa labing-apat kong investors na nagpull-out, nagwawala ang mga ito at hinahanap ang kanilang mga susi.
Lumapit sa akin ang mga valets at bahagyang yumuko. Ibinigay sa akin ng isa kong bodyguard ang mega phone na kaagad ko namang kinuha.
"As what I've said in the contract... once you pull-out there's no turning back, and once you stepped out in my company the connections are simply cut off. Enjoy your day, ex-investors." sagot ko at iniwang nagpoprotesta ang labing-apat na iyon.
Nilingon ko ang mga taong hanggang ngayon ay nakikiusyoso pa sa labas, agad ko silang tinaasan ng kilay na ikinabalik nila sa pagtatrabaho.
"Sir... paano na ang mga investors natin? Wala tayong katulong sa pagpapa-angat ng kompanya." tanong ni Andrew.
"Shut down this fucking company."
"S-Sir?!" gulat na sambit niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Queen [Completed]
RomanceSa katayuan ng buhay ni Avianna Lopez ay masasabi niyang isa siya sa pinakamalas na tao sa buong mundo, kung kaya't naisipan niyang magtrabaho at magbanat ng buto upang masustentuhan ang sarili sa kabila ng paglayas niya sa poder ng kanyang tiyahin...