Aviana's POV.
"Eh gusto ko pang mag-stay dito." inis kong inayos ang kama ko.
"At ayokong nandito ka, kaya umuwi ka na." sagot ko. Kanina pang natapos ang pagkakape ng lalaking 'to pero halos alas dose na ay balak niya pa ring mambwiset.
"Ba't mo kasi ako dinala dito kung ayaw mo naman pala ako dito." naupo siya sa kama.
"Grey umalis ka diyan inaayos ko tong kobre kama." inis na sambit ko at itinulak siya dahilan para mahulog siya sa ibaba.
"Masakit 'yun Misis ko!" pang-aasar niya pa.
"Pake ko?" pambabara ko at umupo sa aking kama.
"Dito na kasi ako matutulog, ayoko naman dun sa salas mo. Ang tigas tigas sa likod ng mga foam." sagot niya. Napairap ako.
"Arte mo naman! Ba't kasi hindi ka na lang magpasundo sa mga bodyguards mo?" tanong ko.
"Talaga bang nag-iisip ka? Edi nagtaka yang mga kapitbahay mo kung bakit may bodyguard dito." napaisip ako.
"May tama ka pero kasi ayaw kitang kasama dito sa apartment ko." gitil ko pa.
"Kasalanan ko bang dinala mo ako dito?"
"Kasalanan ko bang nag-inom inom pa kayo?"
"Kasalanan ko bang gusto ka nila?!" natahimik ako.
"Ano ba kasing pakay mo at pati ikaw ay sumali dito? Knowing a LOT of people like you, hindi ka magsasayang ng oras sa katulad ko dahil mas marami pang better sa aking babae... at mas maganda."
"They have no sparks."
"Ampota! Sparks pala ang gusto mo ba't hindi ka bumili ng glitter para talagang shining, shimmering, splendid diba?" sarkastikong tugon ko na ikinatawa niya.
"Yan, yang ganyang ugali kasi ang hanap ko. Fuck phyiscal appearance, fuck judgemental people, fuck bullies, eh sa'yo lang naman ako naging interesado... wala silang magagawa dun."
"So, gusto mo nga ako?" tanong ko. Kasi napakahirap niyang intindihin!
"Being interested is different from being liked by someone, interesado ako dahil sa totoo mong pagkatao... at kung magugustuhan man kita sisiguraduhin kong aasawahin na din kita." napakurap ako.
"Ayos ka din ah, kapag mahal mo tsaka mo na asawahin." sagot ko.
"So, kailangan na ba kitang mahalin para maging asawa na kita?"
"Alam mo napaka-laki mong EPAL." sagot ko at inismiran siya.
"Ikaw ang mah kasalanan, you're the one who started it first. Hindi mo ako kinakausap ng ayos kaya ang sagot ko... hindi din ayos."
"Umalis ka na nga kase!"
"Ayoko."
"At bakit? Eh diba sabi mo mabaho at maliit ang apartment ko."
"I'm just stating the fact." sagot niya na tinawanan ko.
"FACTyou! Tutulog na ako, diyan ka sa salas magdusa ka!"
"I'm your visitor Aviana, spare me... hindi ako sanay humiga sa ganu'ng sofa."
"Ba't kasi ang arte arte mo, dito ka na nga! Dun ako!" kinuha ko ang isang unan at akmang lalabas ng sumunod siya.
"Ano na naman?" dagdag na tanong ko.
"Hi-Hindi ako makatulog kapag madilim." napatampal ako sa noo ko.
"Malamabg magiging madilim kasi nga nakapikit ka."
"I mean, i ha-hate... dark p-places." napakurap ako at tahimik na binuksan ang ilaw.
"Takot ka sa dilim? Bakit?" tanong ko.
"I just hate dark, t-that's it."
"Yaaaaah, takot ka sa multo sabihin mo."
"Hindi ako takot sa multo or what, i just hate darkness."
Mr. Billionaire weakness no. 1- Ayaw niya sa dilim. Maski ako din naman pero kasi kakaiba yung dating ng ibig niyang sabihin sa akin. Gusto ko mang itanong mas mabuting wag na.
"Well then, matulog ka na Mr. Billionaire. Dito ako sa sofa KO at dun ka sa kama KO."
"Para namang aagawin ko ang kama MO. Fine, thank you. Goodnight." napailing ako at nahiga na sa mahabang sofa na ito. Pinatay ko na din ang ilaw dito sa salas at siya naman ay pumasok na ulit sa kwarto ko.
Napabuntong hininga ako at napaisip sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Pakiramdam ko napakadami ko pang kailangang pagdaanan bago ako ulit tumanggap ng pagmamahal sa ibang tao.
I mean... hindi pa ako handang umibig ulit. Mas gusto kong hanapin muna sarili ko, yung tunay kong pagkatao... yung iba ko pang kapamilya. Malay ko bang nandito pa pala yung ninong at ninang ko na hinahanap ako hanggang ngayon.
Simula kasi ng mawala sina Mama at Papa, nawalan na din ako ng komunikasyon sa mga ninong at ninang ko sa mother side. Hindi ko man lang nakilala ang Lola at Lolo ko sa pagtanda ko. Tingnan mo nga naman ang tadhana oh.
Ipinikit ko ang mata ko at nagsimula mamungay... inaantok na ako.—
Zzzz...
Naalimpungatan ako sa kung anong malambot na kama ko, tumama na rin ang sinag ng araw sa aking mata, kaya bumangon ako at nagtatakang nilingon ang taong nasa tabihan ko.
Ba't ako napapunta dito?! WADAPAK!
Nilingon ko si Grey na sa ngayon ay mahimbing ang tulog..— Agad akong tumayo ng ma-realize kong magkatabi kami sa isang kama! Napatingin ako sa katawan ko at nakahinga ng maluwag.
"Asa." napalingon ako kay Grey na nakamulat na ngayon.
"Anong asa?" tanong ko.
"Asa ka namang may gagawin ako sa'yo? Sa mukha kong 'to?" sagot niya na ikinairap ko.
"Ulol ka, tiningnan ko lang katawan ko dahil baka nagka-allergy galing sa'yo." sagot ko at nakangiaing tiningnan siya.
HA! TAKE THAT—
"Ulol ka din kung gano'n, baka nga ako pa ang may allergy-- oh! Nagkagasgas ako sa braso dahil dito sa napakapanget mong pader." nanlaki ang mata ko at binato siya ng unan.
"Ang kapal ng mukha mo!" sikmat ko.
Nagdiretso ako sa banyo at nagsimula ng magtoothbrush at maghilamos.
Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na akong magluto ng almusal habang si Grey naman ay nagsusuot ng sapatos niya sa salas.
"Do you know what happened to you last night?" nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa.
"Malamang hindi, kasi tulog ako."
"Nahulog ka sa sofa— HAHAHAHAHAHA!" nanlaki ang mata ko.
"Seryoso?" tanong ko.
"Yeah, naawa ako sa'yo kaya inilipat kita sa tabihan ko. I need your thank you please."
"Wow ha, salamat. SALAMAT." sarkastikong sagot ko.
"Always welcome." sagot niya, napairap ako at inilapag ang niluto kong hotdog at fried rice.
"Wala ka bang tinapay diyan?" tanong niya.
"Sa lahat ng naging bisita ko IKAW ANG PINAKAMAARTE MR. BILLIONAIRE." anas ko.
"Sa lahat ng apartment na napuntahan ko, IKAW ANG MASAMA ANG UGALI SA AKIN MISIS KO."
"Manahimik ka diyan! Kumain ka nitong kanin, mas nakakabusog 'to kesa sa tinapay." sagot ko.
"Masarap ba yang fried rice mo?"
"Ang daming arte! Oo, masarap tong sinangag ko."
"Wala ka ng trabaho sa bar diba?"
"Oo dahil mo!"
"Well then you're hired. Bukas ka magsimula ng pagtatrabaho sa kompanya ko." napakurap ako sinabi niya.
ANO?!!!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Queen [Completed]
RomanceSa katayuan ng buhay ni Avianna Lopez ay masasabi niyang isa siya sa pinakamalas na tao sa buong mundo, kung kaya't naisipan niyang magtrabaho at magbanat ng buto upang masustentuhan ang sarili sa kabila ng paglayas niya sa poder ng kanyang tiyahin...