CHAPTER 30

9.8K 209 0
                                    

Grey's POV.

            She walked away. Hindi ko alam kung anong nangyari yet umalis siya sa hindi ko malamang dahilan.



"Sorry for the inconvinience Mr. Cassidy." nagpaalam ako kina Lena at sumakay na sa kotse.




"Sir, anong nangyari? Bakit umalis na lang bigla si Miss Ganda?" tanong ni Kuya Tisoy.



"Ewan ko ba sa babaeng 'yan, parang kanina lang ay nasa good mood pa siya tapos... tsk. Pasakayin niyo nga 'yan." naiinis na ani ko at nakatingin pa rin sa naglalakad na si Aviana.




What's up with her?




"Ganda sumakay ka na—"




"Ayokong may kasabay Kuya Tisoy! Magcocommute na lang ako!" mukhang galit nga si Aviana.




I open the car window and glance at her.



"Pwede bang pumasok ka na lang dito sa kotse at dito tayo mag usap?" tanong ko.




"Ayoko! Badtrip ka!"




"Ano bang ginawa ko sa'yo?" tanong ko, tumigil siya at napaisip...




Kamot ulo siyang pumasok sa kotse at umupo sa tabihan ko. Muling umandar ng normal ang kotse at ako naman ay inoobserbahan si Aviana.



"Look, i don't know anything.... can you please explain it to me? Why did you push Lena?" she rolled her eyes with hate.




"Look, hindi ko siya itinulak... talagang madali ka lang maniwala sa nagpapanggap na babaeng 'yun." sagot niya.



WHAT??


"Ipagpalagay na natin na hindi mo siya itinulak—"



"Na hindi naman talaga." putol niya.



"But still.... ano bang puno't dulo ng gulo niyo kanina?"




"Minamaltrato niya ang mga bata Grey. Kaya ang sama ng kutob ko kanina sa babaeng yun eh, ang sama ng tingin niya. Kaya pala takot na takot si Cassey sa kanya."




"But there are no signs of maltreat in the child. Ngayon mo lang nakilala si Cassey at Lena kaya mo nasasabi 'yan. Walang pagmamaltratong nangyari." sagot ko.



Yun ang alam ko, kahit kailan ay wala naman akong nababalitaan na namaltrato sa orphanage na iyon.



"Wala naman 'yun sa senyales, nasa sumbong 'yun ng bata. Kilala mo lang ang bata pero hindi mo kilala ang karanasan niya."



"I know her." sagot ko.




"No you don't.—"



"Aviana, wala kang alam okay? Isinama lang kita sa orphanage.—"



"Wala akong alam? You think i'm that stupid? Hindi purkit highschool lang ang natapos ko ay wala na akong karapatang ipaglaban ang tama. May damdamin ako, at alam ko ang karanasan ng batang 'yun... sa lagay pa lang ng pag-iyak niya matagal na niyang kinikimkim ang sakit na nararanasan niya."



"At paano mo naman nasa—"



"Dahil namaltrato na din ako dati! Tangina naman!" napalunok ako dahil sa isinagot niya. Natahimik ako dahil sa matang nangungusap at nagsusumamong makinig ako sa kanya.



"Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng maltratuhin. Laging ikaw yung naaapi, nasasaktan at nahihirapan. Laging ikaw yung dapat magdusa at pagsalitaan ng masasakit na salita dahil ang alam nila wala kang kwenta sa paglaki mo. Wala kang mararating dahil hinuhusgahan na agad nila ang isang maling nakapagpasama sa larawan mo. Kaya wag kang magsalita na parang alam mo lahat... Mr. Cassidy." and by that... i'm speechless.



Hanggang sa makadating kami ni Kuya Tisoy sa kanto ng apartment ni Aviana ay tahimik pa rin ako. Umalis siya... ng galit.



"Ganyan talaga Sir, mukhang hindi naging madali ang pinagdaanan ni Miss Ganda ah. Grabe yung dating ng mga salita niya sa akin." saad ni Kuya Tisoy.



"I still don't get her, bakit ba ang hirap intindihin ng mga babae?" tanong ko.



"Para namang bago na sa inyo si Hailey—"



"Shut up Kuya Tisoy, ayoko ng pag-usapan siya, so please." inis na pigil ko.



I heard her name again tss. It's been what? 3 years? Napakalayo na ng narating ko, how about her?

The Billionaire's Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon