Aviana's POV.
Halos ilang araw na rin ang nakalilipas ng mangyari ang pagbebeach namin. Nakauwi na rin kami at ako naman ay muli ng nagtatrabaho sa cafe. Ayos na rin ang paa ko at naigagalaw ko na ulit ng ayos.
Noong araw na umamin sa akin si Grey ay yun din ang huling araw ng 1 week na deal namin. Pagkatapos ng pag-amin niya ay hindi na ulit kami nag-uusap o nagkakakita man lang.
"Gaga! Order daw sa table 14." napalingon ako kay Sherwin at agad na tumango.
Nang makuha ko ang order ay napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung anong ibibigay kong reaksyon dahil nandito si Grey na halos pagpiyestahan na ng mga babae.
Nang mailapag ko ang kanyang order at resibo ay akmang tatalikod na ako ng higitin niya ako dahilan para mapalapit ng konti sa mukha niya.
"Nagtatrabaho ako Grey." saad ko.
"I know and i see."
"Kaya nga bitawan mo ako, may orders pa akong iseserbisyo." sagot ko.
"Hindi mo ba alam kung anong order ko?" tanong niya at ipinakita ang resibo.
Nanliliit ang matang kinuha ko iyon at halos mapasinghal ng makita ang pangalan ko sa mismong resibo!
Nilingon ko si Sherwin at sina Jessa pero mas lalong nanliit ang mata ko dahil sa ginagawa nila ngayon!
GINAWA LANG NAMAN NILANG PAMAYPAY ANG ILANG LIBONG PERA NA IBINAYAD NI GREY!
"Baliw ka?" baling ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Hindi pa naman pero sa'yo? Why not?" napangiwi ako at pinakyuhan pa sina Sherwin pero mabilis na ibinaba ni Grey ang kamay ko.
"Can you please stop doing that?" anas niya at hinala ang isang upuan papalapit sa kanya. Tsaka iyon iginiya sa akin na ikina-irap ko.
"Alin ang ititigil ko?" tanong ko pa.
"That. Don't you know that is rude?" mahina akong natawa at kinunotan ng noo si Grey.
"Matapos kang umamin hindi ka na nagpakita? At sa tingin mo mauutusan mo ako sa ganyang bagay?" tanong ko.
Nakita ko ang pagngisi niya...
HAYOP! ALAM KO NA AGAD ANG NAIISIP NITO!
"Sabihin mo na lang na namimiss mo ako." napaungos ako at dinuro siya.
"Miss? Kita? Ulol."
"Misis? Kita? Yeah, soon." natahimik ako at nakaramdam ng kung anong kilig dun... pero hindi ko ipinahalata.
"So? You're free tonight?" dagdag niya.
"At bakit? Hindi ako pwede mamaya, magdidilig ako ng mga halaman ko." sagot ko.
"Sa gabi? Seriously?... Wait- Ano bang halaman ang tinutukoy mo? Gusto mo... ako na lang ang magdilig para sa'yo?"
HAAAAAAAAAAAATDOG!
"Gago ka?! Hoy! Kung akala mo madadaan mo ako sa mga paganyan ganyan mo hindi noh!" sagot ko pa.
"Can you act like a fucking girl, kahit ngayon lang? For a woman, you're bad." naiiling na saad niya. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Gusto kong mahalin mo ako sa pagiging masama ko kesa mahalin mo ako sa pagiging mabuti na hindi ko naman ikinatototoo. Grey, heto ako. Anong ini-expect mo? Na katulad ako ng mga naging ex mo? Ako 'to... si Aviana Lopez."
"Why?" tanong niya.
"You really are unpredictable." dagdag niya.
Napailing ako at napalingon sa ilang babae na kumukuha ng litrato sa amin ni Grey.
'Yan yata yung nililigawan ni Grey Cassidy?'
'She's beautiful tho.'
'May nililigawan si Grey Cassidy?'"Napapunta ka dito?" tanong ko.
"Masama na bang bisitahin ka dito sa cafe?" natatawang tanong niya.
"Hindi naman. Pero kasi Grey baka mamaya may mga nagtatangkang saktan ka at kuhanan ng pera. Wala ka pang kasamang bodyguard oh."
"You're my bodyguard."
"Kapal. Ano ba talagang gusto mo? Luto ko?" pagyayabang ko pa.
"I'm a better cook." pagyayabang din niya.
"Psh. Saan ba tayo ng matapos na 'to." natatawang tanong ko at hinubad ang aking apron.
"Mall." sagot niya. Napapikit ako ng maalala ang senaryo namin nina Sherwin noon.
TANGING KAMI LANG ANG TAO SA LOOB NG MALL AT PARANG DISYERTO!!
"Sige ba, pero ang plot twist... gagala tayo sa mall ng parang normal. Hindi mo paaalisin ang mga tao sa loob, deal?" umiling siya at napipilitang tumango.
"Para sa babaeng mahal ko why not?" pahabol niya ng makalabas kami ng cafe.
"Para sa lalaking gusto ko why not?" panggagaya ko.
"Love me already Aviana. I'll give you everything you want."
Napangisi ako at tiningnan siya sa mata.
"Pag-iisipan ko." umangal siya sa isinagot ko pero nanatili akong tumatawa sa pag-alis namin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Queen [Completed]
RomanceSa katayuan ng buhay ni Avianna Lopez ay masasabi niyang isa siya sa pinakamalas na tao sa buong mundo, kung kaya't naisipan niyang magtrabaho at magbanat ng buto upang masustentuhan ang sarili sa kabila ng paglayas niya sa poder ng kanyang tiyahin...