Chapter One: Life
Madilim pa ang kalangitan ay gising na ako upang makapag handa sa pagbebenta ng kakanin. Tulog pa ang dalawa kung kapatid, Nakangiting tinitigan ko ang mga ito. Ako nalang ang tumatayong magulang sa kanila. Maagang namatay ang nanay ng ipinanganak niya ang bunso.
Sa sobrang hirap ng buhay, napilitan akong tumigil sa pag-aaral. Highschool graduate lamang ang natapos ko. Kailangan kung kumayod sa murang edad palamang. Twenty years old na ako pero hindi mn lang ako naka college, pangarap ko talagang makapag tapos para sa pinapangarap na magandang buhay.
Agarang inayos ko na ang mga nalutong kakanin. Sumisikat narin ang araw, gising narin ang pangalawang kapatid ko. Ipinasok ko na lahat ng nalutong kakanin sa loob ng basket na lagi kung dala.
"Ate, yung bayarin ko po sa paaralan. Hindi raw makakakuha ng exam ang mga hindi raw makakabayad." Malungkot na sabi ng kapatid ko. Nilingon ko ito at sabay ngiti.
"Wag kang mag-alala may naipon na ang ate, yun nlng ang ipangbayad mo." Nakangiting sabi ko. Ngumuso nmn ito.
"Pero ate, diba pinag iipunan mo yun para makakapag aral ka narin sa susunod na school year? Matagal mo na yang iniipon." Malungkot nitong sabi. Itinigil ko muna ang ginagawa at hinarap ito sabay ngiti.
"Ano ka ba! Okay lang, makakapag ipon pa nmn ulit si ate." pagsisiguro ko dito. Bumuntong hininga ito sabay bagsak ng balikat.
"Pwede nmn kasi akong mag part time na ate para magkaroon ng pera. Highschool narin nmn ako." Buntong hiningang sabi nito. Nilapitan ko namn ito sabay yakap.
"Hindi mo kailan mag trabaho habang nag aaral ka Collen, kaya na nmn ni ate na itaguyod kayo ee." sabi ko dito sabay halik sa tuktok ng ulo nito.
"Pero nahihirapan kana ate e!" Protesta pa nito. Bahagyang lumayo nmn ako dito at tumawa.
"Sa laki ba nmn ng muscles ng ate mo? Naku! Yakang yaka yan lahat ng ate!" Biro ko dito sabay pakita ng braso ko. Tumawa narin ito. Busangot nmng lumabas ang bunso sa kwarto habang kinukusot pa ang mga mata.
"Ang ingay niyo nmn ee." Reklamo nito. Nakangiting nilapitan ko nmn ito.
"Goodmorning bunso!" Malambing kung bati nito. Humilig nmn ito sa katawan ko habang nakanguso.
"Goodmorning din." She sweetly greet back.
Matapos kung ihanda lahat ay nagpaalam na akong tutungo na sa palengke para mailako na ang mga kakanin ko.
"Oh! Ang aga natin ah!" Salubong sa akin ni Bea ng makarating sa dating pwesto ko sa palengke.
"Oo ee, para maaga rin matapos ang bentahan. Kailangan ko pang pumunta munisipyo, nag side line kasi ako doon bilang street sweeper." Nakangiting sabi ko.
"Ang sipag mo nmn Mayla! Di mo talaga aakalain na sobrang hirap mo! Sa kutis at gandang meron ka pa nmn nako! Malayong malayo sa katutuhanang mahirap ka!" Nakapamewang nitong sabi habang iiling-iling pa. Ngumisi nalang ako dito at sinimulan nang mag benta.
Bandang alas 10 ay naubos ng benta ko.
"Una na ako Bea! Ubos na ang mga kakanin ko e." paalam ko sa kaibigan. Nilingon nmn ako dito ng may mga ngiti sa labi.
"Iba talaga kapag maganda! Maagang nauubos ang benta e!" Tatawa tawa nitong sabi. Umiling iling nlng ako dito.
"Loko ka talaga! Sige una na ako!" Paalam ko dito, kumaway kaway nmn ito ng paalis na ako.
Umuwi na muna ako para makapagbihis. Naabutan ko nmng nanunuod ng television ang dalawa kong kapatid.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko ng tuluyang makapasok sa kawayang bahay namin. Agad nmng tumayo si Kayie ang bunso. Mahigpit na niyakap ako. Napakalambing talagang bata.
BINABASA MO ANG
The Longing Heart: (Buenaventura Series #2)
Non-FictionI was left behind. I did all my best to have my own peaceful place. Where he doesn't belong anymore. Where I shouldn't let myself fit to the world he had. And as I expected, I shouldn't expected. Drooling, Rolling, Life has it's own way back. How co...