Chapter five: Farm
Ika anim na araw na ako dito sa mansion ng Buenaventura at talagang napakabait nga nila pwera nalang siguro sa sobrang cold at may pagka maldito na si sir Jaydee. At bukas naman ay uuwi ako sa amin dahil day off ko, kaya naman hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ko sa sobrang excited!
"Jusko! Akalain mo yun! Grabe ang katawan talaga ni sir erman! Biyak na biyak!" Kinikilig at tatawa tawang kwento ni Penny sa amin ngayon sa hapag.
"Gaga Ka talaga! Ako Yung naka Una kay sir noh!" Sabay irap naman ni ebelen dito.
"Huy! Pelingera Ka! Ako kaya naka una don!" Pakikipagtalo pa ni Penny dito. Napatawa nalang kami sa dalawa na walang tigil sa bangayan upang malaman kung sino nga ba ang nakauna sa amo namin.
"Hala magsitigil nga kayo't pareha Lang naman kayong walang karapatan doon!" Singit naman ni aling cita
"Hahahaha." Napuno naman ng tawanan ang dirty Kitchen.
Matapos naming mag almusal ay siya ring pag uumpisa ng mga trabaho namin. Inako ko narin ang paglilinis ng swimming pool sa sobrang tuwa. Inayos ko narin ang mga iuuwi kung mga damit at mga kakailanganin ko pang dalhin bukas, kukunin ko nalang ang advance payment nila Sir Erman sa akin.
"Oh! Kanina ka pa diyan nag aayos ng gamit mo, ayaw mo bang matulog na? Gabi na atsaka bukas maaga ka pang uuwi diba?" Tanong naman sa akin ni ebelen habang abala itong naglalagay ng isang liquid na puti sa kanyang mukha.
"Ah, oo! Hehe, malapit narin naman ito matapos at matutulog narin naman ako't excited na talaga akong makauwi sa amin." Ngingiti ngiti ko pang sabi. Umupo naman ito sa kanyang kama na sa taas naman ay doon si penny natutulog. Double deck kasi.
"Tsk! Buti ka nga't nakakauwi ka, ako nga'y mag hihigit isang taon na akong hindi nakakauwi sa amin." Gulat naman akong napatingin sa kanya ng sabihin niya ito.
"Bakit?" Takang tanong ko naman dito.
"Tsk! Alangan naman umuwi ako sa amin isang beses kada linggo dzai! Naku! Dinaig ko pa mayaman non." Aniya na natatawa pa, kunot noo ko naman siyang tinignan.
"Taga saan ka nga pala ebelen?" Tanong ko dito.
"Tsk! Taga Cebu kasi ako. Ang totoo niyan ay katiwala na ng mga Buenaventura ang mga magulang ko sa Cebu. May rest house kasi sila doon at isa sa mga katiwala nila ang mga magulang ko. Hindi ko nga naisip na mapupunta ako dito sa manila at mag tratrabaho bilang isang kasambahay, taliwalas sa buhay na inaasam ko." Nakatungong iiling na kwento nito. "Nabuntis ako sa murang edad, wala e nadala sa bugso ng damdamin." Dugtong pa na nito na mapait na nakangiti.
"Okay ka lang ebelen?" Tanong ko pa dito. Iniangat naman nito ang mukha at bahagya akong nilingon at ngintian saka ulit itinuon ang tingin nito sa kawalan.
"Labing pito nung nabuntis ako. Isa akong Volleyball player sa lugar namin, minsan narin naman kaming nasabak sa tournament at mga regional meet saka divisional meet. Matikas akong atleta, sa totoo nga ay tinagurian akong pinakamagaling na manlalaro ng volleyball sa paaralan namin. Simula elementary kasi hanggang nag highschool ako volleyball na talaga ang sports ko. Halos mapanalo na nga namin ang mga laro namin." Maiiging nakinig naman ako sa kanyang kwento habang ipinasok ang huling damit ko sa aking halos sirang bag na.
"Ang galing mo pala kung ganoon." Ani ko pa na namamangha. Ngingiti ngiti naman itong tumango.
"Aahin ko pa ang galing ko kung pinairal ko ang karupukan ko tsk." Aniya sa bigong tono.
"Grabe ka naman, pwede ka pa naman mag simula ah." Ani ko sabay sara ng zipper ng bag ko at itinabi Ito sa gilid ng higaan ko.
"Yun na nga e. Nakilala ko ang isa sa mga manlalaro ng basketball ng kabilang paaralan. Mayaman, gwapo, sikat haha." Natatawang aniya. "Nagka crush nga ako don e na inamin ko naman agad... Nasiyang pagkakamali ko." Mahinang anito. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
The Longing Heart: (Buenaventura Series #2)
No FicciónI was left behind. I did all my best to have my own peaceful place. Where he doesn't belong anymore. Where I shouldn't let myself fit to the world he had. And as I expected, I shouldn't expected. Drooling, Rolling, Life has it's own way back. How co...