TLH - Chapter 4

33 5 0
                                    

Chapter four: Stares

Bandang alas dose na ng matapos akong maglinis sa mga nakatuka sa akin. Mamayang hapon ay yung gazebo naman yung lilinisin ko, ang kabilin-bilinan kasi ay bandang hapon na ako pumunta doon ng sa ganoon ay hindi maistorbo si sir Jaydee, doon niya kasi daw ginagawa ang trabaho niya. His favourite spot in the mansion.

"Oh! Mananghalian na tayo, mamaya na iyang mga trabaho ninyo! At kailangan pa natin ng lakas." Sigaw naman ni aling cita, Inayos ko na muna ang hose na ginamit ko galing sa paglilinis ng mga basahan. Nang maayos ay pinagpag ko ang kamay sa suot kung kulay ulap na slacks.

"Mayla, sayo ba iyong bulaklak doon sa ibabaw ng drawer?" Tanong sa akin ni ebelen ng maupo na ako sa tabi ni Maria dito sa dirty kitchen ng mga Buenaventura.

"Ha? Hindi ko alam kung para ba sa akin iyon pero nang magising Kasi ako nandoon iyon sa higaan ko. Nadaganan ko pa nga't nagkaroon ako ng maliit na pasa dito sa braso ko e." I flatly said.

"Naku! Edi para talaga sayo talaga yun. Baka si Roliz yung nagbigay noon, nabanggit niya kasing crush ka daw niya." Hagikhik naman ni Penny. Kumunot naman ang noo ko.

"Sinong Roliz?" Tanong ko dito.

"Yung driver ni sir Jaydee!" Natatawang sabi ni ebelen. "Crush niya noon si Maria nung unang dating ta's si dina naman sumunod at ngayon ikaw naman haha naku! Napakapalakero non! Kala mo naman gwapo!" Nakangiwing sabi ni ebelen.

Tumawa naman si Aling cita at ang kanyang anak. Tumango naman ako bilang tugon sa sinabi nito.

"Naku! Mag iingat ka doon at baka madali ka sa mga banat non!" Babala naman ni Janet habang naglalagay ng kanin sa plato nito."Maganda ka pa naman, sayang kung ang beauty mo ay babagsak lang sa kanya." Dugtong pa nito, ngitian at tinanguan ko nalang sila bilang tugon.

Matapos naming kumain, si ebelen at Janet ngayon ang nakatuka sa hugasan na pinagkainan namin. Si Maria naman ang kasama ko sa susunod na araw. Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang mga mata, kakatapos ko lang maglinis sa sala at tinulungan ko narin si penny sa paglilinis ng swimming pool. Nandito na ako ngayon malapit sa gazebo at hinihintay nalang pumatak ang alas kwatro imedya para malinis at madiligan ko na ang mga bulaklak malapit sa gazebo.

I cranked my neck to see if my boss was still there in the gazebo. Naaninagan ko naman ang bulto nitong nakaupo habang suot ang salamin, nakatingin ito sa kanyang laptop at halatang abala sa ginagawa. Napabuntong hininga nalang ako at tinanaw ulit ang lawak ng Lupain slash Mansion ng nga Buenaventura. May malawak silang field Kung saan daw minsan ginaganap ang mga parties ayon pa kay ebelen at penny. Napangiti naman ako.

"Gusto ko rin magkabahay ng ganito at mapag aral ang mga kapatid ko sa isang magandang unibersidad." Mahinang sabi ko habang ngingiti-ngiting ginala ang tingin.

"Why are you just standing here?" Agad naman akong napatalon sa gulat. Agarang Inayos ko ang mga tikas kong buhok, nakapamulsa lamang ito sa suot niyang Chino short.

"Ah, hinihintay ko lang po kasi kayong matapos sa inyong trabaho ng sa ganoon ay malinis ko na ang gazebo, sir." Magalang kung sabi sabay angat ng tingin dito. Our gaze met, his beautiful captivating brown eyes met my dark eyes. Walang naglakas loob na bumawi sa titigan na pinukol namin sa isa't-isa. I want to stare his eyes, it was so beautiful.

"You can clean it while I'm doing my work, just keep your voice low." Aniya habang nakatitig parin sa akin. Tumango naman ako bilang tugon.

"Sige sir! Kukuha na ako kagamitan ng sa ganoon ay malinis ko na po." Magalang sabi ko at walang sabing tinalikuran siya. Kinuha ko naman agad ang walis tingting at dustpan, Nang makabalik na ako sa gazebo ay umangat ang tingin ni sir Jaydee sa akin kaya tumungo nalang ako at sinimulan na ang pag wawalis. Tahimik lamang ang paligid tanging huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko't pag hampas ng hangin sa mga dahon.

The Longing Heart: (Buenaventura Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon