06/28Alam niyo ba? ngayong araw na to, maipapasa ko na ang apilyedo ko sa taong love na love ko hehe.
"ikakasal na nga siya" pangaasar ni Xander. Napangiti ako.
"propose ka na kasi pre" sabi ko pabalik.
"KPL" maikling sabi niya.
"HOY! sorry late! napakalayo naman kasi ng studio niyo e" pagrereklamo ni Joshua.
"ulol, si Olivia nga galing pang Catanduanes pero hindi late" pangaasar ko.
"mag kaiba naman kami, siya may jowa, ako wala" sagot niya.
"a wala" pagtawa ni Ace.
"magbreak sana kayo ni Kelly" pangaasar ni Joshua.
"foul!" sigaw ko pero mahina lang ng slight.
"hoy ikaw! pareng Nathan, dapat aalagaan mo si Shaz ha, ayoko ng iiyak iyak yon saamin kapag nagkaapihan. Tandaan mo, tropa kita pero kaya kong basagin bungo mo pataas" pagtawa ni Ace.
"ang panget mo kasi, umuwi ka na, you're not invited anymore" maarteng sabi ko.
"tangina ka wala kang best wishes saakin, hayop ka" sabi niya pabalik.
Dumating na kami sa simbahan at maraming taong bumati at ngumiti saakin. Hindi ko matago yung excitement na nararamdaman ko. Parang kahapon lang nililigawan ko palang si Shaznei, tapos ngayon wala na magasawa na kami mamaya HAHAHAHA.
"ready ka na, tol?" tanong ni Joshua ng nakarating na kami sa altar.
"oo naman, ang tagal kong hinintay nito" sabi ko ng may ngiti.
Bumukas ang pintuan ng simbahan saka ko nakita ang pinakamagandang babaeng nakilala ko, hindi na ako makapaghintay bumuo ng masayang pamilya kasama niya.
Dahan dahan siyang lumakad papalapit sa altar habang kinukuhanan siya ng litrato ng bawat taong dinadaanan niya. Nginitian niya ako ng pagkatamis tamis kaya ngumiti rin ako pabalik. Hindi ko mapigilang maluha dahil matutupad na ang pangarap ko kasama ang taong pinapangarap ko.
Nakarating siya sa harap ng altar, katapat ko. Sinabi ang mga sinasabi ng pari at binibigkas ang bawat salitang ibabato saamin.
"I'm so excited to do everything we want, we can travel, we can stay up late, do long drives and there's no need to drop me home because starting today, you are my home" sabi niya. Tumango tango lang ako dahil pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga luha ko.
Hinawakan ko ang pareho niyang kamay saka inilapit sa mukha ko para magpasalamat sakanya dahil sa pagpayag na pakasalan at samahan ako habang buhay.
"buong buhay ko...hindi ko naman naisip na manligaw o magsayang ng oras sa mga bagay na alam kong hindi naman talaga para saakin. Pero nung makilala kita, lahat ng pagdududa at pagaalinlangan nawala dahil alam ko na sa tuwing kasama kita sigurado ako. Sigurado ako na ikaw na talaga. Kaya nagpapasalamat ako kasi pumayag kang ligawan kita, pumayag kang mahalin at samahan kita habang buhay. Mahal na mahal kita" sabi ko ng may pumatak na luha galing sa mata ko.
"you may kiss the bride" sabi ng pari. Humiyaw ang lahat. At ayun na nga, magasawa na kami. Super fun!
Nasa reception na kami at nagpalit ng mas komportableng damit si Shaznei, or should I say...Mrs. Alcantara HAHAHAHA.
Binati at pinasalamatan namin ang mga taong dumalo sa kasal namin. Nakauwi na kami saamin at wala munang honey moon.
Nasa balcony lang kami at tinatanaw ang mga bituin. Nakahawak ako sa bewang niya habang nakatingin parin sa kalangitan.
"salamat" biglang sabi ko. Napatingin siya saka kinunot ang noo.
"saan nanaman?" tanong niya.
"sa lahat lahat" sagot ko. Ngumiti siya saka pinaharap ako sakanya.
"hindi mo ako kailangang pasalamatan kasi ako dapat ang magpasalamat kasi binago mo ako" sabi niya.
"hindi ako talaga yun e" pangaasar ko.
"tss" inis na sabi niya.
"joke lang e!" sabi ko.
"wag mo akong ididivorce ha" sabi ko.
"pagpilosopo ka ididivorce talaga kita" pananakot niya.
"edi sige! wala ka ng Nathan A." pagtawa naming dalawa.
"sana butuin rin ako" sabi niya.
"ako ayoko, bakit?" pagtanong ko.
"para panonoorin mo rin ako" sabi niya. Tumawa nanaman kaming dalawa.
"you weren't just a star to me, you're my whole damn sky" sabi ko.
"ang cheesy mo naman!" Tumawa nanaman kami.
"you are my Lithium Iron" sabi ko.
"what?" napakunot ang noo niya.
"you are my LiFe kasi yon, babe" umiling iling siya habang tumatawa.
Pinanood ko siyang tumawa at alam kong doon lang ay masaya na ako at gusto ko pa siyang mas pasayahin kaya pipilitin kong maging mabuting asawa sakanya at mabuting ama sa mga magiging anak namin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pinagdaanan at mga alaala namin bago makarating kung nasaan kami ngayon. Siya ang habang buhay ko at yun lang ang nasisiguro ko.
There is nothing prettier in the whole wide world than the girl I love with every breath she takes.
-Nathan Gabriel Alcantara
A Bad Girl's WeaknessTHE END
Another book will be released soon! book 1 and 2.
BINABASA MO ANG
A Bad Girl's Weakness
RandomA story of a cold-hearted girl who was changed by her biggest fear...love. Nathan Gabriel Alcantara, a handsome, simple boy will help Arianna Shaznei Villanueva, a daughter of a well known family, to face her biggest fear. Everyone could change, to...