Prologue

236 9 10
                                    

"Miss, yun order ko! Ano ba?!" Ani nung babae.

"Opo!" Mabilis akong pumunta dun sa kapihan at kinuha yun slice nung strawberry cheesecake.

"Kuya Phil! Kuya Phil! Gawa mo nga ako ng isang cappuccino, para dun sa babae! Pleaseee?!" Sabi ko.

"Ay kabayo!" Mabilis ko sinagip yun plato na muntik ng mahulog.

"Oo na. Lena, kumalma ka nga. Para bang first day mo ah. " Bahagya syang napatawa.

Tumigil naman ako sa ginagawa ko at ipinatong yun plato ng cheesecake dun sa tray. Nakatingin lang ako sa kanya habang gumagawa sya ng kape at nagsasalita.

"Tingnan mo nga yan si Belle. Sya yun first day lang dito pero kung maka galaw ka akala mo ikaw." napailing sya habang tumatawa.

Lumingon ako at nakita ko si Belle habang kumukuha sya ng orders at nakangiti. Mas matanda sya sakin ng tatlong taon.

Inilagay ni kuya Phil yun gatas dun sa baso at yun baso sa pinggan. Nilagyan pa nya ng cocoa powder yun ibabaw nito at inilagay sa tray ko.

Tiningnan nya ako at ngumiti.

"Alam mo, kung hindi ko lang alam ang sitwasyon mo, ay nasapak na kita. Quinze anyos ka lamang Lena, ang mga kaedad mo ay nagala at nakikipagsaya. Habang ikaw? Nagtatrabaho. Alam ko naman na kailangan mo ng pera, pero relax rin ah. Wag mong ilaan ang buong lakas mo dito." Ngumisi sya.

"At wala ka bang kaibigan? Enjoy yo-"

"MISS!!" Napalingon ako dun sa sumigaw. Ugh, yun na naman babaeng yun. Nakakairita na sya ah!

"Opo! Darating na po!" Sigaw ko rin at kinuha yun tray na may kape at cheesecake.

"Kuya Phil, salamat sa lahat na mga kahulugan na sinabi mo, pero masaya na ako. Wag kang magalala. At tsaka may kaibigan kaya ako. Ikaw!" At tumawa ako. Nakita ko syang tumawa habang umiiling.

Pinuntahan ko na yun lamesa nung babae. Dahan dahan akong naglalakad habang hawak yun tray, ayoko kasing matapon eh.

Malapit na ako dun sa lamesa ng babae ng bigla sya napatayo at lumingon sa akin kaya napatapon sa kanya yun kape at yun cheesecake.

"Oh! Shit!"malutong na mura nung babae. Napanganga ako at hindi ko alam anong gagawin ko.

Puno ng galit at inis nya akong tiningnan.

"YOU!" Dinuro nya ako.

Napalunok ako ng nakita ko yun hintuturo nya malapit na mukha ko.

"S-s-sorry po miss!" sabi ko at yumuko sa kahihiyan. Ano ba yan Lena!

"Sorry? Ha! For what?! For being stupid?!" Pangagalaiti nya.

Hindi ako makasagot sa mga sinasabi nya. Una, kahit alam kong aksidente yun nangyari, natapunan ko pa rin sya kaya may karapatan syang magalit. At pangalawa, natatakot ako sa kanya kaya walang lumabas na kahit isang salita sa bibig ko.

Tumawa sya ng malakas pero bakas sa boses nya ang pagkairita.

"Hindi mo ba alam na mas mahal pa sa buong kaluluwa at pagkatao mo itong damit kong ito?! Ha?!!!"

Hindi parin ako tumutungo at nagsasalita. Nakakatakot itong babaeng ito, Lena you are dead. Nakita ko galing sa peripheral vision ko na madami na ang nakatingin samin.

Lupa! Kainin mo na ako!

"Sumagot kang tanga ka!" Nabigla ako sa muli nyang pagsigaw kaya napatungo ako.

A piece of you and me [JaDine FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon