CHAPTER 4

23 4 1
                                    

(Y H Z Z E L L E'S P O V )

habang hinihintay namin si Dean Crux ay biglang dumating sila Ms. Joanna at whAt?! si zaach, tss bakit siya pa, huli na ang lahat nakatingin na din sa akin si zaach, nag iwas tingin ako at umupo siya sa tabi ko.

"Hey bakit kayo nag-away ni alexa?" bulong sa akin ni zaach "mamaya, hintayin natin si Dean" sagot ko at tsaka umayos ng upo.

"Good afternoon Dean Ignacio " sabay sabay naming bungad kay Dean, tumango na lang si Dean at naupo sa sarili niyang upuan "Valette at Lepus, ano ang dahilan kung bakit kayo nag away?" si Dean "ikaw muna ang magpaliwanag Valette" patuloy ni Dean.

"kasi po dean bibili po sana ako ng Coffee ko, hindi kopo napansin na nasa harapan ko si Alexa, dahil sa pagmamadali ko at ayon po nadapa ako at natapunan ko po ang Palda ni Alexa at nagsorry po ako sa kanya at nagpaliwanag ngunit hindi siya naniwala dahil don ay sinampal niya ako at don napo nagsimula ang gulo namin" paliwanag ko at sinen-nyasan niya na'ko na maupo.

napatingin ako kay zaach, dahil ramdam ko na kanina pa siya nakatingin sa akin, nginitian kona lamang siya.

"Lepus, tama ba itong si Valette?" pagtatanong ni Dean kay Alexa, "opo dean, ako po nagsimula ng gulo" tipid na sagot ni Alexa. kapag si Dean ang kaharap ang bait pero kapag iba demonyita.

"kung ganon kakausapin ko ang magulang mo Lepus" napatingin ako kay Dean at lumingon siya sa akin "Valette, maaari ka nang bumalik iyong klase" tango na lang ang naisagot ko at lumabas na kami ni zaach sa loob ng Guidance Office.

"ah, zaach thankyou sa pagpunta" utal utal kong sabi sa kanya, napalingon siya sa akin at ngumiti "bakit ka nauutal?" nakangising tanong niya sa akin, nag iwas tingin ako.

"ha?"

"sabi ko bakit ka nauutal?"
nakangisi pa din siya.

"Hatdog" at humalaklak ako, at lumapit siya sa akin at INAKBAYAN AKO!! "Ayoko sa lahat ng ginaganyan ako yhzzelle, kaya sa bawat pamimilosopo mo, pag away mo sa akin, pang-aasar sa akin, ay may kapalit, ang kapalit ay aakbayan kita at hahawakan sa kamay" nakangising sabi niya at naka-akbay pa din siya sa akin.

"Alisin mo nga ang pagkaka-akbay mo sa akin, lintik ka alisin mo" inis na sagot ko sa kanya "wag kana magreklamo mahuhuli tayo sa klase, tara na" nakangisi pa din siya, no choice kung di pabayaan na lang siyang naka-akbay sa akin habang naglalakad patungo sa classroom.

habang naglalakad kami patungo sa classroom ay nagbubulungan ang mga studyante.

omg diba ayan yung transferee.

oo ayan nga.

hala bagay silaaa ghadd!!

bagay? ulol tao kami, tss.

nandito na kami sa harap ng classroom, bago pa kami pumasok ay huminto ako at humarap sa kanya "kasalanan mo'to zaach eh, ayan inaasar nila ako tsaka ikaw" inis na sabi ko sa kanya, tawa lang ang sagot niya at inakbayan nanaman ako "pumasok na tayo sa loob, babe" nakangising sabi niya "babe your face"

kumatok na si zaach maya maya pa ay pinagbuksan kami ng pintuan ni Iyah, at napatingin ang aming mga kaklase sa aming dalawa ni zaach dahil nga naka-akbay sa akin si zaach. tsk

"ehem, bakit ka naka-akbay sa kaibigan namin bryan zaach" bungad ni iyah "gusto ko eh magagawa mo" sagot naman agad ni zaach at pinakyuhan na lang siya ni iyah. nauna na ako sa paglalakad patungo sa aking upuan, rinig pa rin ang asaran ng aking mga kaklase at aking mga kaibigan.

I'M YOUR PROLOGUE BUT SHE'S YOUR EPILOGUE | ONGOINGWhere stories live. Discover now