CHAPTER 11

6 2 0
                                    

(Y H Z Z E L L E' S P O V)

Nandito kami ngayon magkakaibigan at si Gabriel sa Office ni Dean, 'nakwento nadin namin kay Dean ang nangyari kanina.

"Paano kung bumalik sila valette at mas madami pa ang bumalik, may magagawa kaba?" si Dean

natawa ako kaonti "Dean edi papatumbahin sila madali lang sila patumbahin"

natawa din si Dean "at sa tingin mo kakayanin mo valette?" may pagkahalong sarkastiko ang pananalita niya ngayon.

"Yes Dean, hindi mo pa ako kilala Dean Crux" seryosong sagot ko, 'hindi na siya nakasagot.

sumenyas naman siya na lumabas na kami at bumalik kami sa room pwede pa naman kami tumambay doon.

"Ayos ka lang talaga?" si Gabriel ngumiti ako "oo naman"

"ikwento mona yhzzelle oh please" si lexus napabuntong-hininga ako "sige"

"Ang mga sumugod kanina ay tauhan ni Tristan Cuevas, 'Ang Pamilyang Cuevas ay nakalaban na dati nang pamilya ko at pamilya nila Gabriel. natalo namin sila at ilan sa kanila namatay pero may natira ayon ang anak nilang si Tristan Cuevas alam naming babalik siya, ako at ang pamilya namin nila Gabriel" nagulat naman sila sa mga reaksyon nila.

"Baka layuan niyo na kami ni gab ha" pagbibiro ko "Hindi naman ah" sabay sabay nilang sagot.

"thankyou"

palabas na sana ako nang biglang dumilim ang paningin ko at hindi kona alam ang sunod nangyari....

(Z A A C H'S P O V)

palabas na sana ng room si Yhzzelle nang bigla siyang HIMATAYIN! agad naman napasigaw kaming lahat "YHZZELLE!" agad na lumapit si epal na Gabriel kay yhzzelle.

"Dalhin natin sa Hospital tulungan niyo ako" sabay turo sa amin nila wade, lexus, at ako' agad naman kaming lumapit kay yhzzelle at binuhat ito.

nakasakay kami ngayon sa kotse ni epal na Gabriel at dadalhin namin sa pinaka malapit na Hospital si Yhzzelle.

bakit ganto ba ang nararamdaman ko?! Parang nadurog puso ko.

"Ano nangyari sa kanya?" si ate nurse.

"Bigla nalang po siyang nahimatay kanina" sagot agad ni Gabrie, 'at dinala na si Yhzzelle sa room niya.

hinihintay na lang namin ang resulta niya at ang masasabi nang Doctor, 'biglang may lalaking lumapit kay Gabriel. kuya pala ni yhzzelle.

"Gabriel anong nangyari?" kalmadong tanong nung kuya ni Yhzzelle "pagkatapos namin makipag laban sa mga tauhan ni tristan okay pa naman siya tapos nung nasa classroom na kami nagkwentuhan kami tas palabas na sana siya nang bigla nga siyang mahimatay" agad na kwento ni Gabriel.

natigilan sila sa paguusap at sabay sabay kami napalingon sa gawi nang Doctor ni Yhzzelle "Doc kamusta napo ang lagay ni Yhzzelle?" agad na tanong ni Gabriel

"Sino po ang pamilya ng pasyente?"

"Ako po Doc, kuya niya ako"

"Ayos napo ang lagay niya, 'nauubusan lang po siya nang" hindi pa natatapos mag-paliwanag ang Doctor ng sumagot agad ako "Doc ano ang nauubusan kay yhzzelle?!"

"nang.." sumagot agad ako "nang ano po?!"

"Patapusin mo muna kasi!" sigaw sa akin ni Gabriel napabuntong-hininga ako

"Nauubusan lang po siya nang lakas masyado niyang pinapagod ang sarili niya" sa wakas akala ko kung ano na

napakamot ako sa sentido ko "akala ko kung ano na doc hehe" binatukan naman ako si lexus

I'M YOUR PROLOGUE BUT SHE'S YOUR EPILOGUE | ONGOINGWhere stories live. Discover now